CHAPTER35

17K 511 4
                                    

Matapos kumain ay pinauna ko na sa sala ang dalawang lalaki, nagpaiwan ako sa kusina para kausapin si ate elena.

" pwede po bang kayo na munang bahala kay daddy habang wala pa akong nakukuhang bagong nurse."

" okey lang ho yun sa akin maam ang kaso ang problema lang talaga eh matigas ho talaga ang ulo ng daddy nyo, kayo lang ho ni sir jaycee ang sinusunod nyan, madalas hindi ho namin sya mapakain at mapainom ng gamot sa tamang oras, kaya madalas tinatawagan namin si sir jace para lang pakainin at painomin sya ng gamot."

Nagtaka ako sa sinabi ng katulong wala kasing nababanggit sa akin si jaycee na close sila ni daddy at papano sila nagkakilala wala naman akong natatandaang ipinakilala ko sila sa isat isa.

" Gaano katagal na bang pumupunta dito si jace.?"

" ho... eh napakatagal na po... sa katunayan sya nga pong nagpasok sa akin ditong katulong, mahigit limang taon na ang nakakaraan."

" limang taon... sigurado ho kayo, teka si jaycee ferrer ho ba ang pinaguusapan natin, baka naman ibang jaycee ang sinasabi nyo.."

Hindi talaga ako makapaniwala sa nalaman ko.

" jaycee ferrer nga po, yung modelo at assistant nyo."

Higit pa sa hindi makapaniwala, gulat ma gulat ako sa nalaman ko higit limang taon na silang magkakilala ni daddy pero bakit hindi ko alam ang tungkol doon.

" pero alam nyo ho mahigit limang taon na ako rito pero ngayon ko lang nakitang masayang kumain si sir at ngayon ko lang sya nakitang nakipagbiruan at ngumiti."

" yung hitsurang yun masaya na ba yun, at kaylan naman sya ngumiti kahit nga nagbibiro sya eh seryoso pa rin ang mukha nya."

" maam may mga ngiti ho at kasiyahan na hindi mo makikita sa mukha kundi sa mata, hindi man ho magsalita si sir luiz alam ko masaya sya na muli kayong umapak sa bahay na to."

" masaya rin naman ho ako na makabalik dito."

" sana po hanggat hindi gumagaling si sir ay dumito muna kayo... kasi kapag nandito kayo hindi na natin kakailanganin ang nurse, kakayanin ko na syang alagaan dahil tiyak magiging mabait sya kapag naririto kayo."

Napaisip ako sa sinabi ni ate elena, hindi ko akalain na ganun pala kalaki ang epekto ko kay daddy.

" ipalinis nyo yung kwarto ko, dito kami matutulog bukas."

" yes maam."

" wag nyo na rin po akong tawaging maam, cassie na lang."

" pero maam."

" cassie po.... ate elena... gaano nyo na po ba katagal kakilala si jaycee.?"

" ako ang nagalaga sa kanya mula ng limang taong gulang sya."

" kayo ang yaya ina ni jaycee.?"

" ako nga po...."

Hindi na lang pagtataka ang nararamdaman ko ngayon kundi marami na ring katanungan sa isip ko tungkol kay jaycee biglang ay naging stranghero ang tingin ko sa bestfriend ko ngayon mukhang ang dami nya yatang itinatago sa akin pagdating sa kaugnayan nya kay daddy.

" babes... okey ka lang." tanong sa akin ni kieser ng makauwi na kami sa condo.

" yes why..?."

" kanina ka pa kasi walang kibo mula ng umalis tayo sa bahay nyo."

" babes... okey lang ba kung sa bahay muna tayo tumira habang hindi pa nakakarecover si daddy.,"

" sure..."

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon