CHAPTER37

18.2K 520 11
                                    


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ng mga sandaling iyon gusto kong maawa kay edz pero kilala ko sya pareho lang kami nun palaban, pero kilala ko rin si jaycee, hindi yun tumatakbo sa responsibilidad at alam ko rin na seryoso sya kay edz ito lang kasi ang babaing niligawan nya at nagtagal ang kanilang relasyon ng ilang buwan pero pumalpak nga lang si jaycee noong minsang mahuli sya ni edz na may kahalikang ibang babae.

" iniisip mo bang sabihin kay jaycee.?" tanong sa akin ni kieser habang nagmamaneho, mula sa clinic ni edz ay papunta na kami sa bahay ng parents nya.

" nope... naiintindihan ko si edz, kahit naman siguro ako yun din ang gagawin ko... pero kilala ko kasi si jaycee alam kong seryoso sya kay edz at hindi ugali ni jace na pagsabayin ang dalawang babae at naniniwala ako na mahal nya si edz."

" baka naman misunderstanding lang yung dahilan ng away nila ano ba kasi nangyari.?"

" nag boboy abunda ka ?"

" no... nagtatanong lang ako, para makapagbigay ako ng opinyon."

" i dont know what really happens nasa LA tayo ng nangyari yun, ang sabi sa akin ni edz pumunta raw sya ng condo ni jaycee since alam nya naman yung password pumasok sya ng hndi man lang kumakatok then she see this woman on top of jace."

" ang tanong may ginagawa ba sila.?" sabi ni kieser.

" comeon sky anobang ginagawa ng isang babae sa ibabaw ng lalaki... nakikipagkwentohan?"

" babes minsan kasi iba yung nakikita natin sa totoong nangyayari... what i' m trying to say is hindi lang lalaki ang may kakayahang magseduce ng babae the women are the most effictive seducer."

" at wag mong sasabihing men are weak when it comes to women dahil susuntokin kita, thats the most unacceptable reason i ever heard." at tiningnan ko ng masama si kieser.

" o bakit ganyan na naman ang tingin mo sa akin..?"

" i'm warning you mr Gozon.... wag na wag mo akong bibigyan ng ganyang rason kapag nahuli kitang nambabae."

" hey bakit napunta na naman sa akin ang usapan,... babes aminado naman ako na babaero ako pero noon yun, noong hindi pa kita nakikilala,... babes pwede ba kahit ngayon lang kalimutan mo muna yung nakaraan ko, iniistress mo lang masyado ang sarili mo... ang dami mo na ngang stress factor sa araw na to andyan yang monthly period mo, then si edz at si jaycee, and baka nakakalimutan mo papunta tayo ngayon sa bahay ng parents ko to break the news."

" oh shit!.... ahhh... oo nga pala...

babes uwi na tayo, wag na tayong tumuloy please." sabi ko sabay hawak sa hita nito.

" itaas mo pa yang kamay mo at uuwi talaga tayo ng wala sa oras." at ngumiti ito ng naughty.

Pinisil ko ng malakas ang hita nya pero dahil sa puro mucles yun ay ngumiti lang ito, kaya inalis ko na lang ang kamay ko at nag crossarms.

Sa buong byahe namin papunta sa bahay nila ay pinagusapan namin sina jaycee at edz, natural kampi si kieser kay jaycee pareho kasi sila, ako naman kay edz, pero hindi talaga maalis sa isip ko kung pano kaya kapag nahuli ko si kieser na may ibang babae ano kayang gagawin ko.

KIESER'S POV

Ang araw ng linggo ay napakastressful para sa asawa ko, mabuti na lang ay naging maganda ang resulta ng pagtatapat ko sa mga magulang ko ng tungkol sa kasal namin ni cassie sa LA, maligayang maligaya sila para sa amin, pero ng humirit na ng apo si daddy yun sira na naman ang mood ng mahal ko.

Ako rin naman ay nalungkot rin ng malaman kong hindi pa sya buntis hindi ko na lang ipinahalata, pagkagaling sa bahay namin ay tumuloy na kami sa bahay ni daddy Luiz, dalawang maliit na maleta lang ang dala naming damit mga ilang araw lang naman kasi ang plano naming tumira doon, gulat na gulat pa nga ang matandang Mendrez ng makita kami, pero nakita kong kumislap ang kanyang mga mata ng sabihin ni cassie na doon muna kami titira, si cassie ang personal na na nagaasikaso sa daddy nya sa tulong ni ate Elena, alam kong masaya sya sa ginagawa nya, at nakita kong seryoso nga syang bumawi sa daddy nya at masaya ako para sa kanila.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon