CHAPTER 9

26.5K 690 4
                                    

CASSIE POV

Nagising ako ng hindi naalala kung nasaan ako. Magaan na ang pakiramdam ko at pakiramdam ko ay nakapagpahinga ako kahit papano.

Ilang minuto rin bago ko naalala na nasa opisina pala ako at nakatulog habang nagtatrabaho, binuhat ako ni Jaycee kaya napunta ako sa silid sa loob ng olisina ni Lord.

Kahit papano ay may nagustohan rin ako sa opisinang ito makapagpagawa nga rin ng ganito sa office ko sa Cassie.

Bumangon ako at habang itinatali ang mahaba kong buhok ay naglakad na ako palabas, pagkatapos naginat ako na parang nasa bahay lang.

Pero biglang nagising ang diwa ko ng hindi si Jaycee ang nakita kong nakaupo sa sofa sa loob ng office ko kundi ang leon.

Nakapatong ang laptop nya sa ibabaw ng mga hita nya habang may ginagawa sya doon.

" Bakit nandito ka..? nasaan si jaycee...?" Tanong ko sa kanya.

Hindi ito kumibo patuloy lang iyo sa ginagawa nya sa laptop nya, kaya kinuha kona lang ang intercom sa mesa ko at tinawagan si Carol.

Akala ko magiging okey na ang araw ko dahil nakapagpahinga na ako kahit papano, pero mukhang hindi rin pala.

" Carol... si Jaycee nasaan.?"

" Madame.. hindi naman po pumunta rito si Sir Jace.."

" Ha... sigurado ka...?" Tanong ko sa secretary ko habang nakatingin kay Kieser na nakatingin na rin sa akin.

" yes madame... wala pong ibang pumasok sa opisina nyo maliban kay sir Kieser."

" ah...okey " ibinaba ko na ang telepono at hinarap ang lalaking nakaupo sa sofa ko.

Kinunotan ko sya ng noo.

" Tulog na tulog ka kaya nagmagandang loob na akong ilipat ka sa mas maayos na higaan." sabi nito na parang wala lang yung ginawa nya.

Naginit ang mukha ko kaya alam kong namula ako.

Tumalikod ako sa kanya at nalakad papunta sa upuan ko.

" Sana ginising mo na lang ako para hindi ka na naabala... bakit ka nandito." Mataray na tanong ko sa kanya.

" Hindi ako nandito para makipagaway... kung napapagod ka sa pakikipagaway sa akin mas lalo ako....lalaki ako at hindi ako sanay ng ganito.... "

" ano ngayon ang gusto mong manyari...?"

" Magkasundo tayo... para sa kompanya." sabi nya.

" Ikaw ang nagsimula nito, hindi ako."

" Kaya nga ako ang tatapos... sorry kung hinusgahan agad kita." Ibinaba nya ang laptop nya sa center table.

" Ano bang nakain mo at bigla kang naging mabait... or ano bang binabalak mo ha Mr.Gozon..."

Tumayo sya at naglakad palapit sa mesa ko. Umupo sya sa visitors chair paharap sa akin.

" Look Miss Mendrez kailangan nating magtulungan, magusap at magkita araw araw para pareho tayong maging kapakipakinabang sa kompanyang ito aminin mo man sa hindi may mga bagay sa kompanyang ito na hindi mo alam na ako lang ang nakakaalam at ang daddy mo, at ayun sa pagkakaalam ko, your not in good term with your your dad... so mamili ka ako o ang daddy mo." mahinahon ngunit puno ng diin ang pagkakasabi niyon ng lalaki.

" The fact na hindi natin gusto ang isat isa ay hindi na natin mababago yun... pero kaya naman siguro nating maging propesyonal, kahit sa trabaho lang." Dagdag pa nya.

" Mabuti naman at naisip mo yan.... ako kaya kong maging propesyonal sa kahit na sino basta trabaho lang ang paguusapan, walang problema sa akin. " sabi ko.

" Good... " at tumayo na ito.

" Kukunin ko lang yung mga proposal na nasa opisina ko para mapagaralan mo, at mapagusapan na rin natin kung ano ang mga planong ipepresent mo sa board meeting next month." at lumabas na ito.

Napabuntong hininga ako, for the first time nagusap kaming hindi nagtalo, noon ko narealize hindi naman pala sya nakakatakot kapag hindi galit.

Pero kailangan ko pa ring isuot ang aking invesible mask ng katarayan hindi pa kami close kaya hindi pa ako pweding maging mabait sa kanya.

Pagbalik niya ay may dala na syang mga folder marami yun at inilagay nya iyun sa ibabaw ng mesa ko.

" I want you to take a look at this first." at iniabot niya sa akin ang isang folder.

Binuklat ko iyon.

" Proposal to para sa pagtatayo ng isang resort sa palawan." sabi ko.

" yes..."

" Mr Gozon, ang Mendrez ay kompanyang gumagawa at nagdedevelop ng mga hotel, condominium, apartment and subdivisons, bakit naisipan mong pasokin pati ang pagdevelop ng resort."

" Actually last 3months ko pa ginawa ang proposal na yan... noong nagbakasyon ako sa palawan puerto prinsesa to be specific, medyo nagkaroon ako ng problema sa matutuloyan, at yung iba pang mga tourist, iilan pa lang kasi ang resort na well develop sa probinsya so naisip ko since yung beach naman talaga ang dinarayo ng mga turista doon bakit hindi tayo magtayo ng beach resort doon and a hotel as well. then tulungan natin ang probinsiya na ipromote ang tourism nila, Palawan has its hidden beuty na hindi pa lang nadidiscover ng mundo, once na nai introduce natin yun sa mundo palawan will be the next top tourist destination af the world."

" i think i want to see it first for myself bago ko iconsider tong proposal na to..."

Aaminin ko napahanga nya ako dun. Hes good.

" I' m morethan willing to be your tour guide."

" hindi muna siguro ngayon maybe next month pag nakapag adjust na ako ng husto,... but i like this... siguro panahon na rin para bagohin natin ang mukha ng Mendrez since dumarami na rin ang competation mas mabuti na yung may iba tayong option "

Nagkatinginan kami ni Kieser, for the first time nakita ko syang ngumiti.

" This is good... mukhang magkakasundo tayo pagdating sa usaping negosyo.."

" At least may pinagkaka sunduan tayong isang bagay."

Sabi ko na pilit itinatago ang epekto sa akin ng ngiti nito.

Naging pareho kaming busy kaya pareho naming hindi namalayan ang oras, hanggang sa bandang alas otso na ng gabi ay pinukaw kami ng isang katok, ng bumukas ang pinto ay si Jaycee ang dumungaw.

" hi Jace... come in..." sabi ko.

Nilingon ito ni Kieser pero agad ding ibinalik nito ang atensyon sa laptop nito.

" mukhang may ginagawa pa kayo sa labas na lang ako maghihintay." sabi nito, na lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.

" No... Mr Gozon... siguro bukas na lang natin to ipagpatuloy, tutal gabi na naman baka may iba ka pang kaylangang gawin."

" You go ahead tatapusin ko lang to uuwi na rin ako."

" Sige ikaw ang bahala... Jace cr lang ako."

" Okey ako ng bahala sa mga gamit mo.."

At pumasok na ako ng cr at nagayos ng kunti... yayain ko munang kumain sa labas si Jaycee nalibang kasi kami ni Kieser sa pagtatrabaho kaya nakalimutan naming magdinner.

WANTED PERFECT FATHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon