MLM Chapter 4 - Fake Daniel

571 27 21
                                    

Lei's POV

Narito muli ako sa set at nagmu-muni muni sa isang tabi habang malalim ang iniisip sa tinitignan kong picture namin ni Jed! First time kong magkaroon ng litrato kasama siya. Hindi ko nga alam kung totoo ba 'tong mga nangyayari sa'kin ngayon.

"HUY!" 

"Ay palakang bakla!" Muntik ko na tuloy mahagis yung phone ko. Hindi sa pagmamayabang, pero Iphone 6 gamit ko... charot! Hiram lang to.

"Is that Jeeeed?" Tanong ni'tong baklitang bigla bigla nalang sumusulpot! He's one of my closest friend sa set kaya't safe na malaman niya. His name is Cholo.

"'Pag may nakarinig sa'yo dyan, malilintikan ka talaga sa'kin!" Saad ko habang nakatitig pa din sa litrato naming dalawa na magkasama.

"Wala namang tao beks. It's aaalright." Sagot niya. Oo, palibhasa kasi hindi siya ang mai-issue! Tinarayan ko nalang 'tong baklang to.

"LEI! Tawag ka na sa set. Mag sisimula na ang taping maya-maya!!" Sigaw ng Production Assistant. "May naghahanap din sa'yo at nandito na din si Jed!"

"Oh, 'pano ba yan? Nandiyan na ang asawa ko. Sige, kitakits nalang mamaya beks." Bulong ko sa kaniya. Hm? Sino naman yung naghahanap sa'kin? Baka si Jed!! Kya~

"Echoseraa!" Pahabol niyang sabi sa'kin nang matapos ko siyang bulungan. 

~~~

"Yow." Inapiran ko si Jed nang makita ko siya. Nginitian niya lang ako.

Hindi!! Hindi ako papayag n ngingitian niya lang ako huhu. Sumunod ako sa kaniya. "N-nabasa mo na yung script?" Hays, syempre nabasa niya na yun Lei!! Kashungahan naman oh.

"Bakit?" Lumingon siya sa akin. "Oo naman."

"W-wala lang." Shocks, wala na 'kong maitanong!!

"..So... anong number sa electric fan ang gusto mo?" 

"Ha? Anong klaseng tanong yan Lei. Haha!" T-tumawa siya!? Kya~

Bakit, anong nakakatawa sa tinanong ko!?

"Girl!!" Napalingon kaming dalawa ni Jed sa babaeng papunta sa direksyon namin. "Kanina ka pa kita hinahanap! San ka ba galing!?" Tanong niya. Sino pa ba? Edi si Valerie. Siya pala yung naghahanap sa'kin. Akala ko pa naman.. 

"Ah, galing lang ako diyan sa tabi-tabi.." Tumatawang sabi ko sa kaniya. 

"Hi Valerie." Sambit ni Jed na katabi ko at kumaway sa kaibigan ko, palihim lang akong tumingin sa kaniya. Hays, harap-harapan talaga? 

"Hello!" ngumiting sabi naman ni Val at kumaway din.

"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ni Jed sa kaniya.

"Kasi nandito ka.." bulong ni Val pero rinig ko naman. Pinag gigitnaan kasi nila akong dalawa eh. 

"A-ano yun?" Muling tanong ni Jed at mas lumapit pa sa kaniya na para bang wala ako ngayon dito..

"A-ah! Kasi binibisita ko lang yung kaibigan ko. Hindi niya ba sinabi sayo na pupunta ako dito?" Tanong niya. Kumunot naman ang noo ko.

"T-teka nga!" Sumingit ako sa gitna nilang dalawa. "Nag-uusap kayo na parang hangin lang ako dito, ganun? Kung gusto niyo, mag usap kayo sa private.." ay joke, wag! 

"At saka, wala ka namang sinabi sa aking pupunta ka dito ah?" Pasigaw kong tanong kay Valerie.

"A-ah, w-wala ba? Wala ka bang na-received na message ko?" 

My Leading Man (On-Going)Where stories live. Discover now