MLM Chapter 1 - Prologue

4.2K 91 22
                                    

Lei's POV

"Ako ang tipo ng babaeng palaging nasasaktan. Palaging umaasa. Palaging nangangarap na sana.. sana pagtagpuin na ulit kami ng tadhana.

Pinagtagpo nga kami pero bakit ganon? Masyadong madamot si tadhana. Imbes na sakin siya mahulog... sa matalik na kaibigan ko pa.

Pero tuloy pa din ang buhay kahit na deep inside eh, sobrang nasasaktan na ako.

Hindi masamang magmahal. Pero hindi din masamang magisip.

Kung saan sasaya ang lalaking matagal ko nang gusto. Edi dun na ako. Wala namang magagawa eh."

--

"Hays. Super cute niya talaga!" Nakaupo ako habang ini-stalk ang wall ng crush ko sa instagram!

Sine-save ko pa sa phone ko yung mga pictures niya. Haaaays! Updated ako sa mga nangyayari sa buhay neto eh. Siguro kasi matagal ko na siyang crush. 6 years na ata? Di ko na matandaan.

Model na siya ngayon at artista na. Haha! Kabog! I'm so proud of him. Lol. Sa ganda ba naman ng mukha nun, imposibleng di makuha bilang model yun. Charing hahaha

Nakikita ko naman siya sa personal, pero malayuan lang, at di pa ako nakikita. Ganito talaga, hahahaha crush life. Joke, nakita na niya ako pero bata pa kami nun!

Ewan ko ba, natatae ako o kaya nauubo kapag pinaguusapan siya o kaya naman kinakausap niya ako, sa dm. Kahit nagpapa-like lang ng page. Hahahahaha.

Kilala niyo ba kung sino tinutukoy ko?

Si Jed Daniel Crisostomo.

Pang mayaman no? Pangalan palang. Hahahaha. Sumandal na ako sa upuan at pumikit habang nagd-daydream kay Jed.

Mhm.. another ordinary day. Just relax, chill and enjoy the peacefu-

"LEI!!" Tae naman oh. Napadilat ako ng mata ng wala sa oras.

"Ano ba yun!?" Tanong ko dito sa PA ko na si Melanie na kasama din yung PA (Production Assistant)

"Iniintay ka na ni direk! Ready ka na ba?" Yup. Artista ako. Bago palang itong project na ibinigay sakin. Ni hindi ko pa nga kilala magiging partner ko eh. Haha!

Nasa tent lang talaga ako, at nagpamake-up. Nawala sa isip ko na may trabaho pa pala akong gagawin. Si Jed kasi e!

Tumayo na ako at lumabas na ng tent. Madaming tao ang nasa labas at nanonood. Nang lumabas ako, nagsigawan sila. Aysauce.

Pumunta na ako sa area kung saan ish-shoot ang scene. Tungkol ito sa babaeng na-fall sa kaibigan niyang lalaki. As for now, hindi ko pa nga kilala ang partner ko for this project kasi nga wala pa naman siya sa scene.

Kasama ko ngayon umakting ang veteran actress na si Isabelle Morquez bilang nanay ko. Oh diba? Di niyo kilala. Hahahaha! Dito lang sa story na to yun sikat.

After namin magshoot. Biglang lumapit sakin si direk.

"Lei, pumasok ka bukas ng 7am sharp. Don't be late ha?' Luhh ang aga

"Why direk?" Tanong ko.

"Bukas mo na makikilala magiging partner mo for this project." Sabay ngiti. "Kaya agahan mo!" Sabay talikod at kinausap ang mga staffs.

Bukas na? 0-0

Umuwi ako ng gabi na, as usual. Argh, i'm so tired! Dumiretso lang ako sa kwarto ko at humiga. Wala nang bihis bihis, maaga pa bukas.

My Leading Man (On-Going)Where stories live. Discover now