MLM Chapter 3 - Pretend

1K 49 21
                                    

Lei's POV

Pumunta na ako kung na saan ang mga reporters para tanungin ako. Pagkalabas ko palang nagkaguluhan na naman agad. Pero nandiyan naman ang bodyguards ko. Taray! Haha!

Nakita ko si Jed naglalakad papasok sa loob ng isang room. Siguro tapos na siyang interviewhin. Nagulat ako nang makita ko din si Valerie. Magkasama silang dalawa? Nakakapag taka.

Umupo na ako para interviewhin. Pero hindi pa din naalis sa isip ko yung bakit sila magkasamang dalawa. Madaming tanong ang tinanong sakin, it's all about my personal stuffs. Like

'do you have a boyfriend'

'do you have any celebrity crush'

'bakit ang kinis ng balat mo'

'anong ginagamit mong sabon'

'anong secret mo kung bakit ka merong magandang pangangatawan'

hays lahat nalang tinanong, pero syempre sinagot ko lahat yun, para sa career ko. Hahaha

Pagkatapos nang pagkatapos kong interviewhin. Hinanap ko kung nasaan si Valerie. Instead of magpaka pagod ako, din-ial ko nalang ang number niya. Wala pang 10 seconds nasagot na niya ito kaagad.

"Yow girl?" Tanong niya.

"Nasaan ka?" Tanong ko din.

"Bakit? Nandito sa trabaho ko. Shocks may papakilala ako sayo girl!!" Aniya niya. Natuwa naman ako kasi may nakilala na yung friend ko. Yay!

"Sino? Dali sabihin mo pangalan!" Saad ko habang excited na sagutin niya ang tanong ko.

"Si.. basta! Pumunta ka nalang dito banda sa Fordan Resort." Oo nga pala, nakita ko siya kanina hahahaha makakalimutin talaga ako.

"Fordan Resort? Eh diyan din ako nagt-trabaho. Baliw ka talaga. Saan ka banda dito sa resort?" Tanong ko.

"Really!? Bakit di mo sinabi kaagad. Nandito ako sa may lamesa na maliit. Basta makikita mo kaagad ako." Sagot niya. Alam ko na kung saan ang tinutukoy niya.

"Alright. Papunta na ako diyan. See you girl!" Sabi ko sabay end call, since wala pa namang ginagawa at hinahanda pa ang set pati na din ang mga casts. Tumakbo na ako papunta sa sinasabi ni Val.

Wala pang 3 minutes nandun na agad ako. Nagbeso beso kaming dalawa ag umupo ako sa tapat niya.

"So who's this guy? Anong itsura niya?" Excited kong tanong.

"Hm. Gwapo, matangkad, mukha namang matalino, at mabait!" Sagot niya.

"Wow. Almost perf--" naputol ang sasabihin ko nang nagsalita ulit si Val.

"Yay. Ayun siya girl! Papunta sa direksyon natin!" Excited na sabi niya, kaagad siyang tumayo.

Mukhang na excite na din tuloy akong makita ang sinasabi niyang guy!

Dahan-dahan akong lumingon sa lalaki na sinasabi niya habang nakangiti.

Imbes na maging masaya ako at maging supporter ng bestfriend ko, feeling ko binagsakan ako ng malaking bato galing sa langit na bumasag sa puso ko.

"Girl! Siya yung tinutukoy ko." Sabay turo sa katabi niyang lalaki. "Si Jed Daniel Crisostomo!" Yep. You read it right. Ang lalaking tinutukoy ni Valerie ay si Jed.

"Ah. S-siya?" Tanong ko habang sarcastic na ngumingiti at tinuturo si Jed.

"Yeah! Pogi niya no?" Tanong niya. "Jed, si Lei nga pala bestfriend ko." Pagpapakilala niya sakin habang ako todo ngiti pa din na parang hindi nasasaktan.

My Leading Man (On-Going)Where stories live. Discover now