Chapter 38

3.3K 119 13
                                    

Note: Please play the video na nasa multimedia para maypa-effect :) sana magustuhan niyo at sorry dahil sa late update.
____________________________________

Zoe's POV

"Z-zoe" mahina niyang sabi habang dahan-dahang minumulat ang kanyang mata at bigla nalang pumikit at tumunog ang isang machine. Ang nakikita ko lang ay straight line tumulo naman ang aking mga luha at tumawag ng doktor.

Pumasok ang doktor sa kwarto at pilit akong pinalabas ng nurse.

"Ayaw ko! He needs me!!" Pasigaw ko.

"Eh di po kasi kayo pwede ma'am sorry po talaga" sabi ng nurse at pinalabas ako.

Umupo nalang ako sa gilid habang umiiyak. Tinawagan ko ang mama ni Ace at mama ko. Lumipas ang ilang minuto ay dumating agad sila kasama si Elle,Blake,Liam,Zekiel at Renzo.

Yinakap ako ni mama ng mahigpit habang hinahawi ang buhok ko. Bumitaw naman siya at pinunasan ang aking mga luha.

"Ssshhh.. tahan na Zoe o-okay lang yan m-mabubuhay si Ace okay?" At dahan-dahang tumulo ang kanyang mga luha.

Napansin ko namang umiiyak yung mama ni Ace na nakatingin sa bintana. Linapitan ko ito at sinabing "I-im sorry dahil s-saakin-" naputol ang sinabi ko nang yinakap niya ako ng mahigpit.

"No need to be s-sorry wala kang k-kasalanan" sabi niya.

Napansin ko din na si Renzo at Blake umiiyak habang nagdadasal ng tahimik si Zekiel nakatunganga na para bang wala nang magawa sa buhay si Elle at Liam natahimik lang at alalang-alala.

Umupo kami hanggang lumipas ang apat na oras....

4 hours later....

Lumabas na ang doktor biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tumayo kaming lahat.

"We did our best" napabuntong hininga ang doktor na sanhi ng pagtulo ng aking luha at para bang guguho na ang mundo.


























































































































"We saved Ace, buhay siya" anunsyo ng doktor at napatayo naman at napangisi kaming lahat napaluha ako hindi dahil sa lungkot,dahil sa saya. Napayakap naman ako kay mama.

Pumasok kami sa kwarto ni Ace na tahimik. Oo buhay nga siya pero di pa siya gigising ng ganon-ganon lang.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinawi ang kanyang buhok habang umiiyak.

"Mahal na mahal kita" mahina kong sabi nang gumalaw ang kanyang kamay at mahinang minulat ang kanyang mata.

"Z-zoe" mahina niyang sabi at yinakap ko siya.

"A-ace" paiyak kong sabi.

Napatayo naman sila at yinakap si Ace. Hinayaan ko nalang sila at umupo muna sa gilid.

2 hours later...

"O siya Ace mauna muna kami" pagpapaalam ni mama.

"Magpahinga ka na muna sumama ka nalang kay mama mo" sabi ni tita (mama ni ace).

"Oo nga" sabi ni Ace.

"Aah okay lang ako dito mas gusto kong makasama si Ace" at ngumiti ako.

"Sge nandito naman si Zara at Sky dito nalang muna sila tutal wla naman silang klase" sabi ni mama at nagpaalam na.

Ms.Mataray Meets Mr.Masungit (EDITING)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz