Chapter 22

3K 128 5
                                    

Zoe's POV

Naguguluhan na ako!!!

Bigla namang naglakad palayo si Lucas. Ngayon ko lang nalaman na ganun pala ako ka manhid.

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta na sa feild mag-isa.

Wla na akong pake kung di ko nanaman makuha yung mga gamit ko.

Napahawak nalang ako sa ulo ko. Nakakastress!! Kanina kay Ace! Ngayon kay Lucas!!

"Bes! Grabeh! Haba ng hair! Pinag-aagawan ng dalawang lalaki" nagulat naman ako kung sino si Elle lang pala.

"Grabeh ka din noh! Nagmomoment ako dito eh!"

"Oh siya na nga! Gamit mo! Mauna na ako bye!"

Tumango nalang ako feeling ko gusto kong mangsuntok tsaka umiyak ngayon.

(Author: Grabeh naman yung mangsuntok!)

Oh heto na mang-away nalang! Naguguluhan na ako!!

"Oh nandyan ka lang pala?!" Lumingon naman ako at nakita ko si Ace.

"DI MO BA AKO NAKIKITA?!" Napansin ko na may tumulong luha sa aking mga mata. Pesteng luha toh! Di mn lang alam ang word na "hintay" bwiset!

"TSAKA MAGULO NA BUHAY KO ACE!!MAGULO NA!!" umiiyak na talaga ako at nagulat nalang ako nang..

































Hinila niya ako papunta sa kanya at sanhi iyon na umiiyak na ako sa dibdib niya. Sinintok ko naman ito nang mahina at sinabing "I hate you".

Wla na akong choice kundi umiyak nalang habang pinapatahan niya ako.

"Tahan na" bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. Imposible na magkakagusto ako sa kanya!! Alam kong madrama ako ngayun pero dapat ilabas ko tong nararamdaman ko. Mahirap na kung itatago ko nalang!

Ace's POV

Habang pinapatahan siya sa pagiyak. Nakonsensya nalang ako kung bakit yinakap ko siya.

Bigla namang lumakas ang tibok ng puso ko. Ngayon lang toh! Pero mukhang naawa ako eh.

She reminds me of my mom. Aisshhh!! Erase erase!

Binitawan ko na siya at sinabing " but still you need to be-

"Sabi ko ngang ayaw!!" Pagalit niyang sabi.

Lucas's POV

Nakita ko namang umiiyak si Zoe kaso inunahan na ako ni Ace at yinakap pa ito.

Nanadya toh ah!! Pero ang sakit-sakit eh! Kaya umuwi nalang ako.

Zoe's POV

Ayaw ko na!! Di ko na kaya!!

Umalis na ako at dinala na yung mga gamit ko. Dumeretso na ako saamin.

"Hi ate!"  (Zara)

Di ko na pinansin yung mga kapatid ko. Dumeretso na ako sa kwarto ko at inilock yun.

Lumipas ang ilang oras nagkakatok na si mama at yung mga kapatid ko.

"Anak buksan mo toh!!"

"Ate plano mo bang magpakamatay?! Kumain ka naman!!"pasigaw ni Zoe.

"Ate!! Labas ka na nga diyan!! Ginagamit mo nanaman laptop ko eh!!" Pasigaw ni sky.

Ang ingay!!!

Binuksan ko naman ito at pinagtitignan sila.

"Mag-usap nga tayo" sabi ni mama at pumasok sa kwarto ko.

"Anong nangyayari sayo at naglolock ka na ha?!" Dagdag pa niya.

Umiyak naman ako at ikinagulat niya ito.
"M-ma kase eh! A-ang hirap ng math!" Pagsisinungaling ko. Pero yung iyak dahil yun kay Ace at Lucas.

"Ay yan lang pala eh! Tuturuan kita pero kumain ka muna" tumango nalang ako at bumaba na para kumain.

"Ate! Akala ko magpapakamatay ka na eh!" (Zara)

"Woooh!! Salamat at lumabas ka na!! Magagamit ko na yung laptop ko" at pumasok sa kwarto ko si Sky.

"Sige kain ka na ha?" Sabi ni mama syempre rinamihan ko na.

(Author: yan kase eh! May pa lock-lock pang nalalaman kund di makakain magugutom!)

O siya ! Kasalanan ko!!

Pagkatapos kung kumain ay dumeretso naman ako sa kwaryo dahil tuturuan ako ni mama. Kahit alam ko na lahat yung lessons bahala na!

___________________

"Ate!! Nandyan si Lucas sa baba!!!" Pasigaw ni Zara habang inu-ulog ako. Grabeh!! Nakaksakit ng ulo tsaka bagong gising pa ako ah.

Pagbaba ko totoo nga nandito si Lucas buti nalang at di ako mukhang binagyo.

"Oh! Anak nandito ka na pala! Maupo ka na dito sa tabi ko!" Sabi ni mama. Tumango nalang ako kakagising ko lang eh gusto ko pang matulog.

"May sasabihin ako sa inyo tita" sabi ni Lucas. Syempre nandito din si Sky at si Zara sa tabi ko nakikitsismis.














"Eto kase yun" sabi niya. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako!! Nakuuu!! Nakuuu!! >\\\\\\<



























































































"Gusto ko pong ligawan si Zoe"

Ms.Mataray Meets Mr.Masungit (EDITING)Where stories live. Discover now