Chapter 19 First Kiss

2.6K 126 1
                                    

Chapter 19
First Kiss

Samantha's POV

Wahh!! Pagod at nagugutom na ako. Pero itong si andrei, ayaw paawat. Bukas na kasi yung laban at kailangan talaga namin magreview.

Pero hindi ko na kaya! ╥﹏╥

"Samantha, dyan ka lang ah? May pupuntahan lang ako sandali" sabi ni Andrei at tumayo.

Agad akong ngumiti nang nakakaloko. Chance ko na to para tumakas. Wahaha--

"At wag na wag kang aalis dito kundi pagot ka sakin" wahh! ToT

Isinubsob ko na lang yung ulo ko sa lamesa habang inaantay ang pagbalik niya.

10 minutes...

May naramdaman akong umupo sa harap ko kaya tinaas ko na ang ulo ko.

Nakita ko si Andrei na may hawak na Styrofoam na parang lagayan ng pagkain at isang boteng tubig. ToT Iniinggit ba ako nito?

Tsk. Tumayo na lang ako para bumili ng pagkain ko. Wala akong pake kung magalit siya. Eh bakit siya?

Andrei's POV

Nagulat ako nung tumayo si Samantha. Saan naman pupunta ang isang to?

"Where are you going?" tanong ko. Huminto naman siya sa paglalakad pero di lumingon.

"Bibili ako ng makakain ko" walang gana niyang sagot.

Makakain? Kaya nga ako umalis eh. Para bumili ng pagkain namin. Di ko lang maibigay kasi nahihiya ako. Baka bigyan niya pa ng dahilan.

Pero no Choice. Bibigay ko na sa kanya.

"Makakain? Meron ako ditong extra" sabi ko at nilabas ang isa pang styrofoam at tubig mula sa bag ko.

Samantha's POV

Wahh! Meron pa naman pala siyang pagkain eh. Ba't di niya sinabi?

Agad akong bumalik dun sa upuan ko at kinuha ang pagkain at tubig mula sa kanya.

"Salamat" nahihiya kong sagot at kumain na.

Tahimik lang kaming kumakain. Walang nag iimikan hanggang sa di ko na kinaya kaya binasag ko na ang katahimikan.

"Andwei. Swa tungin mwo bo megigwa natong mwanalo?" sabi ko habang ngumunguya pa.

"Tsk" tanging nasabi niya na lang. Di niya siguro naintindihan yung sinabi ko. >:)

*~•~*~•~*~•~*

Tapos na kaming mag review at kasalukuyang binabalik ang mga libro sa shelf nito.

Isang libro na lang ang ilalagay ko at pwede na akong mauwi. Kaya lang, nasa mataas na part ito. Maliit kasi ako. :)

Pinilit ko mailagay ang libro pero di ko kaya.

"Ako na ang maglalagay" sabi ni Andrei sa likod ko.

Tumanggi naman ako. Dalawang libro na nga lang ang pinapalagay niya sakin. The rest, kanya na. Tapos di ko pa magagawa ng maayos?

"Ako na. Wag ka nang makulit" pilit niyang inaabot ang libro na tinatago ko sa likod ko.

"Ako na nga kasi. Makulit ka rin eh" sabi ko habang nilalayo sa kanya ang libro.

At yun nga, habang pilit niyang inaabot yung libro eh palapit ng palapit naman ang mukha niya sakin.

Namumula na ako. Gosh! Nakakahiya.

Pinilit ko tumayo ng maayos pero na out of balance ako. At dahil si Andrei ang nasa harap ko. Sa kanya ako nadagan. Natumba naman kami pareho sa lapag dahil di niya rin inasahang mangyayari yun.

At ang nakakagulat pa ay... Ay....






MAGKADIKIT ANG LIPS NAMIN!

MY GOD! YUNG FIRST KISS KO! ╥﹏╥

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon