Chapter 16 Again?

2.6K 130 0
                                    

Chapter 16
Again?

Samantha's POV

"A-andrei?!" sigaw ko.

Aish. Pinagsisihan ko talagang pumunta dito. Di ako kumain ng favorite kong cookies para lang sa lalaking to? Unfair!

"Yeah?" nakangisi niyang tanong. Nang-aasar pa ito eh no?

"Nothing" sabi ko t umalis na sa lugar na iyon.

Siya ba yung gustong makipagkita sakin? Bakit? Para mang asar? Ugh! Pero... San niya nakuha yung number ko?

Ay! Mamaya na nga yang mga tanong na iyan. Sa ngayon, kakain muna ako ng cookies. Yipee!

*~•~*~•~*~•~*

*Burrrpppp*

"Oops. Hehe" ano ba yan? Ganun ba ako katakaw at napadighay ako?

"Ohh... Look here sis. She's kadirty!" eh? Ang arte ng babaeng ito ah? Ang conyo pa magsalita -_-||

"Hey, you!" at dahil maganda ako, nilingon ko ang mga palakang ito. Hahaha!

"Yes?" tanong ko. Tinaasan naman nila ako ng kilay kaya tinaasan ko rin sila.

"Aba! Tinatarayan mo ba kami ah?" tanong nung isa na maikli yung buhok. Bali tatlo sila. Yung isa, long hair. Tapos yung isa pa, may head band na mickey mouse. Ang cute! Yung head band ah? Hindi yung may suot.

"Hindi naman--" di ko na natuloy yung sasabihin ko kasi bigla nalang akong sinampal nung long hair.

"Ouch" sabi ko dahil medyo malakas yung sampal niya. Anong problema nito?

"Liar" sabi nung naka head band.

"Tsk. Nagtanong pa kayo?" pagmamatapang ko kahit na ang totoo ay gusto ko ng umiyak.

***Flashback***

"Ah! Tama na! Ang sakit! " sigaw ko sa kapwa bata ko na sinasabunutan ako.

"Ganyan ang mapapala mo kapag sinubukan mo pa ulit kaming kalabanin. Huh? Naiintindihan mo ba?" tumango na lang ako. Wala na akong lakas para magsalita.

"TAMA NA YAN!!" sigaw ng isang boses sa likod ko.

Lumingon ako at nakakita ako ng batang lalaki. Agad namang umalis ang mga umaway sakin at lumapit naman sakin yung batang lalaki.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Tumango na lang ako.

"Alam mo, dapat di mo sila hinahayaang saktan ka. Matuto kang lumaban. Di naman masamang gumanti kung alam mo sa sarili mong ikaw ang tama" sabi niya habang nakatingin sa mata ko.

"Andrei nga pala" pagpapakilala niya at inabot yung kamay.

"Ako naman si Samantha, drei" pagpapakilala ko rin at inabot rin yung kamay niya.

"Drei? Sige, Tha na lang itatawag ko sa iyo"

***End Of Flashback***

At simula nun, naging magkaibigan na kami ni Drei. Lagi niya akong pinagtatanggol sa mga umaaway sakin. Lagi kaming magkasama.

Tumulo na lang ang luha ko nang di ko namamalayan.

"Ano? Masakit ba? Yan ang napapala mo" sabi sakin nung short hair. Tumakbo na lang ako palabas sa bakery ng cookies na yun.

Di ko alam kung saan ako pupunta basta gusto kong mapag isa.

Tumakbo lang ako nang tumakbo nang mabangga ako sa poste este sa tao pala.

Tinaas ko ang ulo ko para makita siya at tumulo na naman ang luha ko.

"Andrei..." bulong ko.

"Tama na. Walang magagawa ang pag-iyak mo. Halika na't magreview" sabi niya at nagsimulang maglakad palayo.


"What do you mean?" takang tanong ko.

"We're partners in Quiz bee" what?

"W-we're partners..... "



"AGAIN?!! "

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon