Chapter 24 Reason

2.4K 113 0
                                    

Chapter 24
Reason

Andrei's POV

Pagkadating ng lunck ay agad akong lumabas para hanapin si Samantha. Di na ako nag-abala pang puntahan si Clarisse sa room niya. Sabay kasi dapat kaming kakain. Pero wala akong pake.

Naglakad lakad ako sa C.U at hinanap siya. Pagkatapos kasi ng zubject ni Mam Lauzon, yung proffesor na nagpalabas sa kanya, eh di na siya bumalik. May 2 subjects pa naman nun kaya absent na siya.

Hays. Yung babae talaga na yun. Di niya iniisip yung nararamdaman nang iba bago gumawa ng kilos.

Nag-aalala ako dito oh. Di ba niya ramdam? -___- napakamanhid pa.

"Hoy! " lumingon ako sa pag aakalang si Samantha iyon pero nagakami ako.

"Oh Clarisse? Bakit?" seryoso kong tanong. Tsk. Wrong timing lagi ito. Ugh.

"Bakit di mo ako pinuntahan sa room? Nag-antay kaya ako" pagtatampo niya.

"Ah. May inutos kasi sakin si Mam bago maglunch kaya di kita nasabihan" mukhang nakumbinsi ko naman siya.

"Ganun ba? Oh tara na. Kumain na tayo" sabi niya at hinila ako.

*Sigh* Samantha, kung nasaan ka man... Sana ay ayos ka lang.

Samantha's POV

Nandito ako sa taas ng puno. Wag na kayo magtaka kung paano ako nakaakyat.

Pinagmamasdan ko lang mula sa malayo si Andrei at Clarisse na magkasama.

Kanina nga, parang may hinahanap si Andrei eh. Akala ko ako na yun, pero dumating bigla si Clarisse at umalis na sila. Kaya baka si Clarisse ang hinahanap niya at hindi ako.

Hinayaan ko na lang tumulo ang luha ko. Sana pagkatapos ko iiyak to, maging maayos na yung pakiramdam ko.

"Okay ka na ba?"

"Ay palakang kabayo!" halos mahulog ako sa puno nang biglang may magsalita.

"Nice" napalingon ako sa baba. Doon kasi nanggagaling yung boses eh.

At halos maiyak na naman ako sa nakita ko.

"Guys... " naiiyak kong sabi.

Nakalimutan ko na may mga kaibigan pala ako na pwede akong damayan. Bakit ko nga ba sinasarili lang ang problema ko?

Tumalon ako pababa. Di naman siya masyadong mataas eh.

Lumapit ako sa kanila at niyakap.

"Sorry guys... " sabi ko habang umiiyak ulit.

"Ano ka ba sam sam. Wag ka nga umiyak. Diba masayahin kang tao? Di kami sanay na ganyan ka" naiiyak ring sabi ni ian. Natawa na lang ako. Cute niya pala umiyak.

"Hmm! Tama! At wala kang kasalanan Sammy no? Kami nga dapat ang mag sorry eh" seryosong sabi ni Rian.

"Huh? " taka kong tanong.

"Sorry, kasi wala kami nung panahong sawi ka. Wala kami para damayan ka" sabi naman ni Kenneth. Ang cool niya palang magtagalog. Parang si Andrei---tsk. Enough na Samantha. Wag mo muna siya isipin.

"Yeah. Wala man lang kaming nagawa para tulungan ka. Kaya... "

"We we're Sorry" pagdugtong nila sa sinabi ni Mariel.

"Sammy, this is the roght time para tulungan ka namin sa problema mo. Ano ba iyon?" tanong ni Rian.

"About kay... " di ko matuloy ang sasabihin ko. Naiiyak na naman kasi ako.

"Andrei? " pagdugtong nila. Kahit nagtataka ako kung paano nila nalaman ay tumango na lang ako.

"Napapansin naming nag iiwasan kayo. Or should I say, ikaw lang talaga Samantha ang umiiwas" panimula ni Mariel. Napayuko na lang ako. Ganun na ba ako ka obvious?

"Kanina, nung lunch. Tinanong kami ni Andrei, kung saan ka niya pwede makita" nagulat ako sa sinabi ni Ian. So ako nga talaga ang hinahanap niya?

"Nagsimula ata yan nung hindi ka sumipot sa quiz bee Samantha. Ano bang nangyari?" tanong ni Mariel.

Kinwento ko sa kanila lahat. Simula sa pag kidnap hanggang sa niligtas ako ni Andrei at dun sa pagiging boyfriend niya kay Clarisse.

"Hindi ko makuha kung bakit mo siya iniiwasan" sabi ni Kenneth. Tumango naman ang iba.

"A-ang totoo kasi nyan... M-mahal ko na a-ata siya"

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon