Chapter 25 Drei and Tha

2.4K 124 0
                                    

Chapter 25
Drei and Tha

Samntha's POV

"A-ang totoo kasi nyan... M-mahal ko na a-ata siya" nakayuko kong sabi.

"So, kaya mo siya iniiwasan dahil sa nararamdaman mo? Takot ka bang masaktan kaya ganun? " agad akong umiling sa sinabi ni rian.

"H-hindi"

"Kung ganon, bakit?"

"D-dahil may n-naiwan ako sa nakaraan"

"..." hindi sila umimik kaya nagpatuloy ako.

"Nangako kami sa isa't isa ng kaibigan ko" medyo tumitigil na rin ang pag agos ng luha ko.

"Anong pangako?" tanong nila. Halatang interesado silang lahat. Nagbuntong hininga muna ako bago magsalita.

"Na siya lang ang mamahalin ko at ako lang ang mamahalin niya"

"Asan na siya ngayon?" tanong naman ni Rian. Agad akong napayuko at nagsimula na naman tumulo ang luha ko.

"I-iniwan niya ako. N-ngunit, pinanghahawakan ko pa r-rin ang pangako namin. A-alam kong b-babalik siya" lumapit sakin si kenneth at niyakap ako.

"S-sorry" sabi ni Rian. Siguro ay dahil sa tanong niya kaya siya humihingi ng tawad. Tsk. Humiwalay muna ako kay kenneth at nilapitan si Rian.

"Ano ka ba. Okay lang yun. At Thank you sa inyo. Gumaan ang pakiramdam ko" sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Samantha" napalingon ako kay mariel nang tawagin niya ang pangalan ko. Napapansin ko, kanina pa siya tahimik at nag iisip.

"Bakit? " tanong ko. Tinignan naman niya ako nang seryoso. Nakakatakot naman ang isang to.

"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng iyong kaibigan?"

"Ang pangalan niya ay... Drei"

"Drei? "sabi ng isang familiar na boses sa likod namin.

Mariel's POV

***Flashback***

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit matamlay si Samantha?" tanong ko sa lalaking nasa harap ko.

"Hindi. Wala akong alam" pagtanggi niya.

"Sino ba si samantha para sa 'yo?" misteryoso kong tanong. Nakita kong nagulat siya pero agad ding bumalik sa dati.

Mr. Cold Prince meets Ms. TalkativeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon