Kabanata 1: The Request

45 7 21
                                    

Isang araw, may isang lalaking matangkad, chinito pero hindi gaano lapitin ng mga babae at di rin gaano kaactive sa mga outside activities at lagi lamang nakatutok sa Facebook simula umaga hanggang gabi.

Hindi ito mahilig lumabas, sumama sa mga lakad ng kanyang mga kaibigan at dahil ito ay babad lamang sa Facebook o kung hindi man ay sa Youtube at iba pang sites, ay labis ang galit na inaabot nya sa tuwing sya ay maaabutan ng kanyang mga magulang.

"Ah! Nakakatamad naman ng araw na ito, wala bang bagong update?" habang naghihikab ay nakareceive ito ng isang friend request sa Facebook.

Binuksan nya ang friend request section sa facebook at tiningnan kung sino ang nag-add sa kanya.

"Hmm.. Sia Ayato? Anime lover? Hapon? Lol." Natawa sya ng nabasa nya ang pangalan ng nag-add sa kanya pagkatapos ay binuksan nya ang timeline nito at inistalk.

Una nyang tiningnan ang profile picture nito.

"Nice, ang cute nya pala. Legit kaya sya? Hahaha, baka kasi poster ay teka poser pala."

Habang nagi-scrolldown sya sa timeline nito ay naisipan nyang imessage ito dahil napansin nya na kamutual friends pala ni Sia si Heaven na kaibigan ni Jino. Nabasa din nya na medyo snob ito.

"Aba, medyo snob daw sya, mamessage nga. Tatry ko kung snob talaga."

//
"Hi, guys! Jino Lim nga pala pangalan ko. Wag nyo kakalimutan ah. (Smiles)"
//

Iniopen na nya ang chatbox at nagtype.

Jino: (typing...) Hi, are you a friend of Heaven? 😊

Pagkasend nya ay diretso nya itong isinarado at nagtingin tingin na lamang sa newsfeed.

Mga ilang sandali lamang ay may tumunog at dali-dali nyang tiningnan kung ano yun.

"Ay may message!" Lumabas ang mukha ni Sia sa phone nya  na may 1 na nakalagay sa itaas nito dahil naka-on ang bubble chat head ng messenger nya. Binuksan ang binasa nya ang reply nito.

Sia: Hello din. Oo, friend ko sya. Pero sa facebook lang.

Nagreply agad si Jino ng mabasa nya ang reply nito.

Jino: Hmm okay, then how did you find me?
->Did facebook suggested you to add me or because you saw me on Heaven's friends list?

Mga ilang sandali lamang ay nagreply ulit ito.

Sia: Facebook suggested. I hope that you don't mind me adding you.

Nagulat sya sa nireply na ito at napangiti.

"Isa siguro ito sa mga wattpad readers or writers na kakilala ni Heaven. Mareplyan nga ulit."

Jino: Sure, no problem! I was just curious who added me. 😂
-> Are you a wattpad writer?

Pagkasend nya ay naglaro muna sya ng rank game ng Mobile Legends dahil bored na bored na nga sya mula kanina. Kamalasan nya dahil puro noob ang mga nakasama nya sa game.

"Aish! Sayang yung rank ko! Hirap pa naman magparank. Ahhh!!!"

Habang naglalaro sya ay may bubble chat head na lumabas.

"Aish! Wag ngayon, nasa laro ako." Aalisin na sana nya ang chat head na lumabas sa phone nya ng nakita nya na picture ni Sia ang lumabas.

"Oh! T-teka lang, Si Sia pala." tsaka nya binuksan ang chat head at binasa ito.

Sia: Uh, that's good.
-> Well, yeah. Or should I say a frustrated writer. Lol

"Hala? Frustrated Writer? Sa gandang mong yan? Hahaha."

Jino: Lol, how could you say that? Can I know the current story you're writing?

Hindi na nya tinuloy ang paglalaro ng Mobile Legends simula ng nagchat muli si Sia.

Sia: Ah yeah.
-> The First Kiss and The First Taste of  Ice Cream.
-> I already posted it in Wattpad.

"The first time and the taste of heaven? Teka, ano yun? First taste of Ice Cream? Ice Cream?  Food?" napanganga sya sa mga nagawang story ni Sia.

Jino: Wait, Is it about food? 😍

Sia: Oh sorry, yes it is.

Jino: Omg, Hahaha. Is it English or Tagalog?

Sia: Tagalog.
-> You know how to speak tagalog?

Jino: Yes, I know. 😂

Sia: You're a chinese right?

"Hahaha what do you think of me? Of course I'm a chinese, kaya nga Lim last name ko. Lol, pero di ko sasabihing ganun. Hahaha"

Jino: Ah yes, are you a Japanese? 😁

Sia: Yes, I am a Japanese. 😊

"Hahaha Japanese and Chinese? Hindi ba medyo awkward?" Natawa na lamang si Jino sa sinabi nya.

- - -
End of Chapter 1: The Request ^_^
Be ready for the next chapter ~

Hey, Ms. Writer! Where stories live. Discover now