“What, dad?” tanong ko agad sa kanya. Gusto ko ulit iyong marinig. Sana ay ulitin pa niya.

“I said wow, anak. I’m so proud of you.” Pumalakpak ang puso ko sa narinig. Mula sa gulat ay naging masaya  ako. Malawak akong ngumiti at tinaas ang kamay at nag ‘yes!’ gesture.

“Thanks, dad!” Gusto ko na ring maiyak dahil sa narinig ko mula sa kanya. Kahit kailan ay hindi pa niya nasabi ang salitang iyan. It will always be like, ‘A Santos always gets what he wants. Hindi dahil sa effort mo kaya yan napunta sa’yo. Dapat lang na mapasayo iyan.’

“Really, anak. I’m so proud of you. Ngayon nagawa mo na ang gusto mo. And you’re beginning to create your own name.” buo ang boses ni Dad pero rinig na rinig ko mula doon ang lambing niya. Ang sinseridad ng sinasabi niya. At parang gustong sumabog ng puso ko sa sobrang tuwa. Ngayon lang niya ako kinausap ng ganyan.

“Dad…” hindi ko na alam kung ano pang isasagot ko sa kanya. This moment, I just wanna run towards him and hug him tight. Pero dahil malayo ako, hindi ko pwedeng gawin yun. Maiyak-iyako kong sinabing, “Thank you. Thank you, Dad for being proud of me.”

Matapos ng gabing iyan ay hindi na nawaglit ang saya ko. Nagbubunyi at nagse-celebrate ang puso ko dahil sa mga salitang binitiwan ng tatay ko. Mas lalo kong pinagbuti ang trabaho ko dito sa boutique. Tinapos ko na rin ang lahat ng nauna kong commitment at labag man sa kalooban ko ay hindi na muna ako tumanggap ng mga kliyente.

“How sad. I like your design that’s why my boyfriend and I went here. We really want you to design my wedding gown.” sabi ng isang kararating lang na kliyente. Si Nerissa ang unang nakausap niya at sinabi kong siya nalang muna ang mag-asikaso pero nang malaman kong isa ito sa mga nakilala ko noong nasa Paris pa ako ay ako na ang kumausap.

“I’m really sorry. I’ll be leaving for the Philippines next week and I can’t accept any commitments anymore. But I’ll definitely recommend you to someone I know.” Pangako ko dito. Marami rin naman akong kakilalang ibang mas magagaling na designers dito sa New York. Siguradong maaasikaso ng mga iyon ang mga taong sa akin lumapit.

Paunti-unti ay inaayos na ng mga staff ko ang boutique. Magsasara ito at hindi ko alam kung kailan ang balik ko kaya naman pinaligpit ako muna ang lahat. Nilagay muna nila ang ibang mga kagamitan sa storage room at hinayaan nalang ang iba kagaya ng mannequin na dito nalang sa taas ng boutique.

Sabay sabay kaming napatingin nang biglang tumunog ang glass door ng boutique.

“Welcome to El—” napatigil si Nerissa sa pagbati nang makitang si Zac ang lalaking kapapasok lang.

“Zac?” lumapit ako sa kanya nang nakangiti.

“So you’re not planning to tell me about this?” agarang tanong niya. Pinaikot niya ang tingin sa buong boutique na napapalibutan na ng mga puting tela.

Napangiwi ako sa reaksyon niya. Nakakuot ang mata niya habang kinakagat ang labi niya. Ganyan ang itsura ni Zac kapag may nagawa akong hindi maganda at galit siya sa akin.

Nasaan Na Ang Pag-ibig? (Formosa Series #1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant