Chapter 3 : Why?!

36 0 0
                                    

Samuel's POV

Nagjojoke lang ako pero she takes it seriously haha!

"ANO?! Kadiri mo grabe sarap mong ipakain sa ostrich ugh nakaka...." Tumigil siya sa pagsalita dahil..


HINALIKAN KO SIYA.


maingay eh.

"B-Bastos! You STOLE my first kiss!"

"Okay." Simple kong sagot.

"ANONG OKAY?!?  Ganun ganun lang ba yun para sayo? yuck! Uwi na nga ako!" Sigaw niya.

"Byebye! Sana mamatay kana." And I said it KINDLY. Plus, nagsmile kaya ako.

"Ikaw yung mas WORTH it na mamatay! Panget ka! Panget! Panget!" Sigaw niya.

Elaine's POV

nagmamaneho na ako pauwi. Ibinilin ni Kuya Joshua (driver namin) yung sasakyan ni papa sa akin dahil sabi niya day off daw niya ngayon. Yung car ni papa kase yung gagamitin panghatid-sundo namin magkapatid. Yung personal car lang ni papa yung gagamitin niya araw-araw also known as 'working car'. P*ta, nasira na araw ko dahil sa Samuel na yun.

"Ate, malapit na ba po tayo sa bahay?"

Kasama ko pala yung kapatid ko, si Elion Sevillera. A 15-year-old boy. Mabait minsan (minsan lang ha, pagmeron yang kailangan), masunurin (kapag isusubong ko kay mama na hindi siya susunod saken) , pero mabait naman niyan nung elementary pa ako eh pero nung high school na ako, he started to become annoying. Team leader siya ng basketball team sa school, pagkain ang lahat ng nasa isip niya pero hindi parin tataba. There's one time na nagexam sila, yung naanswer niya sa 5 questions that is equivalent to 2 points, sabi ng teacher niya na burger, fries, ice cream, spaghetti, at chicken daw nasagot niya. Sabi ko nga sainyo, adik sa pagkain. Kahit adik yan sa pagkain, gwapo naman. Crush ng bayan kaya yun. Nasa lahi namin eh. Si Elion, siya yung taong bubwisitin lang ako sa bahay araw-araw hindi parehas kay kuya, siya yung bestfriend ko sa bahay. And yes, ako yung nagiisang babae naming magkapatid.

"Ah, oo. Ilang taon nalang at makakarating narin tayo haha!" Biro ko.

"Seriously? Ate naman eh! Gusto ko ng matulog!" Sungit naman neto akala mo naman marunong magdrive. 11 years old pa lang ako noon, marunong na ako magdrive pero siya, 15 na pero wa pa ring plano sa pag prapractice sa pagmaneho.

"Oo na! Malapit na tayo sa subdivision natin."

"Psh. Ambagal."

"Anong sabi mo?! Aangal ka? Kapal mo rin eh no. NAKIKISAKAY KA LANG! Wala kang masakay pauwi kase wala kang pera dahil inubos mo sa pagkain..... Ay wait, kay papa pala tong sasakyan na to, pero kahit na! Ako parin nagmamaneho. Ibaba na nga kita."

"Wag ate! Hindi mo ako pinatapos sa sinabi ko kanina eh. Ang sabi ko 'psh ambagal. Ate, pwede bang ibagal mo ng sobra? Hindi ko pa feel ang matulog eh. Sige take your time"

palusot itong batang to.

Elion's POV

Di ko akalaing may POV pala ako haha! Gwapo kasi ako eh. Ngayon, gusto ko ng matulog!!! Pero may chika muna ako sa inyo. Napansin niyo naman diba na palagi kami nagaaway ni ate? Sa totoo nyan, ginawa ko yun (yung palaging ina-annoyed si ate) it's because hindi na ako mapapansin niya these years. It all started when she turned high school siguro. Busy na kasi siya tapos wala na siyang time sakin. Oo, KSP ako pero at least ginawa ko yung para mabalik parin yung closeness namin ni ate.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Boy in Her Dreams (On-Going)Where stories live. Discover now