(M5) 38

1.5K 51 9
                                    

RHEALAINE POV

"ano ba? Papansin ka talaga eh no?"

"Hoy! Ako nanaman napansin mo ah"

"Bakit hindi ba? Ka- aga aga bwinibwisit mo ko!"

"Bwisit naba sayo yon ha? pinaalala ko lang naman na GIRLFRIEND KITA"

"Oo bwisit ka bwisit BWISITTTTTTT!!!

Kay aga aga nakakapikon tong lalaking to.
Paano naman kasi tumawag siya ng pag ka aga aga para lang sabihing GIRLFRIEND niya ako.

Tengene niya. Alam niya bang alas tress na ako nakatulog nang dahil sakanya. Hindi ko kasi makalimutan na BOYFRIEND ko siya dahil sa lintik na dare na yan. Pota siya

Tapos gigisingin niya ako ng 6:00 am para sabihin yun. Bwisit siya. Di pa siya mamatay.

Nandito kami ngayon sa room. Kumpleto kami. Badtrip ang umaga ko at pati ata si Janica at Jella eh hindi rin maganda ang gising. Pwera nalang kay Lavella na blooming at ngiting ngiti.

"Mamatay kana mamatay kana"

Bulong ko. Nakakainis talaga siya.

"Hoy narinig ko yon!"

"Akala ko bingi ka!"

"Hindi ako bingi ri--"

"Puta kayong dalawa kung mag aaway kayo duon kayo sa field hindi dito. Mga letche kayo!"

Sabi ni Janica sabay dukduk sa lamesa niya.

Inirapan ko si Lucas punyeta ka.
Tumayo ako at balak kong lumabas.
Pero biglang may humawak ng kamay ko.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At para akong nakukuryente. Tengene mo lucas kung pwede lumayo layo ka sakin at baka tuluyan kitang ibigti gamit ang wire.

"San ka pupunta"

"It's none of your business"

"You are my Girlfriend Rhealaine"

Napapikit naman ako bigla dahil sa narinig ko ang sarap sanang pakinggan niyan kung hindi lang tong isang laro.

Pero kasi ayoko ng laro. Ayoko ng lokohan. At ayokong matalo sa laro niya. Kung sa bagay una palang talo nako kasi una palang mahal ko na ang gagong to.

Pero ayokong masaktan ng pang matagalan.kaya mas mabuti nang masaktan ako ng pang sandalian.

"Mag break na tayo!"

Bigla naman siyang napabitaw sakin.

"Ayoko"

"Tangina mo? Anong gusto mo ituloy tong kagaguhan nato"

Napasigaw nako dahil sa inis. Anong gusto niya. Masaktan ako. Hayuf na to.
nakita ko naman na lahat sila nakikinig sa usapan namin.

Good thing at kami kami lang nandito sa room wala yung mga classmate namin dahil nasa training sila.

"Kagaguhan lang ba sayo to!"

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

Anong ibig niyang sabihin duon.

"Isa lang naman tong laro diba. Isa lang tong dare. Kaya ayoko na tigil nato!"

Gusto kong maiyak sa sinasabi ko. Aaminin ko may part sakin na ayaw kong itigil yung laro. Pero ayoko namang masaktan ng sobra sobra may awa pa naman ako sa sarili ko.

"Basta ayoko!"

"Ayaw mo pwes ako gusto ko. Ayoko nang larong to!"

Pagmamatigas ko sakanya. Naglakad ako palayo sakanila namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Ms.Maldita Meet Mr.MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon