(M5) 36

1.2K 39 3
                                    

APRIL POV

*Bogsh*

*Bogsh*

*Bogsh*

Kawawa naman ang bola
konti nalang butas na. sobrang lakas naman kasi ng mga sipa niya.

ngayon ko lang siya nakitang ganito. seryoso na parang galit ganon.

galit ba siya sakin dahil sa pag amin ko ng nararamdaman ko? Hindi ko ba dapat ginawa yon. Hays.

o galit siya dahil sa nasaksihan niya kanina.

"Tutunganga ka lang ba jan? Akala ko ba one on one tayo?"

Malamig na sabi niya sakin. Sinipa niya yong bola papunta sakin at mabilis siyang tumakbo palapit dito. Hudyat na simula na ng laro namin.

Mabilis akong nagdrive papunta sa goal post pero nagulat ako ng nasa harapan ko na siya at mabilis niyang binlocked ang paa ko.

What the hell

Bakit ang bilis niya. Diko man lang nalamayan na nakahabol siya.

Hinarang ko ang dadaanan niya pero bigla siyang sumegway. Sheyt. Ang bilis ng mga paa niya. Dinikitan ko siya at nilalabanan ko ang katawan niya para makuha ko ang bola pero potek. Ang lakas ng katawan niya.

Ang payat payat pero kayang kaya akong patumbahin non. Sinipa niya ng malakas ang bola at na-goal ito.

Napasmirk naman siya sakin "yun na yon?" Ano daw? Halos pinagpawisan nga ako eh. Tapos siya minamaliit yon.

Natawa naman ako sakanya at pumunta sa bench para uminom ng tubig.

*Bogsh*

Tinignan ko siya. Bakit ganyan ang mga sipa mo Jella. Bakit hindi normal? Bakit parang binubuhos mo ang galit mo sa bola.

Gusto ko si Jella matagal na. Pero hindi ko maamin sakanya yon. Natatakot ako kasi baka mapahiya ako. Oo babae ako pero kasalanan ko bang si jella ang laman ng puso ko.

Marami akong nagustuhan sakanya. Naalala ko pa non. Bawat laban nila pinapanuod ko kahit nag iinternational siya sinusundan ko siya para lang mapanuod siyang maglaro.

Ganyan ako kabaliw sakanya. Nang dahil sa hindi ko pag amin sakanya. Nauwe ako sa nakaw tingin at binabantayan siya sa malayo.pero ngayon ang saya ko.

Salamat kay lavella dahil sakanya nagkakausap na kami ni jella, at nakakazama ko pa siya ngayon.

Kaninang umamin ako. Sobrang kabado ako, nagdadalawang isip ako kung aamin ako o hindi.

Pero nang masabi ko na ang gusto ko bigla naman siyang tumakbo. Natakot ako kasi akala ko magsisimula na siyang lumayo sakin.

Pero nagulat ako nang lumabas sila lavella,janica at rhealaine sa likod ng pinto at sinabing

"Wag kang mag alala, kinilig lang yon dali habulin mo"

Hindi ko sana susundin ang sinabi nila ng titigan ako ng masama ni janica kaya naman napasunod din ako. Sakanilang apat si janica ang pinaka kinakatakutan ko.feeling ko kasi pumapatay ng tao yon eh.

"april"

Sinundan ko siya non. Nang makita ko siyang lumabas ng c.r lalapit na sana ako ng mapahinto siya. At nagulat ako ng nasa harap niya ang taong mahal niya.

"april?"

kaya napatago ako malapit sakanila at pinapanuod kung paano lumapit sakanya si ranz. Pero biglang may lumapit sa babae diko marinig ang mga sinasabi nila kaya naman ang nakita ko lang ay ang pagtalikod ni jella.

Ms.Maldita Meet Mr.MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon