(M5) 37

1.3K 40 3
                                    

JELLA POV

Matapos ng napakahabang pagdadrama namin ni April kahapon Ito ako ngayon naglalakad papuntang P.O ko (private office)

Hindi ko maipagkakailang mabigat parin ang nararamdaman ko parang anytime babagsak nanaman ang mga luha ko dahil sa nakita ko.

hindi ko makalimutan yung magkayakap sila at naghahalikan kahapon sa ilalim ng puno.

damn it.

dapat pala ipinatupad ko dito sa school nato na bawal ang PDA.
dibale malapit naman na uuwe sila daddy dito. At napagkasunduan naming sa araw na yon dun nila ako ipapakilala. hindi ko lang alam kung kelan.

nang marating ko ang p.o pabagsak akong umupo sa couch at pumikit.

shit.

napahawak nalang ako sa sintido ko ng makita ko nanaman sa imahinasyon ko ang ginagawa nilang dalawa. animalistic sila napaka harot at lalandi nila.

alam ko wala akong karapatang magselos kasi hindi naman kami, wala namang kami, at kahit kaylan hinding hindi niya masusuklian ang pagmamahal ko sakanya.

pero anong magagawa ko, nararamdaman ko tong lintik na selos na to. ugh.

tumayo ako at pumunta sa swivel chair ko. napansin ko ang ballpen at notebook na nakapatong sa desk ko.

eto yung notebook na pinagsusulatan ko ng mga kwento ko. parang diary ko siya ganon. binuklat ko ito. at nag umpisang magsulat.

september 6 20**
Notes.

nagseselos ako

Nagseselos ako kahit wala namang karapatan
nagseselos ako ng hindi mo nalalaman
Nagseselos ako sa babaeng malapit sayo.
Nagseselos ako. Nagseselos ako.
Salitang hindi dapat maramdaman dahil walang tayo.
Salitang pilit na wag maramdaman ngunit laging nangingibabaw.
Mga katagang kay sakit maramdaman na halos gusto ko nang pumatay.
Ngunit ano nga bang karapatan ko kung ikaw mismo ay hindi ako napapansin o nararamdaman.
                                         -JBF

Napasandal ako sa swivel chair ko. Nakakainis ka ranz. Bakit ba napakamanhid mo?. Bakit ba napakaharot mo?
bakit kasi ikaw pa ang minahal ko.
bakit kasi sayo pako nainlove eh hindi mo naman masusuklian ang pagmamahal ko sayo.

naiiyak nanaman ako.nakakainis tong nararamdaman ko. sana pwedeng ibalik yung dati. yung dating hindi kita nakilala at pinapansin. kesa naman ngayon na nasasaktan ako sayo.

siguro nga, kaylangan ko nang kalimutan tong nararamdaman ko para sayo.

•°•
RANZ KYLE POV

Bigla kong naitulak si Abi dahil sa ginawa niya. halatang nagulat siya sa ginawa ko. pero mas nagulat ako sa ginawa niya.

"bakit mo ko tinulak"

Tumingin tingin muna ako sa paligid baka kasi may makakita pero bigla akong kinabahan ng makita ko si Jella sa di kalayuan may kayakap na babae.

Naka bihis pa itong pang sports.
Fvck baka nakita niya yong ginawa ni ABi.

"Bat mo ko hinalikan abi!"

Malamig na tanong ko sakanya, oo close na kami ni Abi pero ang turing ko sakanya ay bilang kapatid lang. wala kasi akong kapatid.

"di ko naman sinasadya eh. N-natisod lang ako malay ko bang sayo ako lalanding"

Paiyak niyang sabi. Shit talaga. Ayaw ko sa lahat yung nakakakita ng umiiyak. Niyakap ko nalang siya "sorry".

mabait si abi. alam ko yon. lagi siyang nasa tabi ko. napapangiti niya ako kahit sa simpleng biro o ano mang ginagawa niya. hindi siya mahirap intindihin.

Ms.Maldita Meet Mr.MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon