(M5) 35

1.2K 35 1
                                    

JELLA POV

nang makarating kami dito sa room umupo ako likuran at naiwan siya sa may pinto.

ugh. nakakahiya ano ba tong pinasok ko. napatingin ako sakanya na ngayon ay nakatingin sakin.

sheyt.

iniwas ko kaagad ang tingin ko. kinakabahan ako. naiilang ako. naramdaman kong umupo siya sa tabi ko ramdam ko din na nakatingin siya sakin.

ugh. please april tigilan mo yan kung ayaw mong marape kita dito ngayon din.

diko maipagkakailang gusto ko parin siya.

nakaka-inlove kasi siya. Basketball player na football player pa. Maganda pa, mabait at ang astig pa niya pumorma. San kapa. edi kay april na. Keme.

"A-ano hmm.. J-Jella.. a-ano?"

Napatingin ako sakanya na nagkahawak sa batok niya. Tinaasan ko siya ng kilay baka makuha to sa taas ng kilay at masabi niya na ang dapat niyang sabihin.

"Y-yung bola, nasayo pala"

Napaiwas ako ng tingin. Naalala ko nung binigay niya sakin yon. Hinagis ko malapit sa basurahan yon kitang kita ko na parang nadismaya siya. Pero ngumiti din siya. Yun nga lang nag-walk out siya.

Ginawa ko yon kasi feeling close siya ayoko sa taong ganon tapos pag nakuha na ang loob gagamitin ka lang.

nung nag walk out siya nakonsensya ako non kaya lumapit ako sa basurahan para kunin yung bola.

Kukunin ko na sana ng mapansin kong may nakasulat. At ayon nga nakita ko yong pangalan naming dalawa. Napangiti ako kasi nag effort pala siya.

"Ah yon ba? Oo kinuha ko ulit"

Sabi ko ng di nakatingin sakanya. hindi niya alam na gusto ko siya. Para san pa na malaman niya eh hindi namann ako gusto niyan.

"Salamat"

"Para saan?"

"kasi kinuha mo yong bola na binigay ko"

Napatingin naman ako sakanya nakangiti siya sakin. Napangiti naman ako.

"Ngumiti ka!"

"Syempre tao ako eh. Hahaha"

Natawa din siya. Ang saya pala ng pakiramdam na kasama mo yong taong gusto mo hahaha. ang gaan sa pakiramdam. pero mas masaya siguro kung si ranz ang kasama ko ngayon.

Ugh. Ranz nanaman ba Jella. Di ka nga gusto nun. Si abi ang mahal nya at nililigawan nya. Ano kaba!

"Jella?"

"Hm?"

"May sasabihin sana ako"

Ano yon? Na gusto mo rin ako,jahahaha. Wag kang assuming Jella, as if naman magugustuha----

"Gusto kita"

O___________O

napatakbo ako bigla sa narinig ko. Nagulat ako lalo nang madaanan ko sila Janica sa pinto. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang makarating ako sa C.r

Chineck ko agad lahat ng cubicle kung may tao pero wala. Kaya naman

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"
diko na napigilan. Shemay tama ba pagkakarinig ko? Gusto niya rin ako.gusto niya ako.

Humarap ako salamin at hinawakan ko ang muka kong namumula. ano Jella? Masaya kaba? Kasi yung taong hinahangaan mo ay gusto ka rin.

Shocks. Anong gagawin ko? Mamamatay ata ako dahil sa kilig na nararamdaman ko. Nakakainis ka aprilllllllllll.

Ms.Maldita Meet Mr.MahanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon