Nang gabing inakit ko siya. Lasing na lasing siya ng unang gabi naming mag asawa. Di niya matanggap na kasal na kami at wala na silang pag asang dalawa ni Allyson. Silang dalawa ang nag makaawa sa akin para e urong ko ang kasal dahil ako lang ang may kakayahan na mapahinto at di ito maituloy. Pero mahal ko si Austin. Sa pagkakataong iyon naging selfish ako at sa unang pagkakataon sinunud ko kung anong gusto ko, kung anong tinitibok ng puso ko. Galit na galit na umalis si Allyson ng araw na yun at mula nun ay pinutol niya na ang ugnayan namin.

Isang umaga nagising nalang si Austin na nakahubad sa kama namin. Kaming dalawa ang nakahubad habang ako nakayakap sa kanya. Nagulat ako ng pumasok si Ally sa loob ng kwarto na namumugto ang mata. Dun ko lang nalaman na pareho kaming walang saplot ni Austin. Inaaamin kong inakit ko siya pero walang nangyari sa amin. Alam ko yun. Pero walang naniwala sa akin.

Ang dating makulit, maingay, childish at walang alam sa mundo na tulad ko ay nag bago mula ng nagmahal ako. Nagmahal ng tulad ni Austin.

Nagulat ako ng mabuhusan ako ng mainit na kape sa mukha ko at sa di sinasada ay napasigaw ako na sanhi para sampalin ako ng asawa ko. Tinapunan na nga niya ako ng kape, siya pa ang may ganang sampalin ako? Napayuko nalang ako.

"What the f*ck are you doing huh?! You're shouting in front of me! IN FRONT OF ME, MADDISON! IN FRONT OF ME!'' parang di makapaniwalang sabi niya na sinigawan ko siya. Isa lang naman yung tili ng pagkagulat ko na siyang kinainit ng ulo niya.

''AND HOW MANY TIME SHOULD I TELL YOU THAT I REALLY HATE SWEET STUFF?! Simpleng pag timpla ng kape di mo pa magawa ng tama! Di ko na malaman kung tanga ka o sadyang bobo ka lang talaga!" sabi niya na parang sobrang bigat ng nagawa ko. Nasasaktan ang puso ko sa mga sinasabi at pinapakita niya pero balewala lang to sa dalawang taon na pagtitiis ko sa kanya.

Darating ang panahon Austin at mamahalin mo rin ako tulad nang pagmamahal ko sayo. Aasa ako at hindi ako magsasawang maghihintay sayo.

"Sorry." Bulong ko at tumawa naman siya na parang nababaliw. Tiningnan ko siya na parang naguguluhan.

"Kung maibabalik lang sana nyan ang sorry mo ang lahat ng nawala sa akin..."tiningnan niya ako ng may kung anong emosyon sa mata nya ang parang sumaksak sa dibdib ko.

"Sana masaya ako ngayon." Patuloy niya saka sya tumayo at nag lakad sa hagdan pataas at tuluyan ng nawala sa paningin ko.

Ano bang dapat kung gawin Austin?! Pinipilit ko namang maintindihan ka. Siguro nga pagsubok lang to. Alam ko magsasawa ka rin saktan ako. Ngayon lang yan Austin.

Nalaman kasi namin na engage na pala si Ally sa ibang lalaki. Sobrang saya ko nun pero kabaliktaran naman sa asawa ko. Parang gumuho ang mundo niya sa nalaman.

Sana nga sampalin at saksakin nalang ako ni Austin. Mas nanaisin ko pa yun kesa ganito. Sa Dalawang taon na pagsasama namin para akong sinasaksak ng paulit ulit. Gusto kung matangal lahat ng sakit na nararamdaman niya at ilipat yun sa akin. Gusto ko ako lang masaktan wag lang siya.

Lahat gagawin ko. Lahat titiisin ko. Napatawa ako sa aking isipan. Akala ko ay sa teleserye ko lang maririnig ang mga linyang yan.

Lahat naman kaya ko para sa kanya. Kahit pa ikasira ng buong pagkatao ko, buong puso ko itong haharapin at kakayanin. Dahil sayo. Dahil sa pagmamahal ko sayo Austin.

Chapter 1: The Beginning

* Maddison POV *

Nagliligpit ako ng pinagkainan ko ng dumating ang asawa ko. Pumunta ako sa harap ng pinto para salubungin siya pero ng makita ko siya, may kasama na naman siyang babae.

The Destroyed Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now