Chapter 9: All New...

Magsimula sa umpisa
                                    

Habang nasa daan kami, kumakanta naman ang dalawang bata. Favorite daw nila yun. In fairness ang ganda ng boses nila. Nasa tono kasi sila at matinis ang boses. Mas lalo pang gumanda ang kantahan nang pati si Ivo ay sumabay.

Wings

I was, living in a fantasy

Waiting, for somebody to rescue me

But I found a way to light the dark

It was always here inside my heart

No more fairy tale pretending

I'll make my own happy ending

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

There's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

And there's a star that's shining down on me

Reflecting everything that I can be

Every journey starts inside my heart

And there's no mountain that's too far

'Cause if I set my mind to it

Whatever it is I can do it

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

And there's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

To take me farther than I ever thought I'd go

Higher than the heavens 'cause deep inside I know

If I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

I wouldn't reach up to the sky, every night in my dreams

And there's a voice inside of me saying, "I can do anything"

'Cause if I wasn't meant to fly, I wouldn't have these wings

“Wow! Ang gagaling niyo palang kumanta!” puri ko sa kanila tsaka ko pumalakpak. “Syempre may talent. Ikaw anong talent mo?” pang-uuyam ng Ivo na to! Ang yabang talaga. “Hoy pwede ba, hindi ikaw yung sinasabihan kong magandang boses, kaya manahimik ka jan kung ayaw mong barahan ko yang lalamunan mo ha.” Galit na sabi ko sa kanya. Umeepal eh. Tumawa naman ang magkapatid. Tsaka ko napansin na tumaas ang isang kilay ni Ivo at dumiin ang mga labi niya. “Hmm!” pataas na tonong pagrespond ko sa kinilos niya. Nilakihan ko pa talaga butas ng ilong ko para halatang naiinis talaga ako.

At last, nakarating na din kami! Ahaha, nandito kami ngayon sa  Robinson’s Mall sa lagpas ng Luneta. Grabe ngayon lang ako nakapasok dito. Ang lamig sa loob. Kung saan saan pa kami nag-ikot para Makita ang mga foodcourt. At ang inupuan namin ay ang isang bakanteng table for four. Magkatabi kami ni Jane at kaharap ko si Ivo. Magkaharap naman si Yome at Jane. Kuha niyo?

Lumapit na ang kumukuha ng orders sa min. Anyway ang pangalan pala ng foodcourt na pinuntahan naming ay Shabu-Shabu. Grabe ang adik ha. Pero Chinese foods ang mga isine-serve nila dito.Tapos mga dimsums na may drawing na may kulay pa. Hay ang gandang tignan. Ayan na, nakaready na ang foods. Nagsimula nang kumain ang mga bata pati na din si Ivo. Nakailang subo na siya nang mapatingin sa akin. “Anong hinihintay mo? Pasko? Kumain ka na nga diyan. Bawal manood ng kumakain.” Sita niya sa akin. Lastog talaga ang lalaking to. Mejo inilapit ko ang mukha ko sa kanya para bumulong. “Eh kasi, ano eh, ahm, di kasi ako marunong gumamit ng chopsticks. Pwedeng kutsara na lang ang gamitin?” tanong ko sa kanya. At sa gulat ko, tumawa siya nang pagkalakas lakas. Dahil dun, napatingin pa ang ibang customers sa amin. Sapo pa niya ang tiyan niyang parang masakit na sa katatawa.

The Untamed Beauty and The Handsome Beast (OnHold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon