29th Incident: Grasp 把持

Magsimula sa umpisa
                                    

"Where did you find this file case again?" tanong ni Mamiya. Sh*t! Hindi ko na talaga ma evade ang attention nila sa file case.

"At my mom's home." Sagot ko. Medyo mahina na ang pagsagot ko. Pakiramdam ko ay nahahalata na nilang umiiwas ako.

"How did it get there? I'm curious." Sagot ni Risa at ni Police Inspector Ueda.

Dati ako ang nagtataka. Ganito pala ang pairamdam na ako naman ang nagtatago ng sikreto sa mga kasama ko.

"I just found it there after our encounter with Yamamura." Hindi ko pwedeng sabihin na nasa bahay ni mama. For sure, giveaway na ang mama ko ang magiging source of suspicion.

"That's weird." Pagtataka ni Police Inspector Ueda.

"You said that the file case almost has everything we need to know. Then, kanino galing ang File case? Sino ang nag compile nun?" tanong ni Mamiya sa amin.

Si Mamiya-san at si Police Inspector Ueda. Itong dalawang ito. Mas lalong sumasakit ang ulo ko sa kanila. Isang pulis at isang psychiatrist. Lower hand ako sa sitwasyong ito. Paano ko malulusutang ang dalawang ito?

"Galing 'to kay Tetsu-san. Ang editor naming. Cursed din siya by the way. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang mga impormasyon. Ibibigay niya dapat sa akin ang filecase pero namatay siya. Or to be specific, pinatay siya ng mga ghosts." Sagot ni Ayako. She saved me in this horrible situation but I think sooner or later malalaman rin nila ang totoo.

"So what is inside that File Case?" muling tanong sa akin ni Inspector Ueda. "Knowing what's inside will help us in our situation."

Damn it! Tumigil ka na please. I don't know kung makakatulong to sa situation ng lahat pero sorry, hindi ako pwedeng magsalita. My mom is surely going to be in danger if these guys will find out about my mom being the thirteenth person who tried to commit suicide four years ago. I am praying that something will happen to divert their attention from the files case. I need them to get distracted.

And yes! Ang bilis ng sagot sa panalangin ko.

"Look! There are people outside!" Biglang nakita ko mula sa labas sina Shibata at Kitade! Turo ko mula sa salamin mula sa labas. Nagtinginan ang lahat sa labas at kumaway si Shibata at medyo nahihiya naman si Kitade.

Kinabahan ako doon. Gusto pa sanang mang usisa ni Police Inspector Ueda pero hindi niya na ako natanong pa nang dumating na si Shibata-san at si Kitade-san sa kinauupuan naming at nagsimula ng conversation. Besides, nakatoon din ang attention ni Risa at Ayako sa kanila. Dahil si Shibata-san ang isang taong nakakaalam kung paano makawala sa sumpa. Siya rin ang kausap ni Tetsu-san tungkol dito.

"Nandito na siya. Actually, I called him too. I called you guys here para m gather tayong lahat. And honestly, he has no idea na tinawag ko rin kayo." Pabulong ni Risa sa akin.

Humanda ka sa akin, Shibata.

"Nandito ka rin pala Ayako. This was truly unexpected." Panimula ni Shibata sa aming lahat. Halatang gulat na gulat siya nang makita si Risa at si Ayako na magkasama. "M-Magkakilala k-kayo?"

Tumango silang dalawa. Awkward scene indeed. The rest of the people do not know what's going on exactly though.

"It seems like we're disturbing you." Sagot ni Shibata-san sa amin na parang gusto niyang umupo sa ibang upuan kasama si Kitade-san. Umiiwas ang gago.

"No! No! No! Have a sit. I would like to know more about you two actually. We need to talk." sabi ni Rio kay Shibata-san habang hila hila ang braso nito. Pinilit kumawala ni Shibata pero mahigpit ang pagkakahawak ni Rio sa braso at nakangiti siya ng sarkastiko. Na parang sinasabi ng nakangiting mukha ni Rio na "Sumunod ka na lang."

23:57Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon