"At alam mo ba bago pa pala mamanhikan si Heneral Leandro dito sa atin ay iminungkahi na pala ni Gobernador Flores dati pa na nais niyang magpakasal kay Maria, ngunit hindi iyon natuloy dahil ang kasal niyo talaga ni Leandro ang pinagtutuunan ng pansin ni ama at nang maudlot ang kasal niyo wala ng nagawa si ama kundi pumayag na lang sa kagustuhan ni Gobernador Flores na maikasal kay ate Maria... dati pa alam iyon ni Maria ngunit hindi niya lang naikwento sa iyo" patuloy pa ni Josefina. Gosh! kaya pala nung namanhikan sila dito sa bahay at sinabi ni madam Olivia na hindi ako maaaring ikasal, hindi masyado nag-react si Gobernador Flores dahil okay lang sa kaniya.

Bigla ko tuloy naalala yung sinabi sa akin ni Maria bago kami sumakay ng barko nila madam Olivia papunta sa Cebu...

"Mag-iingat ka Carmelita ah, lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin at gagawin namin ang lahat para sa iyo" sabi pa ni Maria at niyakap niya din ako ng mahigpit. "Hangad ko ang walang hanggang kaligayahan niyo ni Juanito"

Ibig sabihin alam na niya noong mga araw na iyon na ipapakasal siya kay Gobernador Flores kung hindi matutuloy ang kasal namin ni Leandro pero hindi niya pa din ako pinigilan at nagsakripisyo siya para sa kapakanan ko at ni Juanito.

Napayuko na lang ako, na-guiguilty ako kasi dahil sa kagustuhan kong makasama si Juanito nalagay sa problema si Maria.

"Sige na magpahinga ka na... sigurado akong bukas na bukas kakausapin na ni ama si Gobernador Flores at magpapadala na ito ng sulat kay Heneral Leandro na nasa Cavite ngayon" sabi pa ni Josefina at tuluyan na siyang umalis.

Kinabukasan, nagising ako dahil sa pagpasok ni Esmeralda sa kwarto ko. "Binibini... hinihintay na po kayo ni Don Alejandro at Donya Soledad sa hapag-kainan" sabi niya. napaupo naman ako sa kama. At isinuot ko muli yung kuwintas na bigay ni Juanito.

"Pakisabi hindi ko pa kaya bumangon... dito na lang ako kakain sa kwarto----" hindi ko na natapos yung sasabihin ko kasi biglang nagsalita si Esmeralda.

"Hindi po maaari Binibini... ipinagutos po ni Don Alejandro na sumabay kayo sa kanila sa pagkain" matigas niyang sagot. Napapikit na lang ako sa inis. Gusto ko sana siyang sagutin pero naalala kong siya pala ang mayor doma at pinakapinagkakatiwalaan ni Don Alejandro na kasambahay namin dito at dahil mainit pa ang dugo sa'kin ni Don Alejandro for sure si Esmeralda ang kakampihan niya. haaays!

Wala na kong nagawa kundi bumangon na lang kahit masakit pa din yung mga tuhod ko pinilit kong tumayo at maglakad, inalalayan naman ako ni Esmeralda.

Pagdating namin sa hapag-kainan naabutan kong nakaupo na doon si Don Alejandro, ina at Josefina. Wala pa din si Maria dahil ayaw siyang palabasin ni Don Alejandro sa kwarto niya.

"Magandang umaga anak" bati ni ina at agad siyang humalik sa pisngi ko. "Kamusta na ang iyong tuhod? Ibig mo bang magpatawag na ako ng manggagamot?" nag-aalala niyang tanong, napa-iling naman ako. tumayo naman si Josefina at inalalayan na din ako makaupo sa upuan ko habang hindi naman kumibo si Don Alejandro at abala pa din siya sa pagbabasa ng diyaryo.

Habang kumakain kami, walang kumikibo sa amin, tahimik lang kaming apat lalong-lalo na si Don Alejandro. Kahit pa masaya siya dahil napapayag na niya ako magpakasal kay Leandro alam kong masama pa din ang loob niya dahil sa pagtatalo namin noong mga nakaraang araw at kagabi.

"Uhh--- ama... ina... isa po ako sa itinalaga ni madam Olivia na mamuno sa sama-samang pagdadasal sa plaza sa araw po ng mga patay" masayang tugon ni Josefina, napangiti naman si ina at napangiti ng kaunti si Don Alejandro.

"Masayang-masaya ako para sa iyo anak... alam kong tama ang desisyon ni madam Olivia na ibigay sa iyo ang responsibilidad na iyon" nakangiting tugon ni ina. At napangiti na din ako. "Congrats----Ah! Este nagagalak din ako para sa iyo ate Josefina" sabi ko. napangiti naman si ina at Josefina sa akin. Gosh! muntik na ko dun ah.

I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon