15. Wow Mali!

6.9K 275 27
                                    

Two days later...

"Hindi pa ba dumarating si Daxx?"

Umiling si Papang sa akin. Hindi ako mapakali. Mula noong nagpunta dito si William na naabutan ni Daxx ay hindi na siya nagpakita. Dalawang araw na niyang hindi sinasagot an mga text ko. Nang tawagan ko naman ay patay na ang phone niya. Hindi ako mapakali. Nasaan na ba siya? Bakit ba kasi hindi siya naghintay noon?

Hindi ko naman kasi alam na umalis siya. Nag-usap kami ni William kasama at kaharap ang buong pamilya niya. Sinabi kong hindi ako magpapakasal kay William dahil ayoko na. Hindi ko na siya mahal. Si Daxx, alam kong may nararamdaman ako sa kanya. I'm in love with him. And I know it's too late but I wanna be with him. Gusto kong makabawi sa mga panahon na hindi kami magkasama.

I wanna be with Daxiel and I need to see him to finally tell him how I feel. I sighed again. Nagbihis ako at nag-ayos tapos ay nagpaalam akong pupuntahan si Daxx para makapag-usap na kaming dalawa. Hindi ko na iisipin si Will, alam kong nasaktan ko siya pero gusto kong isipin na mas mainam ang ganito kaysa habambuhay ko siyang masaktan at hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nagawa ko iyon sa kanya. Will is my friend and I value him. I will never hurt him nang mas pa kaysa sa nagawa ko na ngayon.

Sumakay ako nang taxi at nagpahatid sa bahay ni Daxiel. After an hour, nakarating ako. Nang kumatok ako sa pinto ay si Apple ang nagbukas nito. Tumaas kaagad ang kilay niya nang makita ako. Hinarang na naman niya ang sarili niya.

"Padaan. Kakausapin ko si Daxx,"

"Wala si Daxx dito." Matapang na sagot niya.

"Nasaan siya?" Kalmado pa rin ako.

"Hindi ko sasabihin sa'yo kasi sasaktan mo lang si Baby Boy. He's been through a lot because of you. Hayaan mo naman na siyang maging masaya!"


"Mahal ako ni Daxx at mahal ko siya! Sasaya lang siya kapag magkasama kaming dalawa!"

"How can you be sure?" Tila paghahamon niya sa akin. "Nagbabago ang panahon, lalo na ang tao."

"Ilan taon ba kaming wala sa buhay nang isa't isa? Hindi ba't bumalik siya sa akin. Wala akong pakialam kung mahal mo siya, mahal ko si Daxx at ako nang mahal niya. Ngayon sabihin mo kung nasaan siya?"

"Hindi ko alam. Nabadtrip ako sa kanya dahil papakasalan niya si Linda, iyong babaeng nabuntis ng ex mo..."

Nahilo ako. "Ano?"

"Babaeng nabuntis ng ex mo. Si William. Nakabuntis siya habang nasa Oman siya. Nabuntis niya si Linda, ayaw niyang panagutan dahil ikaw ang mahal niya, itinago ni Daxx, now, they're getting married at some church in Intramuros. Ang bilis nga, that was only months ago, kagabi nag-decide siya, ayon... boom! So, umuwi ka na lang Cielo. May nanalo na at hindi iyon isa sa ating dalawa." Pinanlakihan niya ako nang mata at sinaraduhan ng pintuan.

Agad naman akong tumakbo at naghanap ng taxi. Hindi pwedeng magpakasal si Daxx sa iba! Hindi niya ako pwedeng iwan! Ayokong hindi niya ako mahalin dahil mahal ko siya!

Swerte namang may taxi akong nakita. Agad akong sumakay roon at nagpahatid sa Intramuros. Ilan ang simabahan sa Intramuros?! Kailangan kong isa-isahin iyon para makita si Daxx. Hindi ako papayag sa ganito! Akin dapat siya.


Pakiramdam ko ay nasa fast and the furios ako. Ang bilis nang pag-ikot nang mundo ko. Buti na lang at mabilis din si Kuya at nakarating kami sa Intramuros despite ng traffic at kung ano-ano. Hindi pwede! Hindi talaga! Mapapatay ko si Daxx kapag nagpakasal siya sa iba!

Bumaba ako ng taxi. Ang una kong pinuntahan ang Manila Cathedral pero walang kasal na nagaganap roon. Kaya agad akong lumabas at nag-hire ng guide na de motor ang bike.

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon