13. Dare

3.8K 193 15
                                    

Ayokong nasasaktan ang mahal ko...

Hindi ako makatulog. Hindi ko kasi alam kung matutuwa ako o makakaramdam ng kalungkutan sa sinabi ni Daxx sa akin kanina. Hindi dahil sa wala akong nararamdaman para sa kanya – I'm sure that there's something in there pero kasi pakiramdam ko pinamimigay niya ako. At nasasaktan ako. Akala ko kasi mahal niya ako pero kung magsalita siya kanina para bang napakadali para sa kanya ang sabihin na kung babalik ako kay William.

I am not sure of things right now. All I know is that I wanted to know and explore new horizons with Daxiel but how ill I do that? How will I do that if he keeps on telling me that I need to go back to Will?

I don't wanna go back with Will! I realized that I wasn't really happy with him. Oo mahal ko siya, pero may kulang sa amin dalawa. I thought that our relationship was perfect – well it is but it's to perfect. Hindi ko maipaliwanag kung anong mali pero alam kong meron. It is not supposed to be like that.

Bumangon ako at tinawagan si Daxx. I asked him to meet me. Mukhang kagigising niya lang kasi antok pa ang boses niya pero um-oo siya sa akin. He said he'll be outside our house in fifteen. Nag-ayos naman ako – nagpalit lang ako ng blouse at saka bumaba na. I was waiting for him. Hawak ko ang kamay ko habang naghihintay sa kanya. Hindi nagtagal ay may narinig akong sasakyan – agad akong lumabas. Nakita ko ang Range Rover ni Daxx. Nagtatakbo ako palabas ng gate. Hindi naman siya bumaba pero binuksan niya ang pinto para sa akin.

"Hey!" He smiled. Nakasuot siya ng pajama at puting muscle sando. Panay niya yatang ipinakikita sa akin ang tattoo niya. Napangisi ako.

"Hey to you too." Pagkasabi niyon ay sinuntok ko siya sa balikat.

"Ang sakit ha! What did I do to you?"

"Sabi mo mahal mo ako pero kanina pinamimigay mo ako kay William! Paano iyon, ha?" Inis na inis ako sa kanya. Nabigla ako nang tumawa si Daxx pagkatapo ay pinaandar ang kotse niya. I was shaking my head. Kahit ako ay naguguluhan sa sarili ko.

"Ano?!" I asked him again.

"Cielo, kahit kailan hindi ko pinagsisikan ang sarili ko sa'yo. I mean, I tried, I did that but you ended up hating me. Ayoko namang maulit iyong mga pagkakataon na hindi mo ako matingnan sa mga mata dahil lang sa hinipo ko iyong pempem mo."

Namula ang buong mukha ko. Hinampas ko na naman siya sa braso. Tawa naman siya nang tawa.

"H'wag mo akong pagtawanan! Naiinis ako sa'yo! I don't want you making those kinds of decisions for me! Mas alam ko kung anong gusto ko!"

"Ano ba talagang gusto mo?"

Hindi ako sumagot.

"Kita mo, hindi mo malaman kung anong gusto mo." Komento niya. Patuloy siya sa pagmamaneho. Nakatingin lang naman ako sa labas. Daxx turned the radio on, siguro para hindi masyadong awkward ang moment para sa aming dalawa.

I was silently watching him. He was too busy driving. Napapangiti ako dahil ngayon ko siya talaga natitigan nang ganito katagal mula nang magkita kaming muli. Napansin kong may hikaw pala siya sa kaliwang tainga. Kulay itim lang iyon na bilog at nasilip ko rin siya sa may leeg.

"Daxx, hindi ka ba umiyak noong magpa-tattoo ka?" Kunwa'y tanong ko. Natatandaan ko kasing takot siya sa karayom.

"Hindi namn. Gudang was there to hold my hand." He grinned. "Actually nagpatattoo din si Gudang noon, siya nga iyong pasimuno. Kaya pati si Paolo may tattoo rin sa may likod niya.

Napasimangot ako.

"Close talaga kayo..."

"Yup! I took care of her while she was pregnant."

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon