10. Hearts and Flowers

4.3K 182 29
                                    

Iniwasan ako ni Cielo matapos ang araw na iyon. I know I got out of the line. I know that it was too much for her but I am desperate for her to love me kaya gagawin ko lahat para lang maibaling sa akin ang atensyon niya pero alam kong maling – mali talaga ako.

I was on the restaurant that day. Inaayos ko ang mga inventory ng mga bagong deliver na goods. I was also thinking about apologizing to Cielo pero hindi niya talaga ako pinapansin. Ilang beses na akong nagpunta sa bahay nila para makipag-inuman kay Papang pero dedmatology ang peg ng luka-luka. Hindi ko rin sinasabi ito kay Apple dahil alam kong pagagalitan na naman niya ako.

"Sir, may naghahanap po sa inyo. William daw..."

Ikinabigla ko ang sinabi sa akin ni Jennie – ang secretary namin ni Apple. Sinilip niya ako mula sa pinto para sabihin iyon. I wondered what William wants... nagsabi na kaya si Cielo sa kanya?


Sumenyas akong papasukin siya. Hindi naman nagtagal ay naroon na si William at seryosong nakatingin sa akin.

"Pare, kamusta?" I asked him. Nakipag-kamay ako sa kanya at pinaupo siya sa couch.

"Okay naman." Matipid niyang wika.

"May problema ba?" Naupo na rin ako sa tapat niya upang magkaharap na kami. Ngumiti siya. Nawala ang pangamba ko nab aka kaya siya nandito ay sasapakin niya ako.

"Wala naman. Gusto ko lang sanang ipaalam sa'yo na kukunin ko na ang kamay ni Cielo. Daxx, mahal ko siya at gusto ko siyang makasama habambuhay."

I couldn't find the right words to say. Right when I was about to make my move – to fight the battle I once walked away from, nandito naman siya at sinasabi niya sa akin ang susunod niyang gagawin – which is very unacceptable. Ano pang gagawin ko?

"Namamanhikan ka sa akin? Bakit?"


"Because Cielo adores you. You're her best friend and if I want to make things right, I should start with you. You mean a lot to her."

Huminga ako nang napakalalim. I don't want this, I don't need this but I know that this will make Cielo happy...

"I wanna marry her."

Ngumiti ako.

"Then, marry her, man. She deserves all the happiness in the world." Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero alam kong bukal sa loob ko ang mga salitang iyon. Hindi ako masaya, nasasaktan ako pero alam kong magiging masaya si Cielo kahit kapalit niyon ay kalungkutan ko.

"Thank you, Daxx. I want you to be there when I propose."

Tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

"Thank you, Daxx! Mauna na ako, makikipag-usap pa ako kay Papang..." Umalis siya. Nakaupo lang ako roon at napatulala. Handa na akong lumaban pero ang kalaban ko, he's ten steps ahead of me.

I don't know what to do...

Nadatnan ako ni Paolo na ganoon ang hitsura. Maybe he was looking for Diana but I don't have any inkling why. Napatigil siya nang makita ang hitsura ko.

"Daxx, anong problema mo?"

I looked at him. "William's asking for Cielo's hand."

"Are you okay?"

"Yeah. I don't know. I kissed Cielo. She kissed me back and then... gusto ko lang namang malaman niyang kailangan niya ako at baka sa paraang iyong maramdaman niyang kailangan niya talaga ako."

"That's wrong, Daxx. Lumaban ka ng patas." Natawa siya at naupo sa pwesto ni William kanina. "You know what's the one good thing about you?"

"What?"

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon