8. About time

3.6K 205 19
                                    

"Hindi ba't may boyfriend ka na Cielo? Ano pang ginagawa mo kasama si Daxx?"

Yukong-yuko ang ulo ko habang naglilitanya si Tita Liza sa amin ni Daxiel. Nakauwi na sila sa bahay ni Tatay at naabutan rin nila ang eksenang hindi naman dapat mangyari.

"At ikaw, Daxiel, pitong taon kang hindi nagpaparamdam tapos pagbalik mo nakapatong ka kaagad sa anak ko?! Aba'y putang ina mo!" Sigaw ni Tatay na tila galit na galit. Napakamot ng ulo si Daxx. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya.

Malaki na ang pinagbago ng kaibigan ko – he seemed more mature now. Mas lalaki na ang features niya sa mukha. Lalong nag-igting ang mga panga niya na lalong nagpamukhang lalaki sa kanya. Lalaking-lalaki si Daxx, nagsusumigaw sa testosterone ang presensya niya.

"Sorry, Tito---"

"H'wag mo akong tawaging Tito!"

"Sorry, Pare---"

Nakatikim ng batok si Daxx galing kay Papang.

"Tito naman! Hindi ko alam kung anong itatawag ko sa inyo. Sige, Mr. Luisa na lang. Hindi nga po sinadya iyon. Bukas po iyong pinto, pumasok ako sa kwarto, lumabas siya sa bathroom, she was taken a back and the lost her towel and... and... nakakita ako ng langit nang wala sa oras."

Muling binatukan ni Papang si Daxx.

"Wala po akong balak sa kanya. I'm just here to..."


"Why are you even here?" I asked him. Tumingin siya sa akin. Siyempre nakabihis na ako noon kaya medyo nahihiya na lang ako – medyo na lang pero kanina hiyang – hiya ako kanina dahil nakita niya ang hindi niya dapat makita.

"To offer peace." Sinserong sabi niya. Naramdaman ko iyon sa kanyang boses. "Sorry if I was mean earlier. I just didn't know what to say or how to react after seeing you after all these years." Parang gusto kong umiyak. Titig na titig ako sa mga mata ni Daxx. Totoo talaga ang sinasabi niya. Napapangiti ako pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Mamaya na ang informalities kapag kaming dalawa na lang.

"Kahit pa ano iyan, nakitaan mo pa rin ang anak ko!" Galit pa rin si Papang.

"Tito, mas naunang makita ni William iyan. Iyong boyfriend, si Will – kaya kung ako sa'yo, bigyan mo ng jacket iyon!" Binatukan na naman siya ni Tatay. "Tito naman, iyong bao ko!"

"Babasagin koi yang bao mo kasabay ng mga itlog mo!" Napatawa ako at hindi ko na talaga mapigilan.

"Walang nakakatawa, Cielo! Mag-ayos na kayo at ayoko nang maulit ang nangyari kanina ha!"

"Opo." Wika naman ni Daxx. "Sorry, Buding."

My heart was touched because he called me Buding. After seven years, hearing it from him makes it more... well, hindi ko maipaliwanag pero may ibang hilab ngayon ang pagtawag niya sa akin nang Buding. I nodded. Si Papang ay napapailing pa.

"Oh siya, dito ka na kumain, Daxx. Nagluto ang Tita Liza mo kanina ng sarsyadong tilapia."

"Sige po, Tito." Sabi pa niya.

Hindi naman nagtagal ay naiwan nga kami sa sala nang kaming dalawa lang. Hindi ko mapigilang titigan siya. He has changed – a lot. Kanina, iba ang tingin ko sa kanya. Para bang nawalan siya nang puso, hindi ko makita iyong best friend ko, but now, while looking at him like this, I could see a glimpse of my best friend.

Walang ano-ano'y niyakap ko siya. Natawa naman siya.

"Ang clingy mo naman, Cielo."

"Na-miss nga kasi kita." Sinuntok ko siya sa balikat. "Ang daya-daya mo! Three years, wala ka, three years... sabi mo walang magbabago..."

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon