4. Sugal

4.9K 228 55
                                    

"Nanliligaw na yata siya."

Nagulat ako nang bigla na lang akong tinabihan ni Cielo nang hapong iyon. Kaaahon niya lang sa dagat. Si William ay naroon pa sa may balsa kausap si Paolo at si Marife. Mukhang nag-e-enjoy naman sila sa birthday outing ko. Wala nga dapat kaming celebration. Gusto ko lang itakas si Cielo sa mga bagay-bagay na nakakagulo sa kanya kaya lang isinama naman niya dito iyong bagay na nakakagulo sa kanya.

"Good for you. Hindi na magiging rated G ang buhay mo." Sabi ko na lang. Sinuntok niya ako sa balikat.

"Hmp! Parang hindi ka naman masaya."

"Masaya ako." Sabi ko sa kanya. Totoong masaya ako dahil mukhang masaya naman siya kaya lang hindi ko rin maiwasang masaktan. Mahal koi tong luka-lukang ito. Kahit na panay niya akong sinasadista kapag kinikilig siya o kahit panay niyang kinakain ang huling fries sa MCDO at kahit umaayaw siya kunwari kapag tinatanong ko siya kung gusto niya ng Jolly hotdog, tapos kapag um-order ako, kakainin niya iyong akin – mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya.

"Talaga?" Tanong niya. Pinagpag niya iyong manggas ng rash guard niya. "Ang bait niya saka gentleman pa. Saka magkakasundo kaming dalawa, we have the same likes eh."


"Good." Wika ko. Napapakuyom ang mga palad ko sa buhangin. I sighed. I can only sigh.

"Thank you for letting him come."


"Hindi naman ako pumayag pero dahil gusto mo wala akong magagawa. Mas mahalaga iyong masaya ka." Mukhang natuwa na naman siya sa akin kaya hinalikan niya ako sa pisngi at humilig sa akin. Bakit ba naman kasi sa dami ng babae sa mundo dito pa ako sa luka-lukang ito tinamaan?

Hindi ko nga matandaan kung kailan nagsimula, basta nagising na lang ako na... mahal ko na siya. Pwede pala iyon, iyong bigla na lang nagaganap nang hindi moa lam kung paano nagsisimula. Parang ako kay Cielo.

Maraming beses kong ginustong bumitaw na, kaya lang ang hirap niyang bitiwan. Ang hirap iwasan nang taong dahilan rin ng kasiyahan ko.

"Daxx, can we stay like this forever?" She even asked me.

"I'll stay like this forever, Cielo..." Hinalikan ko siya sa noo at tumingin sa dagat kung saan naroon ang paglubog ng araw. Isang taon na naman ng buhay ko ang lumipas, mukhang kahit na gaano katagal, mamahalin ko pa rin siya. Nagtataka lang ako kung bakit hindi niya nahahalata. Samantalang pakiramdam ko alam nang lahat – sa bahay, pati na rin iyong Tatay niya. Kung si Paolo nga nalaman na mahal ko siya – iyong ibang malalapit pa kaya sa amin?

Manhid itong babaeng ito.

"Guys, mabuti pa umahon na muna tayo tapos magpahinga at maghanda para sa dinner. I heard may spoken poetry mamaya sa bar. Manood tayo!" Yakag ni Marife sa amin. Napatango na lang ako. Alam ko kung anong hitsura ko, sa lahat ng magbi-birthday, ako ang pinakamalungkot. Siguro dahil pagod na ako sa kakangiti kahit hindi naman ako masaya.

Bigla akong tumayo na naging dahilan nang pagkahulog ni Cielo sa buhangin. Tumawa ako nang malakas.

"Ahhh! Tanga!" Pero nawala ang ngiti kong iyon nang bigla siyang takbuhin ni William at inalalyan. Pinagpag niya pa ang short ni Cielo. Tumalikod ako. Napansin kong nakangisi sa akin si Paolo.

Hindi na ako nagsalita. Nagtuloy ako sa suite ko. Natagpuan ko doon si Apple na nakahiga sa kama at may ginagawa sa phone niya. Naupo ako sa tabi niya tapos ay tiningnan siya.

"Anong kulang sa akin? Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Pakiramdam ko ako si Jollibee tapos siya si Wendy's – we are never meant to be!"

Sukat ba namang tumawa nang napakalakas si Apple. Tropa lang kaming dalawa. Si Apple yata ang unang nakaalam na may gusto ko kay Cielo, mula noon siya na ang naging tampulan ko tuwing masasaktan ako.

Torn BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon