ENCHANT 5

7K 207 4
                                    

A/N: Yezzz! May mga nagbabasa oh! Thenkie po sa nagbabasa. Sorry sa mabagal na update. At maikling update. At magandang nag-uupdate--- este magandang update (kahit hindi naman 😂😂)

Irah's POV

"Anong charm mo?" Sabi nung isang lalaki..

Natigilan ako sa tanong niya.

Anong sasabihin ko?

"Ah guys! Siguro ay hindi pa siya handa para sabihin ang bagay na yon diba Sofia? Lets give her privacy. Let's keep it as a secret para surprise." Nakangiting sabi ni Maam Jane at kinindatan pa ako.

O my ghad! Shes my saviour. Thanks to her.

"Thank you Maam." Sabi kong nakangiti at nagbow sa kanya.

Nang makaupo sa bakanteng upuan ay saka lang ako nakahinga nang maayos. Hoo! Muntik na yun ah!

"Okay class. Alam kong alam niyo na ang lahat ng patakaran dito sa school natin pero dahil may katatransfer pa lang ay ipapaliwanag ko." Sabi ni Maam Jane at tumingin sa akin ng nakangiti. Ang ganda niya talaga. Lalo na at palangiti siya.

Natapos na si Maam sa pagpapaliwanag tungkol sa kagawian dito. Isa na dito ay ang:

Makikipaglaban ang mga estudyante sa kapwa niya estudyante. Halimbawa nakipaglaban ka sa isang estudyanteng nasa mataas na section at pag nanalo ka ay mapupunta ka sa section niya. At kung matalo naman ay mananatili ka sa iyong section.

Yun ang sabi ni Maam at marami pang iba. Haay! Para namang makikipaglaban ako no? Psh. Kahit pilitin nila ako o kahit pilitin kong may lumabas sa katawan kong kaabnormalan ay walang mangyayari. Tsk.

Pagkatapos ni Maam magpaliwanag tungkol nga duon sa patakaran ay nagbell na din naman kaya hindi na kami nakapagklase. Iniisip ko din tuloy kung anong pinag-aaralan nila? May math kaya dito? Science? Haay! Paborito ko pa naman ang mga subject na iyon. *pout*

"Hi!" Biglang sabi nung sumulpot sa harapan ko. Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

Tumawa siya. Ang cute niya naman. "Im Aika." Nakangiting sabi niya at inaabot yung kamay niya saakin.

Kinuha ko yun at ngumiti sakanya. "Sofia." Maikling sabi ko.

"I know. Ikaw yung binubully ni Miranda diba?" Sabi niya na wala manlang preno. As in direct to the point talaga, anteh?

Tumango nalang ako. "Nako mag-ingat ka sa babaeng yun. May lahing impakta yun eh!" Sabi niya sabay tawa.

Nagulat ako sa sinabi niya kaya wala agad akong naging reaksyon.

Napatigil naman siya sa pagtawa. "Ano ka ba, joke lang yon." Bawi niya agad.

Haha. Ang cute naman niya. Mukha siyang bata.

"Haha. Sige! Nice to meet you Aika." Sabi ko.

"Pupunta ka bang canteen? Tara sabay na tayo." Sabi niya at pagkatapos ay hinila ako.

Ang hyper niya naman T_T

Habang naglalakad sa corridor ay nagulat ako sa sigawan ng mga babae.

Owkay? Bat ba palagi silang tumitili?

Baka ayon ang charm nila? Paninira ng ear drums? Chareng!

Biglang nahawan ang daan sa gitna. Pero nagpatuloy kami ni Aika sa paglalakad.

Enchanted Academy (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن