Chapter Four: Escape

Start from the beginning
                                    

                "Come here," banayad kong utos. He barely even gives me a glance.

                 Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para lapitan siya at abutin ang sugatan niyang braso. Napapitlag ako nang bigla niyang iniiwas iyon.

                "K-Kailangang magamot ang sugat mo."

                "Don't bother," sagot niya na hindi pa rin tumitingin sa akin.

                "Do I need to beg?" Muli kong inaabot ang braso niya. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay nagpaubaya na ang lalaki. Iginiya ko siya paupo sa kama at walang kibo na sumunod.

                "A-ako ang dapat mag-sorry sa'yo," I find myself talking to him, habang ginagamot ang kanyang sugat. "Hindi ko rin sinasadya na saktan ka. Buong buhay ko ngayon lang ako nakapanakit ng kapwa ko."

                His dark eyes are on mine. And for a long moment he was silent.

                "But it's your fault. Hindi ko maiisipan gawin iyon kung hindi mo ako ikinukulong ditto. Hanggang kailan mo ako itatago rito?"

                He stare down at my lips for a second, and then run his fingers over it. Napakislot ako. Malakas na ungol ang tinungon niya nang mapagtanto ang sugat sa gilid ng mga labi ko. He grabbed my arms at sinuri ang mga iyon. May ilang mapupulang bakas ang lumatay sa mga braso ko.

                "Damn it, Kirsten! You can be raped. Don't ever do that again, okay?" Inabot niya ako at mahigpit na niyakap. He buried his face on my hair. "I'm so sorry. Please forgive me," paulit-ulit niyang bulong. At sa mga oras na iyon ay nagawa ko siyang patawarin nang walang pag-aalinlangan.

                Nang magising ako kinabukasan, napansin ko agad ang mga bulaklak sa bedside. Hindi ko naiwasang mapangiti. I love flowers. At sapat na ang mga iyon para maging maganda ang simula ng araw ko kahit na alam ko na isang buong araw na naman ang bubunuin ko sa silid na iyon. Pero may pakiramdam ako na mayroong magandang mangyayari sa araw na ito. Hiling ko lang na sana ay tama ang instinct ko.

                Pagbangon ko ay wala akong nakitang pagkain sa mesa. Dati-rati naman paggising ko ay may almusal na akong nasisilayan doon. Wala sa loob na lumingon ako sa deskclock. Hindi kaya natutulog pa siya sa mga oras na ito?

                Napansin ko rin ang nakaawang na pinto. Noong una inisip ko na baka nakalimutan lang ng lalaki na isara iyon. Pero imposible. Maliban na lang kung sinadya niya na hindi iyon isara para makalabas ako. Ganon na lamang ang kabog ng dibdib ko habang humahakbang palapit sa pintuan. Hanggang sa tuluyan akong makalabas ng kuwarto ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Binaybay ko ang mahabang pasilyo hanggang sa matunton ang hagdanan. Nalula ako sa laki ng bahay. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang lugar na kinaroroonan ko.

                Maingat ang mga hakbang na bumaba ako ng hagdan. Iniiwasan na lumikha ng anumang ingay. Baka bigla na lang sumulpot ang lalaki at sapilitan na naman akong ibalik sa kuwarto. Ngunit hanggang sa makababa ako ay hindi naman siya nagpakita. At nakakapagtaka na tahimik ang buong paligid.

You Belong To Me (Published under LIB)Where stories live. Discover now