Part 7

1.5K 21 0
                                    




ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ





Cyrus left me after we eat from a nearby restaurant. Magpapasama daw kasi yung girl sa kanya papuntang Las Nieves for some reason. Gusto ko ngang tumutol eh kasi inaasahan kong sasama siya pauwi sa akin at magpapahinga pero mukhang walang balak na magpahinga ata yung Cyrus na yun. Di halatang kakagaling palang overseas. Hay naku! Pag-ibig nga naman!

Kaya ang ending napatuloy ako doon sa dinner kahit super late na ako. Magdadahilan nalang ako. Madali naman mauto yun eh.

Pagdating ko dun sa restaurant ay hinanap ko agad siya. Tumaas nga kilay ko sa pag-aakalang may kasama siya pero ako'y mali mga friendship. Nandun siya sa isang corner at mag-isang nilalagok ang tatlong baso ng tubig. Kawawa naman. Ang bad ko diba?! Hayaan niyo na minsan lang maging masama eh.

"I'm sorry, you waited a lot, right?"

"hindi naman masyado. You're hungry?" ako nga dapat magtanong niyan sa kanya kasi halatang wala pang naiiorder tong taong to empty na empty ang table eh. Kakatapos ko lang kaya kumain kaya hindi ko na kailangan ng refill kasi nagdadiet ako.

"No, it's okay. Kakasnack ko pa lang kasi. Cyrus just came back from France kaya we spend time together a little at naabutan ako ng traffic rin kaya natagalan. Sorry talaga." insert kaplastikan na naman please. Kanina pa 'to ah! Hahahaha.

Nakita kong tumawag sumenyas siya dun sa waiter tapos umokay naman din ang waiter. Maya maya lang ay may nakahanda ng simpleng dinner ang mesa. May lahing mahikero ata si kuyang waiter. Ang bilis nila makaset ng mga foods sa table. Nagpractice ng todo todo?

"You like salmon, right? it's been a while, right?" palihim akong napangiwi. Ano ba namang pinagsasabi naman neto? "Matagal na rin yung time na kumain tayo sa ganitong restaurant? How is it?" ngumiti ako ng pagkapeke-peke tapos nagkunwaring interesado sa surroundings. It's not new to me. Sawang sawa na ako sa mga ganitong lugar. Kaya hindi yun it's been awhile. Kaloka!

"The night is so nice, right? I have should take you to a better places. aherm..." he cleared his throat. "I'm sorry. my throat keeps getting dry." sabay inom na naman ng tubig. Kanina pa siya kakainom ng tubig ah! Isipan niya kayang kumain muna para hindi tumuyo lalamunan niya.

"You look really pretty today." pag-iiba niya ng topic.

"Ah hehe... inborn eh." pagmamalaki ko. Take note, hindi na 'to kaplastikan ah! Totoo itong sinasabi ko. Wag kayong ano.

"Ah .. haha. ah nga pala... sino boyfriend mo ngayon? Does he treat you well? Is he nice? Does he have drinking habits? does he---"

"Saan ba papunta ang usapang ito, Mhyko? Diretsuhin mo nga ako?"

"Sorry...." tapos tikim ng pagkain sandali tapos balik na naman ang tingin sa akin. "Ang sasarap ng mga pagkain nila dito. It was hard getting a reservation--" doon na ako hindi nakatiis. Tumayo na ako. "we-wait lang... saan ka pupunta?"

"Comfort Room." walang ganang sagot ko. Hinayaan naman din niya ako. Nagtagal nga lang ako ng ilang oras doon dahil nagconcert ako sa loob. Taray nga ng trip ko eh. Bahala siya maghintay diyan.

Mayamaya lang ay bumalik na rin ako naumay ako kakatatambay dun sa CR. Naloka ako sandali. Pero nagulat nalang ako ng sumalubong sa akin ang pagmumukha ni Mhyko sa labas ng CR ng babae.

"Ay butiki! Ano ba? Ba't ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ang tagal mo kasi eh kaya sinundan na kita dito. Baka kasi..." akala niya siguro tatakasan ko siya. At bakit? Hindi pa nga nagsisimula ang totoong eksena. "...baka kasi umuwi ka na."

"Hindi naman ako ganun. Natagalan lang ako sa pagreretouch." pagdadahilan ko. Nakita ko siyang nasiyahan ng konti sa sinabi ko na hindi ko siya iiwan sa ere. Hindi PA sa ngayon baka mamaya.

"Halika na! Malamig na kasi ang pagkain." inakay niya pa ako pabalik doon sa table namin. Oo nga pala. Nakalimutan kong may pagkain nga pala kami. Naku, sorry Lord kung sinayang ko yung mga pagkain. Nag-enjoy ako dun sa loob ng CR eh. Hehe!

Pagbalik namin dun sa table inalalayan niya akong makaupo. Which is new. Hindi niya pa kasi yan ginagawa sa akin, EVER since na naging kami hanggang sa magkahiwalay kami. Infairness, naging sweet siya ng konti o baka parte lang din to ng acting niya na naman. Psh!

"Let's enjoy this dinner. After we broke up, did we already forget each other? Sa akin kasi mukhang hindi pa." ano na naman kayang kaartehan netong lalaking to?

"Matagal ko ng nakalimutan ang isang katulad mo sa buhay ko, Mhyko. Wala ng bahid ng mga alaala natin together ang naiwan sa libro ko. Burang bura na. At yang sinasabi mong hindi mo pa ako nakakalimutan? Natural, hindi mo talaga ako makakalimutan kasi AKO lang naman yung babaeng napaniwala mong minahal mo ng totoo." tumawa ako ng mapakla. "Ang galing diba? Yung tinrato mo ng maganda tapos yung taong yun eh kabaligtaran nung sayo. I will make it that I didn't hear it all, It's just keep on making me laugh. Will you really be like this, is this all you can be, for real? Pa'no mo nagawa yun, Mhyko? You made me love you tapos bakit mo nagawa yun sa akin?"

"Cyline, may rason ako kung bakit ko yun nasabi sayo at kung bakit ko yun nagawa sayo." tumaas ang kilay sa sinabi niya. Kaartehan na naman neto. Nakita kong napayuko siya na waring nagsisisi. Acting actingan? "Nagsinungaling lang akong hindi kita kailanman minahal. Pero maniwala ka, minahal kita."

"please don't say those words." I raised my hand to stop him. "Then why did you do that? Bakit mo ako niloko? Bakit ka nakipagbreak sa akin kung mahal mo naman pala ako? Ano? Sabihin mo?" hasik ko. Bwesit to. Mahal niya ako? Mukha niya. Di na ako magpapadala sa kaartehan neto.

"Sorry, pero hindi ko kayang sabihin."

"Love is easy for you, break is easy too. I can't be like that, I wasn't even prepared, what now. Wag mo na akong paikutin ulet, Mhyko. I will not fall twice to your trap again! Hindi na ako yung Cyline noon na tatanggapin lahat ng paliwanag mo tapos magiging okay na agad ang lahat. Wala ng epekto sa akin yang mga pinagsasabi mo. We're already over long time ago."

"Sorry." umiwas ako ng tingin. Naiiyak ako sa sobrang galit ko sa kanya. Sorry na naman? Hanggang ngayon? Sorry pa rin. Hindi sorry ang kailangan ko sa kanya ngayon, paliwanag. Paliwanag ang kailangan ko para tuluyan ng mabura ang sakit dito sa loob loob ko. "Cyline, just this once. After tonight, I won't be able to see you again."

"Hindi naman na talaga. Pero bago tayo tuluyang magkalimutan kailangan ko munang marinig ang dahilan mo, Mhyko. Naiintriga ako eh. Kaya please lang, sabihin mo na."

"Sorry, pero hindi ko kaya talaga. Ayokong masaktan ka--"

"Ano ba? Matagal mo na akong sinaktan. Bakit ka pa rin ba natatakot na masaktan ako? Nagawa mo na nga akong saktan noon ano pa kaya yung sa ikalawang pagkakataon. Dali na sabihin mo na. Sa tingin ko naman hindi na ako madadala diyan. Umay na umay na ako kakaiyak eh. Sige na." pagpupumilit ko. Ano ba kasi yung dahilan na yun para hindi niya kayang sabihin sa akin. Ano ba naman yan. Nainis lang ako lalo neto sa kanya eh. Pabitin pa.

"Sorry, but for now I can't. You will know when the time comes but I hope you will forgive me kung dadating man ang pagkakataong yun."

"Hindi ako sure Mhyko kasi ngayon palang hindi ko pa rin tanggap eh ano pa kaya yung dahilan mo sa pagloko sa akin noon. Mauna na ako. At sana di na talaga tayo magkita ulet. Sabihin mo rin yan sa higad mo. Nakakawalang gana kasi ang isang yun. K bye." tapos tumayo na rin ako para umalis na sa kanya. Pero bago pa man ako makaalis doon ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Kaya nilingon ko siya ulet na nakataas ang kilay. Ano na naman kaya ang kaartehan neto?

"Thank you, I can now let you go, out of my life. Good bye!" tapos unti unti niyang binitawan ang aking kamay at nakaawang ang bibig na pinagmasdan siyang umalis sa lugar na iyon.

Is this really our last goodbye? Is this really what I want? Bakit may part pa rin sa akin na ayaw ko pa? Bakit? Bakit feeling ko hindi pa rin ako masaya?





ღ𝕋𝕠 𝔹𝕖 ℂ𝕠𝕟𝕥𝕚𝕟𝕦𝕖𝕕ღ

Hello Ex (COMPLETED) EDITEDWhere stories live. Discover now