Part 5

2K 30 1
                                    



ღℍ𝕖𝕝𝕝𝕠 𝔼𝕩ღ



"I'm really sorry for what I've acted before."
paghingi ko ng paumanhin sa kanya. Hiyang hiya ang beauty ko. My god!

"No, don't be sorry. Okay lang sa akin. Mas gusto ko yung ganun ang pakikitungo mo sa akin kasi nakakatuwa kang panoorin."

"Hindi... you're a very high-profile person so why should I be comfortably treating you like that?? Sorry talaga."

He shakes his head and held my shoulders to stop me from bowing. At sa hindi malamang dahilan ay naramdaman kong uminit ang pisngi ko. Feeling ko ang pula pula ng mukha ko and I don't know why. I felt my heart stop beating. All I feel is a flutter in my stomach. Nagliparan ang mga paru-parong bukid sa paligid. Pati lamok, langaw, at kung anu-ano pang hayop na lumilipad nakisali na sa paparty ni baby heart. As in, Oh Em Gee talaga!

"You don't have to say sorry. Pare-pareho lang naman tayong tao dito. Ang kaibahan lang businessman ako but I don't expect that people should give me some special treatment dahil sa bigatin akong tao. Nakakapressure kaya ang ganun." Tapos tumawa siya ng bahagya sabay tapik ng mahina sa balikat ko.

Si ako naman ay hiyang hiyang napakamot nalang sa batok saka tumawa na rin ng... pilit! I feel a little awkward and unfamiliar all of a sudden. Nawala yung over sa confident ko nung time na nasusungitan ko pa siya. And I don't think that I can still do that to him later on.

"Uhm... kumain ka na?" tanong niya habang nakikisabay sa akin papasok sa elevator. "Wala kasi akong kasama kumain since my friend just run off back to their house because his twin makes a fuss and drunk. Hindi rin naman pwedeng ipaalaga niya sa asawa niya yun diba kasi he had feelings dati with his wife baka anong gawin nun."

"Hmmm?! May asawa na friend mo??" curious kong tanong sa kanya. Kailan ka pa nagging chismosa, Cyline?

"Yeah. He's so much in love with his wife kaya tinali na niya sa kanya."

"Then, anong nangyari dun sa twin brother nung friend mo?? Nag-away ba sila over that girl??" I want to slap my face for asking again. Baka sabihin niya chismosa ako. Bakit ba kasi ako nagtanong ulit eh hindi ko naman kilala yung mga sinasabi niyang friends. And duh, I don't even know him that much din. Ngayon lang kami nagkausap ng maayos tapos eto agad ang topic namin. Walang introduce yourself or something diretso ang topic sa ibang tao. My god!

"Well..." he paused then press 7th floor kung saan ang cafeteria namin. "Ang totoo niyan, naunang mainlove si Zack kay Irene."

"Yung Zack ba... yung friend mo??" tanong ko. Nilingon niya naman ako saka ngumiti sandali.

"Yes then---"

"Then si girl?? Kanino siya nainlove?? Kay Zack??" Nahiya ako saglit nang mailapit ko ang aking sarili sa kanya nang magtanong ako ulit. Pahiya nga diyan.

(⊃‿⊂)

"Yes, kaya nung nanligaw si Zack sa kanya sinagot niya agad. I don't know why would Irene fell inlove with that bastard... haha---ARAY! Ba't ka namalo?? Ang sakit kaya! Ang bigat pala ng kamay mo." sinamaan ko siya ng tingin. Ang bad niya sa friend niya grabe. Tss!

"Akala ko ba friend mo yung Zack bakit parang hindi ka naman ata masaya sa kaibigan mo?? Atsaka, anong masama kung nainlove yung girl sa kanya?? Malay mo may nakita siyang special kay Zack and that she saw something in him. Oh tignan mo, mag-asawa na sila ngayon. Ikaw, ang bad mo!" pinalo ko pa siya ng dalawang beses. Feeling close na ako masyado. May pa palo-palo pang nalalaman. Amp.

Hello Ex (COMPLETED) EDITEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon