CHAPTER 49: Dragons VS Puppies part 1

Beginne am Anfang
                                    

"Ay malupet ang premyo nito Bes." Sagot ko na naka-ngisi.

"Ano nga?"

"Epic bragging rights!"  Sigaw ko. "Masusulat sa history na no match ang team puppies."

"Iyon lang? Walang kiss kay Shane o kay Papa Kier? Para po! Bababa na po ako!" Biro ni Mingay.

"Joke lang siyempre meron sila doon. Pero dapat manalo tayo ah." Sambit ko.

"Hindi kita bibiguin. Kapag ba nanalo tayo dito sasagutin mo na ako?" Tanong ni Shane ng naka ngiti.

"Luh luh luh! Bumabanat si papa Shane oh." Pang aasar ni Mingay. "Papa Shane, don't worry pag nasa korea na kayo sasagutin ka din nito."

Nakangiti lang ako at hindi sumasagot sa sambit ni Mingay.

"Basta bes kapag nandoon ka na paki padala na lang sa akin si Kris Wu at si Taeyong ah. Asawa ko mga 'yon eh." Biro ulit ni Mingay.

"Sige basta sa akin si Jungkook!"

Matapos ang mahigit apat na oras na biyahe ay narating din namin ang Camayan Beach Resort. Ang ganda ng sikat ng araw nang dumating kami doon. Malinis ang tubig sa beach na ito at pino ang buhangin. Sa bandang likod ng beach ay may mga puno at may napansin pa nga akong unggoy. May mga kwarto din dito at mga cottages. Mababaw din ang tubig kaya kahit hindi marunong lumangoy pwedeng pwede dito.

Sinalubong kami ng event organizer na inarkila namin para sa palaro na gaganapin mamaya ng may magandang ngiti sa kanyang mukha.

"Hello everyone! Is this Ms. Valerie's team?"

"Yes po." Sagot ko.

"Oh my gosh! I'm such a huge fan of you and Shane. We are so honored to serve you today! By the way, my name is Cyrene and I'll be your team building host and referee." Ngumisi siya sa amin. "Let me please show you to your designated rooms first."

Pumunta kami sa mga rooms namin na magkakatabi at nag palit ng damit pang swimming. Pero ako, hindi pa ako nag papalit. Kaylangan makita ko muna kung anong suot ni Mia.

Unang lumabas sila Karlo at Rex na naka topless at shorts, natawa ako dahil para silang mga bangkero at mandaragat. Sunod ay si Cheska at Mingay na naka rash guard. Si Papa naman ay naka topless din at shorts, ang laki ng tiyan, ang takaw kasi. Ito ang malupit at mukhang kakabog sa lahat. Si Tita Evang na naka micro kini. Kahit medyo may kulubot na at may stretch marks, nagawa ni Tita Evang nag mag flaunt. Wala na, may nanalo na, ginalingan eh!

"Ano ba 'yang suot mo Sweetheart?! Labas na pati kaluluwa ni satanas!" Biro ni Papa kay Tita Evang.

"Hoy! Excuse me! Talbog si Pia Wurtzbach dito. If I know, nag lalaway ka na deep inside, Gilberto." Sagot ni Tita Evang.

Nag tawanan kaming lahat. "Sige aling Evang spell mo nga 'yong last name ni Pia." Hirit ni Mingay.

"Pia Magalona na lang pala." Sabay tawa ni tita Evang. Nagtawanan din kaming lahat.

Ilang saglit pa ay sabay na lumabas si Shane at si Kier mula sa sarili nilang kwarto. Parehas silang naka topless at naka beach shorts. Parehas silang six packs ang abs, maputi nga lang si Kier at medyo moreno naman si Shane, parehas silang may magagandang muscles, mas matangkad nga lang si Shane kay Kier. Mukhang nag workout pa yata 'tong dalawang 'to para sa araw na ito ah. Pero grabe! As in grabe! Nakaka-tameme 'tong dalawang 'to.

"Papa Kier and Papa Shane!" Sigaw ni Mingay.

Hindi naman ako nakapag salita at bahagyang napa nganga.

"Hala, wala na si Valerie. Basa na!" Biro ni Aling Evang.

"Tita!" Sambit ko ng may hiya. "Papa si Tita Evang oh, SPG!"

Until I'm Over You (Published under LIB)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt