Chapter 59: Embrace

Magsimula sa umpisa
                                    

Napangiti naman ako sa narinig. Rankings huh. Sounds interesting.

"M-Mukhang masama ang kutok ko sa ngiti n-nya Van." Bulong ni Michelle na narinig ko naman.

"Sasali ako." Walang alinlangan kong sambit na ikinatigil nila.


"H-Hindi mo na kailangan yun Cash! Alam na namin ang rank mo noh. A ha ha ha ha." Ilang na sabi ni Vanessa.

Ginawa ko rin ang tawa nya bago magseryoso. "Van, Mich, kailangan kong tuparin ang ipinangako ko sa aking sarili noon. Kailangan kong makapasok sa Moon Ten Ranking Students. May personal akong intensyon."

Napayuko naman sila bago iwagayway ang kanilang mga kamay. Napangiti na lamang ako at hinayaan na sila na lamang magsulat ng aking pangalan bilang isa sa mga estudyante na sasali sa kompetisyon. Naiwan akong mag isa sa aming dormitoryo. Hindi ko maiwasang maisip muli ang mga panahong umalis ako sa mundong ito at pilit binura ang mga alaala rito. Napakasama ko ba? Makasarili at iniwan ang aking ama at kaibigan na patuloy na nakipaglaban? Iniligtas nila ako, at iniligtas ko rin ang sarili ko ayon sa utos nila na dapat hindi ko ginawa. Matthew, nais kong bumalik sa mundo ng mga mortal at mamuhay muli ng payapa kahit may paghihirap. Ang mga ngiti ng aking mga kaibigan, ang mga pangungutya sa akin ng aking lola at pinsan na umampon sa akin sa mundo ng mga mortal, ang mabahong paligid, ang paghahanap ng trabaho, nasasabik ulit akong balikan ang nakaraan. Ngunit hindi maaari. Dito ako nararapat. At tanging mapasama lamang sa bilang ng mga estudyanteng matataas rito ang kailangan kong maabot upang magawa ko ang dapat kong gawin. Ibabalik kita ama. Ibabalik ko ang dapat ibalik.

Akmang tatayo pa lang sana ako ng may mga brasong biglang humila sa akin at yumakap muli.

"Captain." Mahinang sambit ko.


Ramdam ko ang malakas na kabig ng kanyang dibdib at bigat ng kanyang paghinga. Napasapo ako sa noo sa aking isipan nang may mapagtanto, lumagpas ako sa oras. Dapat kanina pa ako sa tagpuan. Aiiiissshh! Makakalimutin na Cashmere.

"Pinag-alala mo ako." Bulong nya sapat na upang aking marinig.

Magsasalita pa lamang ako ng humigpit lalo ang kanyang yakap. Isang klase ng yakap na pakiramdam mo'y ikaw ay ligtas sa kapahamakan, ang yakap na komportable sa lahat, ang mainit na yakap na nagpapakalma sa aking kalooban at ang yakap na ilalagay ka sa lugar na alam mong tanging kayo lamang ang makakarating. Anong pakiramdam to?

"Ang akala ko iniwan mo na ako." Dagdag nyang muli na nagpakabog sa aking dibdib.

Anong nangyayari sa akin? Bakit ba napakalaki ng epekto sa akin ng lalaking ito? At teka! Bat ba yakap to ng yakap ah. Nakakailan na to ah!

"Dito lang pala kita matatagpuan." Bulong nyang muli bago isubsob ang kanyang noo sa aking ulo. "Nilibot ko ang buong akademya na nagbabasakaling naroroon ka. Ang akala ko pa noong una ay kinuha ka na ng iyong ama kaya nakaramdam ako ng matinding kaba. Don't do this again please. Hindi ko alam gagawin ko."

Natigilan ako sa mga sinabi nya. OA ba ang isang to? Alam kong nalate ako ng mahigit isang oras pero bat ganun na agad ang nangyari sa kanya? Hindi ba nya naisip na oo nalate ako? Nilibot pa talaga nya ang akademya at naisip pa nyang kinuha na ako ng aking ama? Eh? Pero bat parang nakakaramdam ako ng kasiyahan ukol rito?

Niyakap ko sya pabalik sa hindi ko malamang dahilan at idinantay ang aking ulo sa kanyang dibdib bago bumuntong hininga at napangiti.

"Pasenya na at nahuli ako. Pasenya na Cap-----Rence. Natagalan lamang ako sa pagmumuni-muni."

Humiwalay sya sa pagkakayap sa akin at hinawakan ang dalawa kong kamay at itinapat nya ito sa kanyang bibig bago marahang hinalikan. Naramdaman kong nag init ang aking mukha sa kanyang ginawa ngunit hindi ko maialis ang aking kamay na parang naging bato na nakadikit sa kanyang mga labi.

"Tara na." Bulong nya bago ngumiti ng matamis.


Did he smile that sweetly?


Oh my gash!



"Sa tingin ko dito na lang tayo talaga mag aaral at magdi-date."


Date. Waaaaaahh! Bat mo na naman pinaalala Pyre ka! Buset buset buset! Huhuhuhuhu. Gusto ko magwala kayalang nakakahiya. Tatagan mo ang loob mo Cashmere Villacrusis.

"S-Sige, kukuha la-lang ako ng m-meryenda."

Kelangan talagang mautal huh bruha ka? Pahalata kang kinakabahan ka eh!

"Sasamahan kita. Marunong akong magluto." Pagpepresinta nya na ikinatango ko na lamang.


Ang Captain na nakikita ko ngayon sa aking harapan ay ibang iba sa lalaking arogante na nakilala ko. Ang hirap mo maintindihan!

Moon Academy: Special School For Arts And WizardyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon