They clapped their hands as I blow the candles.

"Thank you, everyone. I love you all so much!" I said, trying my best not to cry in front of them.

Kinuha ni Miguel kay Ressler 'yong cake and then niyakap ako ni Ressler.

"Pinauwi mo talaga sila Mama at Papa?" nakangiti kong tanong.

"Yeah. They should be here with you on your birthday," he said, giving me a kiss on my forehead.

"First time ko silang makasama sa araw ng birthday ko. Umuuwi kasi sila tuwing March lang and then bumabalik na agad silang Australia after a week so wala na sila dito kapag April," pagkukwento ko.

"Now they're here," he said, flashing me a genuine smile.

"Paano mo sila napauwi?"

"You don't need to know," he said, smirking at me.

I raised a brow at him. "Now you're keeping secrets from me huh?"

He chuckled. "Just enjoy your day, Tam. You'll be busy reviewing for the whole month of May and siguro pati June. So sulitin mo na 'tong April. Kailan pala exam mo?"

"June 28 and 30," I answered, flashing him a nervous smile.

"I'll help you with your review," he said when he noticed me being nervous.

Simula noong maging kami ni Ressler four years ago, laging masaya ang birthday ko dahil sa kanya. Sobrang ma-effort niyang tao. I remember celebrating my 22nd birthday with him, dinala niya ako sa bahay nila and doon kami nag-celebrate nang kaming dalawa lang.

Noong 23rd birthday ko naman, dinala niya ako sa New York para lang ipakita sa 'kin 'yong fireworks display ng pangalan ko at mukha ko. Noong 24th birthday ko, pinuntahan niya lang ako sa bahay and sa bahay lang kami nag-celebrate with my big brother. Busy kasi that time si Ressler dahil may project siya sa De Grande Town. Akala ko nga hindi ko siya makikita no'ng araw na 'yon. Pero dumating pa rin siya. Kahit ten pm na 'yon, dumating pa rin siya. He brought flowers, cake and balloons.

Last year naman, on my 25th birthday, busy naman ako dahil sa apprenticeship nasakto na madaming pinapagawa sa 'kin si Architect Cunanan kaya hindi ako makaalis ng office. Pero dahil batas si Ressler, pumunta siya sa office namin and doon siya nagpa-party para sa 'kin. Walang nagawa 'yong boss ko dahil pati sila ay kinilig sa effort ni Ressler.

And ngayong 26th birthday ko, April 16, 2018, gano'n pa rin, wala pa ring nagbabago. Nag-effort ulit siya para sa 'kin. Nagawa niya pang pauwiin dito ang parents ko.

He's really consistent. And that's the most important thing your partner should have. Consistency. Pati ikaw mismo, dapat consistent ka. Kung consistent ang partner mo, dapat consistent ka rin. That's how relationship works. Hindi lulubog ang relasyon kapag balanced lang. Parehas dapat kayong nagbubuhat. Hindi 'yong isa lang.

Nang sumapit ang 10pm ay nauna nang umuwi si Franco at Miguel dahil hinihintay na raw sila ng asawa nila. "Happy birthday, Tam," bati ulit sa 'kin ni Miguel at Franco. Humalik sila sa pisngi ko bago sila umalis.

"Tam! Oh My God! Marcus asked me out on a date! Baliw ba siya?!" inis na sabi ni Brook at saka niya ako hinila papunta sa garden ng bahay namin.

Nakaramdam ako ng sakit sa paghawak niya kaya agad kong inalis ko ang pagkakahawak niya sa 'kin.

"What's wrong?" nagtataka niyang sabi.

"Madiin masyado 'yong pagkakahawak mo sa 'kin."

Tumaas ang kilay niya. "Hindi kaya!"

Agad niyang kinuha ang braso ko para tingnan kung nagsasabi ako ng totoo at muling nanlaki ang mga mata niya kaya nagtaka ako.

"What?" I asked. She didn't say anything. "Why are you looking at me like that, Brook?" I asked again.

"Ano 'tong mga 'to? Bakit ang dami mong pasa?"

Natigilan ako sa sinabi niya at agad akong napatingin sa braso ko.

May tatlo akong malalaking pasa sa braso ko.

Wala naman akong pasa kanina. Ngayon lang 'to biglang lumitaw.

"Tam, sinasaktan ka ba ni Ressler?" galit na sabi ni Brook kaya nanlaki ang mga mata ko.

"What? Of course not! Ano ka ba, Brook!"

"Eh bakit ang dami mong pasa?" inis na tanong niya sa 'kin.

"I don't know. Wala naman 'to sa braso ko kanina," pagsasabi ko ng totoo.

Inisip ko kung may mali ba akong kilos kanina or lasing na ba ako kaya ko nakuha 'tong pasa ko na 'to. Pero bigla kong naalala 'yong mga maliliit na pasa na biglang lumilitaw sa katawan ko no'ng mga nakaraang buwan.

Saan galing ang mga pasa ko?


___

Tiana: Let me know your thoughts about the story, pls! :") I love reading all your comments! 

Smile For Me, ResslerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon