Panay naman ang tingin ng mga empleyado sa dalawa. Siguro kung isasama pa si Lennox ay baka kanina pa hinimatay ang mga ito. Kulang na lang ay magkorteng puso ang mga mata nila habang pinanonood ang nag-uusap na magpinsan.

"Tumigil ka Chrome. Hindi ba't hinuli ka noon dahil sa bilis mong magpatakbo ng sasakyan? At isa pa ano yung issue niyo ni Kelly Gonzales?"

Biglang umasim ang mukha ni Chrome ng marinig ang pangalan ng babaeng binanggit ni Hunter. Kelly Gonzales is the top personality of this season as the most search and most viral media personnel this year. May chismis na nagkaroon ng secret relationship si Chrome rito na malugod namang pinagtatakpan ng management ni Chrome. Kaya hanggang ngayon wala pang malinaw na detalye kundi nanatili pa rin iyong rumored news.

"Huwag mo ngang mabanggit-banggit ang pangalan ng babaeng iyon. Naiinis lang ako lalo. ", Galit at matigas na pahayag ni Chrome saka umalis na.

Napakamot na lang tuloy ng ulo si Hunter.

Hindi ko na hinintay pa na utusan niya akong ipagtimpla siya ng kape dahil everyday routine ko naman iyon. Kumbaga nakasanayan na. Nang ilapag ko ang kape sa table niya ay makailang ulit kong narinig ang mabibigat na buntung-hininga niya.

Kahit na alam kong pinagmamasdan niya ako ay inabala ko na lamang ang aking sarili sa mga paperworks na nasa mesa ko. Naging productive ako dahil ambilis ko iyong natatapos. Ramdan ko ang mga titig niya sa akin at wala akong balak na sulyapan din siya.

Saka lang ako natigil sa aking ginagawa ng marinig ko ang marahang pagkatok sa pintuan. Tumayo ako at pinagbuksan kung sino man ang taong iyon. Kabubukas ko pa lang ng pintuan ay agad na ipinatong nung lalaki sa mga kamay ko ang bouquet ng red roses at chocolates.

"Uhmm...?", Ang nasabi ko na lang.

"Papirma po ito...", Sabay abot sa akin nung lalaking nakapula. At base sa uniporme nito ay masasabi kong delivery boy nga ito.

Nakakunot-noong tumabi si Hunter sa akin kaya naman ibinigay ko sa kanya yung bulaklak ng sa gayon ay mapirmahan ko ng maayos yung papel na pinapipirma nung delivery boy kanina.

"Kayo po si Miss Hailey Gail Sandoval?", Paniniyak ng delivery boy.

Tumango ako at inabot ko pabalik yung papel niya.

Nang tangkain kong bawiin yung bulaklak kay Hunter ay agad naman nitong hinawi ang kamay ko. Hinanap agad niya yung card at ganoon na lang ang padilim ng mukha niya. Kulang na nga lang ay malamukos ang mukha niya ng mabasa ang nakasulat roon.

Sadyang nalaglag ang panga ko nang makita kung paano tumilapon at sentrong-sentrong nai-shoot yung bouquet ng bulaklak sa trash bin. Pasalampak pa na naupo si Hunter at parang batang nagpaikot-ikot sa swivel chair niya. Ngumuso ng todo ang labi ko dahil nagha-highblood na naman ata ako sa lalaking ito. Nandoon pa din ang talim ng pagkakatitig niya. And that intense gaze makes me really feel dizzy.

Then a subtle smirk grace his face. The thoughts of him filled my head while butterflies and nervousness filled my stomach.

I stood there but when twenty-degree  air is pulsating against my arms and legs, time seems to stand still and go at blisteringly slow pace.

Ganito ba dapat palagi kong nararamdaman sa tuwing siya ang kaharap ko?

Naiinis na pinulot ko yung bulaklak pero mabilis na tumayo si Hunter sa swivel chair at mabibigat ang mga hakbang na lumapit sa akin. Agad niyang hinablot yung bouquet sa kamay ko at itinaas iyon sa ere.

Darn, why so childish!

Napapadyak na ako dahil kahit anong pilit kong abutin tung bulaklak ay ayaw niyang ibigay sa akin. Sagad na sagad na ang pasensya ko sa kanya.

So I Married The Mafia BossWhere stories live. Discover now