"Ang kapal ng mukha mo."

mahina ngunit dama ko ang poot sa nanginginig niyang tinig.

Hindi agad ako nakapagsalita.Inaasahan ko nang mangyayari 'to pero hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit na pagbitawan ka ng isang masakit na kataga na galing pa mismo sa isang taong mahalaga sayo. Isang taong, nag-aruga at nagmahal sayo simula't-sapul pa lang.

"Ang kapal ng mukha mo Ellaine Villanueva!" kasabay ng pagsigaw niyang 'yun ay ang isa-isang pagpatak ng masasaganang luha sa kanyang magkabilang pisngi. Naitakip ko ang isa kong palad sa bibig ko, hindi ko na namalayan na napahikbi na ko dahil sa pagpigil ng emosyon.

Masakit palang makitang umiyak dahil sayo ang isang taong itinuring mo bilang tunay na magulang sa mahabang panahon.Pinipiga ang puso ko sa sakit habang pinagmamasdan ang sunud-sunod na pagbuhos ng emosyon ni Manang sa harap ko.

"Nagkamali ako sayo Ellaine. Akala ko, matalino ka, akala ko, madignidad kang babae, akala ko iba ka kay Allison at sa ibang mga babae. Nagkamali ako, nagkamali kaming lahat sa sayo. Ang galing mong magmaskara, lahat kami napaniwala mo."

nakakunot ang noo habang puno ng pagsisisi ang ginawa niyang pag-iling.

"Isang malaking pagkakamali ni Roberto ang pulutin ka sa basurang pinanggalingan mo. Kung alam ko lang sana na mangyayari ang mga ganitong bagay, sana ako na ang tumutol noon pa man na ampunin ka. Hindi ako makapaniwalang nakapag-alaga kami ng isang ahas sa mansion na 'to."

"Tama na Manang."

pakiusap ko sa pagitan ng mga luha ko.

Nasasaktan na 'ko sa sunud-sunod na masasakit na salitang binibitiwan niya. Kahit kailan hindi niya 'ko pinagsalitaan ng ganun dahil napakabait niya sakin.

"Akala ko noon,malayo ang pagkakaiba niyo ni Allison. Tumatak na sa isipan ng lahat ng tao na si Allison, isang maldita, spoiled brat, at pasaway habang ikaw naman mabait, matalino, mahinhin at matino. Ngayon, napatunayan ko na ang katotohanan. At kung meron mang demonyo sa bahay na ito, hindi 'yun si Allison kundi ikaw 'yon Ellaine! Totoo si Allison sa sarili niya, walang halong pagkukunwari, samantalang ikaw itinatago mo sa ang tunay mong ugali para magustuhan ka ng lahat. Nagbabalatkayo ka para makuha mo ang atensyon ng iba!"

"TAMA NA SABI!"

Nangibabaw sa buong silid ang alingawngaw ng sigaw kong 'yon na siyang ikipinanahimik ni Manang.

Nakita ko kung pano nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, nanlaki ang mga mata niya dahil sa pagkagulat. Hindi niya siguro akalain na makakayanan ko siyang sigawan ng ganun kalakas.

Marahas kong pinunasan ang basang pisngi ko gamit ang palad ko at pagkatapos ay taas noo akong humarap sa kanya.

"Allison. Allison. Allison! Lahat kayo puro Allison! Si tito Robert, ikaw, at lahat ng tao sa bahay na 'to puro Allison! Oo, magka-iba kaming dalawa, mag-kaibang mag-kaiba! Dahil siya ang lagi niyong pinagtutuunan ng pansin, siya ang itinuturing niyong prinsesa sa bahay na 'to samantalang ako....

samantalang ako kung itrato niyo parang hindi nag-eexist sa mundo."

"Ellaine!"

"Bata pa lang kami siya na ang paborito ni tito Robert, siya lagi ang may bagong laruan at damit, siya lagi ang sinasama niya kapag mamamasyal sila, si Allison lahat ang kumukuha ng atensyon ng lahat. Kapag nadadapa siya't nasusugatan, lahat kayo alalang-alala.Kapag nagkakasakit siya halos hindi na kayo matulog lahat mabantayan lang siya. Kayo ba? Kayo ba ni minsan natanong niyo ako kung ayos lang ba ako? Minsan ba natanong niyo kung anong masakit sakin? Minsan ba natanong niyo kung nasasaktan ako!"

A Wife's One-Sided Love (Published Under LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon