Chapter Two

4 0 0
                                    

"Ito ang office ni Sir Trystan. Hindi ka papasok dito hangga't hindi ka niya tinatawag." binuksan ni Leslie ang pintuan ng private office ng magiging boss niya. Hindi niya mapigilan ang singhutin ang amoy ng opisina. Ang bango! Sambit niya sa isip niya. Kung ito ang amoy ng magiging boss niya.... Amoy gwapo. Hmmm. Ang bango bango talaga! Mayayakap niya talaga ang boss niya. Napahagikgik siya sa naisip. Kasalukuyan siyang sumisinghot ng lingunin siya ni Leslie. Nakakunot ang noo nito. Binigyan niya ito ng tingin na nagtatanong. Nagpatuloy lang ito sa pag-tour sa kanya sa opisina. Maya-maya ay lumabas na sila. "This would be your table." Pinuntahan nila ang malaking lamesa na nakaharap sa pintuan. Isang putting desktop computer, tatlong itim na telepono ang naroon rin. Dalawang puti na pen holder ang naroon. Wala man lang kakulay-kulay ang lamesa. Sa gilid ay naroon ang mga piles of paper. Maging ang upuan, trashcan at iba pang gamit doon ay napakalungkot ng mga kulay. She made a mental note on putting colors on that area. "Tinapos ko na halos lahat ng binigay sa akin ni Sir na trabaho. Para hindi ka matambakan. Kapag kailangan niya ibigay mo na lang." Nang matapos ito sa pag-tour sa kanya ay kumain sila sa canteen. Pagkatapos kumain ay ipinakilala rin siya nito sa mga magiging katrabaho niya. So far, nakasundo naman niya ang mga ito.  

Nag-uusap sila ng mapansin niya biglang tumahimik ang paligid. "Good Afternoon, Sir." kaswal ngunit mahihimigan ang kaunting takot na bati ni Janus. Napako ang tingin niya sa naka-amerikanang lalaki sa harap nila. May bitbit itong briefcase. Walang mababakas na emosyon sa mukha nito. Pero kahit ganoon ay hindi nabawasan ang kaguwapuhan nito. Singkit na mga mata, matangos na ilong at manipis na mapulang labi. Gusto tuloy niyang kantahin ang 'Chinito'. Tapos sasayaw din sila katulad nila Enchong Dee at Yeng Constantino. Yumuko siya upang itago ang kanyang ngiti. Hindi naman niya mapigilan at natawa siya ng ma-imagine niya na sasayaw ito. Napalakas yata ang tawa niya ng makarinig siya ng pagtikhim.  

"Are you laughing at me?" Nag-angat siya ng tingin. Nakakunot ang noo nito. Kung nakakasugat lang ang tingin nito malamang ay kanina pa siya duguan. Madilim ang anyo nito. Hindi niya alam pero wala siyang nararamdaman na pag-kailang dito. Sa katunuyan, she finds it cute. Para itong bata na hindi sinunod ng kalaro sa gusto nito at nagsabing 'Hindi na tayo bati' sabay irap. Lalo tuloy lumapad ang ngiti niya. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "What's your problem?" asar na tanong nito. Sasagot sana siya ng dumating si Leslie at pasimple siyang kinurot sa tagiliran.  

"Aww..." 

"Sir Trystan, this is Honey Marie Murillo. Siya po iyong sinasabi ko sa inyo kahapon." Pakilala nito sa kanya. So ito pala ang terror na si Trystan Arevalo.  

Hmmm... hindi lang pala amoy nito ang guwapo.  

Tiningnan niya uli ito. Napaigtad siya ng sundutin ni Leslie ang tagiliran niya. Nakuha naman niya ang gustong sabihin nito.  

"Good Afternoon, Sir. I'm Ho-" 

"Miss Garcia already told me your name, No need to repeat. I'm not deaf." Putol nito sa pagpapakilala niya. Strike One. Masungit pala talaga ito.  

"No one said you're deaf." Mahinang sabi niya pero mukhang narinig pa rin nito dahil muling nagsalubong ang mga kilay. " I-I mean, Nice meeting you, Sir." Inilahad niya ang kamay dito ngunit tumalikod lang at iniwan sila. Isasara na lang nito ang pintuan ng tawagin ang kaibigan niya.  

"Miss Garcia." Tawag nito. 

Agad naman nag-angat ng tingin si Leslie. "Yes, Sir?" 

"I'm still not signing the papers for your leave." Anito. Bigla naman namutla ang kaibigan niya.  

"S-sir?" 

"If you want to have your leave then tell your friend that I am not fond of people who talk back on me." Iyon lang at pabagsak na isinara nito ang pinto. Tiningnan siya ni Leslie. Nagkibit-balikat lang siya at umupo sa office chair nito. Noon niya nalaman na hindi pala normal ang tibok ng puso niya. Huling naalala niyang tumibok ng ganoon ang puso niya ay noong high-school siya at nakilala niya si Philip. Uh-oh. Mukhang naguwapuhan siya sa boss niya. Sana lang pwede ang employee-employer relationship sa kompanyang ito. 

Relationship agad? Hindi puwedeng crush muna? Sabi ng isang bahagi ng isip niya.  

Nauna na siyang umuwi dahil bukas pa naman ang umpisa ng first day niya. Gusto niyang mag-relax dahil mukhann mapapasabak siya sa gyera bukas at sa mga susunod pang araw. Kaya lulubusin na niya ang pagpapamper sa sarili niya ngayon. Pababa siya sa building habang hina-hum ang kantang 'chinito'.  

From now on, Favorite song na niya ang 'Chinito'.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Impossible BossWhere stories live. Discover now