Chapter One

8 0 0
                                    

Nagulat si Honey ng makitang ang kaibigan niyang si Leslie ang nagbukas ng pintuan ng inuupahan nilang apartment. May hawak itong walis. "Oh, Naligaw ka yata?" hinubad niya ang rubber shoes at pumasok sa loob. 

"Na-miss kita." Anito na natatawa. Lumabi siya.  

"May kailangan ka 'no?" umupo siya sa sofa at nag-unat. Maraming tao sa coffee shop na pinagpa-part time-an niya. Kaya hindi siya halos makaupo. Mabuti na lang at maagang dumating ang karelyebo niyang si Michelle.  

"Grabe ka naman! Kapag may kailangan lang ba ako pumupunta sa'yo?" tanong nito.  

"Oo." Natawa siya ng akmang babatuhin siya nito ng walis. "Joke lang." nagpeace sign siya. Winalis nito palabas ang dumi at saka binalik ang walis sa lalagyan. "Les, Bakit ikaw ang gumagawa niyan? Nasaan si Antonet?" nakakunot noong tanong niya. Ito ang kasambahay nila. Nalukot ang mukha nito at pabagsak na umupo sa tabi niya.  

"Mamalengke daw siya." 

Kumunot ang noo niya. "Hapon na?" nagkibitbalikat lang ito.  

"Alam mo tanggalin mo na iyang Antonet na 'yan." 

"Bakit?" nagtatakang tanong niya. 

"Akalain mo naman na maabutan ko dito sa bahay niyo. Nanunuod ng T.V at hindi lang iyon, kasama pa ng mga Amiga niya. Hindi na nahiya. Pagpasok ko sa kusina niyo tambak ang hugasin at nagmamakaawa na ang mga kasangkapan niyo sa bahay na mapunasan." Galit na galit na sumbong nito. So, totoo pala ang sumbong ng kapitbahay nilang si Aling Agnes. Ang akala niya kasi ay magkaaway lang ang mga ito kaya sinisiraan lang sa kanya. Kilala kasing tsismosa sa lugar nila ang ginang kaya hindi siya naniniwala dito.  

"Hayaan mo kakausapin ko." 

"Kung ako sa'yo tatangalin ko na. Masyado ka kasi kayong mabait na magkapatid. Mamaya niyan magising na lang kayo wala na lahat ng gamit niyo sa bahay." 

"Grabe ka naman. Kakausapin ko na lang muna." Tinapik niya ito sa balikat. "Chill ka lang, okay?"  

"Ewan ko sa'yo!" natawa siya. Ang bilis talagang mag-init ng ulo ng kaibigan niya. Kabaligtaran siya nito. Kung anong kinaiksi ng pisi nito at siyang kinahaba ng kanya. Tumayo siya at nagtungo sa kwarto niya upang magpalit ng damit. Sinundan siya nito.  

"Himala maaga ka? Wala kayong date ng boss mo?" nanunuksong tanong niya dito. Humiga ito sa kama at niyakap ang unan.  

"Nag-leave ako." Nilingon niya ito. 

"Talaga? Pinayagan ka?" isinara niya ang aparador at tumabi dito sa pag-higa. Hindi kas lingid sa kaalaman niya kung gaano ka-istrikto ang boss nito. Sekretarya ito ng may-ari ng kilalang restaurateur sa pilipinas. Hindi siya ligtas sa reklamo ng kanyang kaibigan tuwing napapagalitan ito at nasesermonan dahil sa maling nagawa nito. Minsan na nitong naisip na magresign kung hindi nga lang sa mataas na sahod.  

Tumango ito. "Kinda..." 

"Kinda?" alanganin ang sagot nito. "Hindi ka sigurado kung pinayagan ka?" marahang tumango ito. Lumungkot ang itsura. "Saan ka ba kasi pupunta at magli-leave ka? Wala ka namang pasok every weekend, ha?" 

"Kasi..." 

"Kasi?" 

"Niyaya akong mag-punta sa boracay ni Nick." Mahinang sabi nito. 

"So? Pwede naman kayong magpunta doon ng weekend, hindi ba?" tanong niya.  

"Oo nga, kaso ang gusto niya umalis na kami sa Wednesday." Kumunot ang noo niya. "Hon, look." Umupo ito mula sa pagkakahiga at tiningnan siya. "I have this feeling na magpo-propose na si Nick sa akin." Siya naman ang napaupo ng marinig ang sinabi nito. 

"Niyaya ka lang magpunta sa boracay, Proposal of marriage kaagad?" natatawang sai niya. Tiningnan siya nito ng masama. Nagkibit-balikat lang siya. Hinampas siya nito ng unan. "Aray! E ano ba kasing problema? Bakit di ka sumama? Naka-leave ka naman."  

"Iyon na nga ang problema. Papayagan lang akong mag-leave kung makahahanap ako ng papalit sa iiwan kong posisyon."problemadong sabi nito. 

Napapantastikuhang tiningnan niya ito. "Ang lupit naman talaga ng boss mo." Hindi siya makapaniwala. "Paano kung hindi ka makahanap ng papalit sa sa'yo?" 

Umaliwalas ang mukha nito ng tingnan siya. Nginitian siya nito. "Kaya nga ako nandito. Sasabihin ko sana na ikaw na lang ipapalit ko pansamantala." Niyakap siya nito.  

"Ngayon mo sabihin na hindi ka pumupunta dito dahil may kailangan ka." Kunwari ay galit siya. Lalo namang siyaniyakap nito.  

"Sige na, Honey! Please!" ikiniskis nito ang mukha sa braso niya.  

"Tigilan mo nga 'yan, para kang pusa." Hinugot niya ang kamay. Ngumiti naman ito.  

"So, payag ka na?" tanong nito. 

"Hindi. Ayokong makain ng buhay ng boss mo." 

"Honey naman! Minsan lang ako humingi ng favor sa'yo. At saka may sahod ka naman."anito. "Ayaw mo n'on may pandagdag ka sa puhunan niyo ni Maple?" pinaliit niya ang mata ng tingnan ito. This woman sure knows how to convince her. 

"Alright!"  

"Yes?" paninigurado nito. 

"Yes." Ulit niya. Pumalakpak ito at niyakap siya. Nasa ganoong ayos siya ng bumukas ang pinto ng kwarto niya. Iniluwa noon ang kapatid niya karga ang pamangkin niya.  

"What's going on here?" nagtatakang tanong ni Maple.  

"I'm getting married." Sagot ni Leslie.  

"Wow! Congratulations. Abay ako ha at ring bearer si Kiel." 

"Of course!" Namilog ang mga mata ng kapatid niya at mabilis na lumapit sa kanila. Ibinigay sa kanya ng kapatid niya si Kiel.  

'Tita A-ni." Hindi pa nito nabibigkas ng mabuti ang pangalan niya. Kinarga niya ito at pinupog ang ng halik. Nakiliti ito at tumawa ng matinis. Natawa na rin siya. Sulit na sulit ang pagod niya para dito. Nakakawala ito ng pagod.  

Tiningnan niya ang kapatid at si Leslie na masayang nag-iisip kung ano ang magiging motif ng kasal. Napailing na lang siya.

My Impossible BossOù les histoires vivent. Découvrez maintenant