My Impossible Boss

15 0 0
                                    

Wala pang anak si Honey pero pakiramdam niya ay isa na siyang lola. Ang teenager kasi niyang kapatid ay isang dalagang ina. Siya lahat ang sumasalo sa gastusin nilang tatlo. Maagang binawian ng buhay ang kanyang mga magulang. Parehong nagta-trabaho ang mga ito sa isang cruise ship at ng lumubog ay kasama ang mga ito sa mga nasawi.

Halos na yata ng trabaho ay napasukan na niya. At ng may mag-alok sa kanya na maging temporary secretary ay hindi niya tinangihan iyon. Kahit nga taong-tuod ang kaniyang boss. Idagdag pa ang sobra-sobrang kasungitan nito. Hot-tempered pa. Mukhang pinaglihi sa sama ng loob. Hindi lang isang beses siya nitong napagalitan dahil lang sa nakabukas na pintuan.

Isa lang ang dahilan kung bakit siya ginaganahan sa pagpasok sa opisina. Bukod syempre sa kapatid at pamanngkin niya. Ay gusto niyang makita ang pamatay na kagwapuhan ng amo niya. Ilang beses yata siyang natutulala kapag kinakausap siya nito. Wala siyang reklamo kahit OA ito sa pag-O-Overtime. Kinikilig pa nga siya kapag silang dalawa na lang ang natitira sa building.

Isang araw ay inutusan siya nitong dalhin ang mga papeles na kailangan daw nitong pirmahan. Hindi ito pumasok ng araw na iyon. Pagdating niya sa condominium nito ay laking gulat niya ng bigla siya nitong yakapin. Hindi lang iyon. Hinalikan pa siya nito sa labi. Muntik na siyang magpadala sa nangyayari kung hindi lang niya inaaalala na may puri pala siyang iniingatan. Haha

Naroon pala ang mama nito at ang dating girlfriend nito. Hindi pa ito nakuntento na ipinakilala siya na girlfriend at sinabi pa nitong magka-live in sila. Kung anong kinaasim ng mukha ng ex nito ay siya naman kinaaliwalas ng mukha ng Donya. Tuwang-tuwa ito. Nalula siya ng tanungin siya ng donya kung kailan sila magka-aapo.

Naku! Nalintikan na!

My Impossible BossWhere stories live. Discover now