"Pasensiya na kung hindi rosas ang kaya kong ibigay sa iyo ngayon ... ngunit gusto kong malaman mo na ang bulaklak ng sampaguita ay sumisimbolo sa walang hanggang pag-ibig at ang ibig sabihin ng bulaklak na ito ay----" hindi na natapos ni Juanito yung sasabihin niya kasi inunahan ko siya magsalita... Alam ko naman ang ibig sabihin ng sampaguita.

"Sumpa kita" sagot ko, napangiti naman si Juanito at napaupo rin siya sa kama sa tabi ko. inamoy ko naman yung sampaguita at ngayon ko lang na-appreciate ang kakaibang bango na taglay nito, Naghahatid ito ng bangong kailanman ay hindi mo malilimutan. Paboritong bulaklak kasi ni Lola Carmina ang sampaguita at madami siyang tanim na sampaguita, naalala ko naikwento niya noon sa'kin ang ibig sabihin ng sampaguita at ito ay ang Sumpa kita  or I Promise you

"At huwag kang mag-alala... hindi ko naman talaga paborito ang rosas eh" sagot ko pa, totoo naman eh si Carmelita lang naman talaga ang mahilig sa rosas. Bigla namang napangiti si Juanito. Dugdugdug!

"Sinusumpa ko na hindi magbabago ang pag-ibig ko sayo" sabi niya, dahilan para mapangiti na lang ako ng todo. Kapag inlove ka talaga hindi mo na mapipigilan ang pagngiti ng puso mo.



Nakababa na kami ngayon sa bangka, inihatid kami ni Juanito at Ignacio. "Maraming salamat sa inyo, nawa'y mag-iingat kayo at makapag-kwentuhan sana tayo muli" paalam ni madam Olivia, nag-mano naman sa kaniya si Juanito at Angelito bago sumakay ulit sa bangka.

"Madam Olivia maaari ko po ba kayong makausap?" tanong ni Juanito at agad silang nagbulungan ni madam Olivia, nagkatinginan naman kami ni Theresita at medyo inilapit namin yung tenga namin sa kanila para marinig namin ang pag-uusap nila kaso hindi pa rin namin narinig. Gosh! Ano yun?

"Talaga po? Maraming salamat po talaga Madam Olivia!" masayang tugon ni Juanito at napatalon pa siya sa tuwa. Halaaa! Ano yun?

Nakangiti rin ng todo si madam Olivia at Ignacio. Okay so kami na ni Theresita ang OP huhu.



Habang nasa byahe kami pabalik sa kumbento, kinukulit namin si madam Olivia kung ano yung pinagbubulungan nila ni Juanito kanina pero ayaw niya sabihin. At dahil dun wala na kaming nagawa pa ni Theresita kundi sumuko na lang kasi ayaw talaga magsalita ni madam Olivia. Hmm... malalaman din namin yun tsk tsk.



Pagdating sa kumbento, agad kaming sinalubong ni madam Ofelia. "Madam Olivia... saan kayo nanggaling? Bakit ngayon lang kayo nakabalik? Kagabi pa kami nag-aalala kung nasaan kayo----" hindi na niya natapos yung sasabihin niya kasi tinapik-tapik ni madam Olivia yung balikat niya.

"Huminahon ka lang Ofelia... ipinasyal ko lang ang dalawang Binibini at wala na kaming masakyan kagabi kung kaya't napag-pasyahan namin na magpalipas na lang ng gabi sa isang bahay-tuluyan" sagot ni madam Olivia, napahinga naman ng maluwag si madam Ofelia. At pinagpahinga na muna niya kami sa aming mga kwarto.

Hmm... Bahay-tuluyan? Hotel ba yun? sabagay uso naman na ang mga hotel sa panahong to.



Naikwento ko naman kay Theresita yung date at kiss namin ni Juanito at napapatalon na lang siya sa kama dahil sa kilig Kyaahh!.

"Binibini! Ang ibig sabihin ba nito... magkasintahan na kayo ni Ginoong Juanito?" tuwang-tuwang tanong ni Theresita. Napatklob na lang ako ng unan sa mukha dahil sa kilig. Gosh!

"Oo! Waaahh!" sigaw ko pa at pareho na kaming napatalon ni Theresita dahil sa tuwa. My gosh! Hindi ko akalaing sa panahong ito ako magkakaroon ng boyfriend haha!

Bigla naman kaming napatigil nang biglang bumukas yung pinto at tumambad sa harapan namin si madam Olivia. "Aalis tayo sa Miyerkules, kung kaya't tapusin niyo na ang mga dapat niyong tapusin upang payagan kayo ni madam Ofelia" sabi niya, magtatanong pa sana kami ni Theresita kaya lang bigla na niyang sinara yung pinto at umalis na siya. Nagkatinginan na lang kami ni Theresita at pareho kaming walang idea kung saan kami pupunta.



I Love You since 1892 (Published by ABS-CBN Books)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin