Chapter 59: Heaven's Miracle

39.5K 561 23
                                    

A/N:

Wala pang ending pero sinasabi ko na, may SEQUEL ito and may title na po ako para sa sequel, it will be entitled, “THE GANGSTER’S SLAVE”. Naglalagay na po ako ng teasers sa MIWTG FB GROUP for it. Pero kung EXOtic kayo, at nabasa na ang sa about me? sa wall ko, malalaman niyo yung korean portrayers ng sequel. Yes, KOREAN naman po this time ^__^v. Wanna be Sweet?

Nyways, short UD lang po ito. Need lang po talaga kasi ng chapter na ito dahil ito na po baka ang LAST na makita niyong umiiyak sila. Bakit? Secreeeettt :PPP. Isa pa, let’s reminisce okay guys? lapit na ending!!! 2 chaps to go then Epilogue na!!!

Here’s the UD!!!Enjoy reading!!!

+++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++++

 

 

 

 

“BELIEF is the SUBSTANCE of things hoped for, the EVIDENCE of things not seen.”

 

 

 

 

 

CHAPTER 59: HEAVEN’S MIRACLE

 

 

 

 

 

THIRD PERSON’S POV

 

Agad na isinugod nina Aaron at ng iba pa si Hell sa ospital. Malalim ang natamo nitong tama mula sa baril ni Lyric. Kanina pa hindi mapigil ang luha at pagkataranta ni Aaron dito. Sinisisi nito ang sarili sa nangyari sa kasintahan kahit pa sinasabi dito ng mismong ama at kapatid ni Hell na hindi nito kasalanan ng mga nangyari.

“Ano ba ‘tol...kumalma ka nga. H’wag mong sisihin ang sarili mo. Hindi mo naman kasalanan eh. Ginusto ni Hell na iligtas ka at alam ko na kahit ulit-ulit p ang lahat, gagawi at gagawin niya pa din yun.” pagpapakalma dito ni Calvin.

Tumango naman si Neon, “Calvin’s right, Zygfryd. My daughter loves you very,very much that she’s willing to sacrifice her own life just for your own. Hindi ka namin sinisisi sa mga nangyari at sigurado namang hindi tayo papabayaan ng Maykapal.”

Hindi na nakuha pang sumagot ni Aaron dahil sa bigat ng nararamdaman. Kahit na ano pa ang sabihin ng mga tao sa paligid niya ay ang sarili pa din niya ang kanyang sinisisi sa mga nangyari. Kung hindi lamang siya lumayo dito, kung hindi lamang siya nagpabaya ay baka hindi na nito kailangan pang masaktan. Nang makarating sa ospital ay dali-daling inilagay sa operating bed si Hell habang kasunod nito sina Aaron, Calvin at Neon. Maging ang buong barkada nila ay mas inunang samahan sa ICU unit sina Aaron kaysa ang ipatingin ang mga sugat at pasa na natamo mula sa pakikipaglaban sa mga tauhan nina Traize at Lyric.

Hawak-hawak ni Aaron ang kamay ni Hell habang dinadala nila ito papuntang ICU unit ng naturang ospital. Patuloy ang patulo ng luha ng binata habang pilit na kinakausap ang kasintahan, “MineKo naman eh...MineKo, h’wag mo kong iiwan....magpakatatag ka...h’wag kang bibitaw....h’wag mo kong iiwan..” lumuluhang sabi nito.

Moving IN with the GANGSTERS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon