FVCKTARD 2

54 1 1
                                    

FVCKTARD2

“Sige bye” Pamamaalam ko.

Ayoko sumabay sakanila. Umagang umaga sira ang araw ko! Lechugas!

Umoo lang sila tas nagpatuloy silang kumain.

Maaga pa naman kaya babagalan ko nalang maglakad.

Dumaan din muna ko ng Mcdo, makapag-kape naman!

Naiinis talaga ko!! Kung bat kailangang andun yun e?

Oo na, nakakatulong siya! Pero hindi mababago yung thought na, mas pinapahalagahan siya ni mommy kesa samin!

“Here’s your change ma’am”

“Thanks”

Hay! Wala kong gana kumain.

Nagsaksak naman ang earphones muna habang naglalakad.

*splaaaash*

“Shit” Napasabi ko nalang.

“Sorry miss. Kasi naman hindi ka tumitingin e!”

Natapon yung iniinom ko sa babaeng bisugo dun. Lumingon ako sakanya. Tumatakbo kasi siya e.

Naghahabulan ata sila nung boyfriend niya. LEchugas!!

“Babe bilis!”

“Sige eto na”

Patakbo na siya nun nung nagsalita ako…

“Hoy! Bisugong babae! Ako pa hindi tumitingin ha?”

Pag ganitong badtrip ako, at dadagdagan niya pa. Nako!

“Oo, e anlayo ng tingin mo, tas may earphone ka pa! Malamang di mo talaga ko mapapansin!”

Nginitian ko naman siya.

“Oh wow. At sa’yo pa talaga nanggaling yan”

Nakita ko namang lumapit na sakanya yung boyfriend niya

Muka namang shokoy!

“Alam mo naman palang di kita mapapansin, binangga mo pa ko. Tanga ka noh? At isa pa, ang laki ng daanan diba, sapat para hindi mo ko banggain, para maglandian kayo ng shokoy mong boyfriend.. Ay wait, sa susunod na maghahabulan kayo, dun sa beach, total muka naman kayong mga lamang dagat! Isang shokoy, isang bisugo. Pwe!”

Binigay kong padabog sakanya yung kape ko.

“O tapon mo na! Nabawasan na e. Sama mo yang sarili mo pati yang boyfriend mo”

Atsakan ko umalis, binalik ang earphone ko.

Hay! Somehow, I felt relieved! Parang lahat ng galit ko nabuhos ko sakanya. Haha! E teka, kasalanan niya naman! Maghabulan daw ba ditto? O yan NGA NGA siya ng boyfriend niya noh! Hm!

She's Not What She Is (A short story)Where stories live. Discover now