Si Nelya at ang kanyang kapalaran (Pang-lima)

Magsimula sa umpisa
                                    

Bumungad sa amin ang isang oblong na mesa na punung-puno ng pagkain sa may hapagkainan. May piniritong itlog, tuyong dilis, tuyo, dinaing na isda, tinapa, tapa, tocino at longganisa. May sinangag na kanin at meroon din pandesal. May kesong puti rin na nakabalot pa sa dahon ng saging at isang malaking bote ng gatas na palagay ko ay fresh. Marami rin prutas ang nakahain at hindi magkamayaw ang tingin ko dahil hindi ko alam ang pangalan ng ibang prutas doon.

“Kumain na tayo!” Bumungad mula sa kusina si Lola Becky na may dala-dalang mga poswelo at naamoy ko ang aroma ng kape. “Kapeng Amadeo,” dagdag pa nito.

Naupo na ako sa may mesa at tinabihan pa ako ni Andrew. Nagdasal na si Lola Becky at matapos noon ay inabutan agad ako ni Lola Carmen ng sinangag pero agad itong kinuha ni Andrew.

“Kayo po muna ang kumuha at kumain,” salita ni Andrew sabay balik ng sinangag kay Lola Carmen. Nabigla ako sa sinabi niya.

“Ano bang problema mo Andrew?” Nabastusan ako sa ginawa ni Andrew. “Pagpasensyahan ninyo na po si Andrew mukhang hindi maganda ang gising niya.” Lingon ko pa kay Lola Carmen bilang paumanhin at abot ulit ng sinangag na inaabot sa akin.

Nakangiti lang sa akin si Lola Carmen na tila naiintindihan ang nangyayari.

“Walang problema, hija. Palagay ko ay iniingatan ka lang ng kasintahan mo,” nakangiting sabi pa ni Lola Carmen. Napatingin din ako kina Lola Becky at Rebecca at lahat sila ay nakangiti na tila may tinatago.

“Iniingatan? Dahil sa sinangag? Atsaka hindi ko po siya kasintahan.”

“Tsk! Ladies, would you mind to shed her some light on what you did to her last night?” Napabaling ako ng tingin kay Andrew dahil sa sinabi niya.

“Wa-what happened last night?” tanong ko pa kay Andrew.

Umiling lang sa akin si Andrew matapos ay inilahad niya ang kamay niya at itinuro ito kina Lola.

“Makinig ka.”

“You drugged me?” hindi ko makapaniwalang tanong sa kanila. Hindi ako makapaniwala na magagawa ito ng mga Lola na kasama ko ngayon sa akin.

“Apo, hindi. Hindi naman namin aakalain na magugustuhan mo ang lasa ng inumin namin at mapaparami ka nang inom,” marahang pagsasalita pa ni Lola Becky.

“Pinaalalahanan kita apo na magdahan-dahan sa pag-inom noon,” singit pa ni Lola Carmen.

“Malakas ang epekto nito kay Nelly dahil first time niya palang Lola,” paliwanag ni Rebecca.

“Anong klaseng droga ang nandoon?” naalarma kong tanong.

“Hindi iyon droga, apo. Isa siyang klase ng halaman,” paliwanag pa ni Lola Carmen.

I am his Accidental WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon