Si Nelya at ang kanyang kapalaran (Pang-lima)

Start from the beginning
                                    

 

Iginala ko pa ang ulo ko sa kabuuan ng kwartong hindi pamilyar sa akin at sa eksaktong pagmasid ko ay nakita ko ang pares ng dalawang matang gusto kong muling makita pero hindi ko dapat na makita pang muli.

Nakatingin lang siya sa akin at nakatingin lang ako sa kanya. Halatang-halata ko sa mga mata niya na pagod na siya dahil sa mas lumalim ito dahil sa maitim na eyebags. Pero bukod doon ay halata kong may galit o inis sa tingin niya sa akin ngayon at dahil doon napalunok ako.

“Bumangon ka na. Aalis na tayo” Napabalikwas ako dahil sa biglaang pagsasalita niya. Nagulat akong marinig muli ang boses niya. Pero ramdam ko ang pagkaseryoso sa kanyang tono.

Umiling lang ako sa kanya. Hindi na maari akong sumama sa kanya. Kailangan ko nang lumayo.

“Bumangon ka na diyan at aalis na tayo.” Tumayo na siya sa kanyang kinauupuan at umurong ako sa ulunan ng kama.

“Hi-hindi na ako sasama sa iyo, A-andrew. Hayaan mo na lang ako, please.” Magulo ang isip ko. Hindi ko alam kung paano niya ako natunton. Hindi ko alam kung bakit siya nandito sa harap ko at sinasama na niya naman akong umalis. Kahit malaking porsyento sa akin ang naging masaya na makita ko siyang muli pero alam kong mali.

“B-bumangon ka na sabi at aalis na tayo.”  Nakita ko ang pagkuyom ng palad ni Andrew sa pagsalita niyang iyon. Kung pilitan lang Andrew, patawarin mo ako, hindi na ako muling magpapapilit sa iyo.

 

“A-andrew, ano bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? Sabi ko hindi ako sasama sa iyo. That is a straightforward statement. Walang ibang ibig sabihin iyon. Ayoko nang sumama sa iyo. Hayaan mo na ako.” I acted tough. Sanay na akong maggalit-galitan sa mga estudyante ko at palagay ko ay kaya ko rin iyong gawin kay Andrew.

Mabilis na naglakad patungo sa akin si Andrew at ikinagulat ko ang paghablot niya ng aking braso.

“Bumangon ka na at aalis na tayo. That is a straightforward command, Nelly. I am not asking, requesting or pleading you to do it. I am commanding you.” Nakatingin lang siya sa mga mata ko at kitang-kita ko ang sulyap ng galit sa kanyang mga mata. Hindi man siya magtaas ng boses o sumigaw man lang sa akin pero ramdam ko na galit siya sa akin dahil sa ginawa ko.

“Ang masasabi ko lang lumabas na kayo ng kwarto at handa na ang agahan. That is a straightforward sentence from someone who’s old enough to scold both of you. Huwag ninyong sirain ang araw ko dahil lamang sa negatibong vibe ninyong magkasintahan. Dalian niyo na!”

Pareho kaming napatingin sa may pintuan kung saan doon nakatayo at nakapamewang si Lola Carmen habang nakataas ang isang kilay.

“Ano? Hindi ba kayo kikilos o gusto ninyo pang kumuha ako ng dos por dos at hagupitin kayong dalawa ng tig-di-dies?”

Mabilis akong bumangon habang si Andrew ay kinuha ang kamay ko at inalalayan akong tumayo. Hindi ko na rin naman iyon pinansin dahil natakot talaga ako sa pagbabanta ni Lola Carmen at palagay ko ay natakot din si Andrew.

Sumunod ako kay Lola Carmen na naglakad pababa ng hagdanan ng bahay na nakumpirma ko na lang na pagmamay-ari ng Hermandad dela Luna nang makita ko ang ibabang parte ng bahay kung saan ako pamilyar. Hindi ko nililingon si Andrew sa likod ko pero pakiramdam ko naman ay titig na titig sa akin si Andrew kahit na hindi ko siya nakikita.

I am his Accidental WifeWhere stories live. Discover now