Hay nako Wonu, huwag ka sanang magskip ng meals. Lalo kang gagaan. Ang bilis ko siyang napausog sakin when normally, dalawang kamay pa ang gagamitin ko para mahila siya.

I can't help but keep everything in my mind. Hindi ako pwedeng magsalita. "B-Bakit ang lapit mo?" Tanong niya. Nagkatinginan kami.

"Huh? Bakit, bawal bang lumapit ang boyfriend mo sayo? Hah?" Tinaasan ko siya ng kilay, I also pouted my lips. When I saw how stiff and serious his face was, I awkwardly laughed. "Diba boyfriend mo ko? Bakit mo ako tinititigan ng masama, hindi naman ako nagcheat ah! Tara na nga, saan mo ba gustong sumakay hmm? Wonu ko?" He averted his gaze, I think I did a good job making his heart flutter, lalo pa kasi siyang namula.

"Sayo hehe,"

Ramdam ko na nagprocess pa ang utak ko. Bumanat siya. At ang mature nung banat niya.

Namula ako kasi HINDI MO NAMAN MAPIPIGILAN MAG IMAGINE PAG MAY NAGSABI NUN PERO PINIGILAN KO PRAMIS!1! "...Wonu ko, hindi mo sinabi na mas gusto mo na ikaw yung ano..." yung bottom...SHOXXXZS

"Joke lang," he punched me softly as he laughed holding his tummy. Then bumalik ang boyfriend mode niya. "Hmm, gusto ko sa...dun sa sinakyan natin kahapon na boat." Agad ko siyang hinila papunta doon. And guess what, kaming dalawa lang ang sakay.

"Hi Sirs, good morning po." Bati ni kuya na nagbabantay sa entrance banda. "Sirs, okay lang po ba na kayong dalawa lang? Kayo po ba?"

Sinagot naman siya ni Wonu. "Oo, di po ba halata kuya, kita mo nang yakap na yakap ako nitong tukmol na to eh. Pero oo, kami nga po kaya tingin ko okay naman kahit kaming dalawa lang." Then he smiled creepily. Si kuya napangiti nalang rin kay Wonu ko.

When we sat, kinurot ko ang ilong niya. "Grabe, kawawa naman si kuya sayo kanina. " I said habang inaayos ang belt, sa bandang huli kami nakapwesto. Shit mukhang di ko kakayanin, second time ko palang dito.

The next thing I know was getting off that freaking ship, fixing my messed up hair and hearing my heart beating. Bukod sa puso ko, naririnig ko rin ang tawa ni Wonu at ni kuyang staff. Leche, pahiya.

"Yah, huwag mo akong pagtawanan, nakakatakot kaya!" I exclaimed.

"Sus, kala ko pa naman makakachansing na ako sayo kanina, kaso ikaw pa itong yumayakap sa akin habang sumisigaw pfft-" sabi niya saka nagpigil ng tawa, aba. Di na ako natutuwa ah, yung pRIDE KO!!1!

I nuzzled into his neck. Amoy Wonu. Ahh.

Umikot muna kami ng park while holding hands, nakatago pa sa bulsa ko ang kamay namin, interlaced, ang lamig kasi eh. Sumakay kami sa mga rides na pangbata kasi sarado pa yung extreme rides, ang saya sa carousel. Walang tao, kami lang talaga. Parang inarkila namin yung amusement park. Naupo kami dun sa bench sa harapan ng ferris wheel. Ang layo ng tingin niya. Matagal-tagal rin kaming natahimik.

Ako rin, medyo nakalimutan ko na akin pala siya ngayon. Magkabilang dulo kami nung bench naupo, para kaming couple na nag-aaway. Umusog ako ng kaunti, tulad ng boyfriend na nangsusuyo. Yiee-char. Sariling sikap wolah.

Tulala pa rin siya. Pero nung tiningnan ko ng mabuti, mukhang papikit na siya.

Antok na si Emoboi. Agad kong ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. Medyo nagulat siya pero sumandal na rin siya. "Chansing ka, hah." Biro niya pa. Niyakap niya ang braso ko saka pumikit ng tuluyan. "....Mingyu ko. Mahal na mahal kita." Medyo kinilig ako sa sinabi niya. Ewan ko, parang namula ata ako, na naman.

Napalunok ako. "A-Ako rin, m-mahal na mahal kita, Wonu ko." I kissed his temple. Bigla siyang napatingin sa akin na para bang may mali sa sinabi ko. "B-Bakit? Boyfriend mo ako diba? Bawal ko bang sabihin-" he gave me a small peck on my cheeks.

Healing [MEANIE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon