Nag-igting ang mga ugat niya sa kamay at leeg. Hindi siya makakapayag na hindi pagbabayaran ng lalaki ang ginawa.

"BRO, how did you find her?"

"She's not Veronica."

"What? That's impossible, parang pinagbiyak sila ng asawa mo."

"I know." Maikling sagot niya.

Yumuko siya sa babae at pinahiran ang tuyong luha sa pisngi. Hinalikan niya ito sa noo saka inayos ang pwesto nila.

Dumiretso sila sa hospital. Kailangan ma-confined ng dalaga at masuri kung nagalaw ito.

Sinabunutan niya ang sarili. Oh, God! Wag naman sana. Para siyang baliw na pabalik-balik ng lakad at hindi mapakali. May sabunutan ang buhok. Sumandal sa pader at maupo sa sahig.

"BRO, relax. Everything will be okay. Dadaan ako sa presento, nandun si Brent. Tapos diretso na ako ng uwi."

"Thanks, bro. Ingat sa pagmamaneho."

Tumango ang kaibigan at tinapik siya sa balikat.

"Sino ang kamag-anak ng pasyente?"

"Doc! Ako doc, I'm the husband."

Hindi naman nagduda pa ang doctor dahil suot pa rin niya ang pang-office.

"Kailangan lang ng pasyente ng kaunting pahinga at may trauma ang asawa mo sa nangyari, Mr. Kailangan siyang ilayo muna sa posibling ikaka-trigger ng mga masamang nangyari sa kanya. Bukod doon, normal naman lahat sa kanya."

Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti naman, hindi naituloy ng lalaki ang masamang balak bago pa sila dumating.

"Pwede mo nang puntahan ang asawa mo." Dagdag ng doctor. Tumango siya nagpasalamat.

Maingat na binuksan niya ang silid. Tulog ang babae dahil tinusukan ito ng pampakalma. Nahahabag siya nang pagmasdan ito.

Lumapit siya sa kama at naupo sa naroong upuan sa gilid. Holding her hands and playing with her fingers. Brought it his mouth and planted a soft kiss.

Just like Angela, pati kamay ay kuhang-kuha nito.

"From now on and onwards no one can harm you. I will protect you with all my life... and will make you remember me no matter how long it takes... because I know deep inside of me that you are my Angela." He said.

UNTI-UNTING nagmulat ng mga mata si April. Masakit ang buo niyang katawan, na tila ba binugbog iyon.

"Jusko! Anak, mabuti naman at gising ka na. Sobra mo akong pinag-alala sa'yo. Ang kapatid mo walang tigil sa pag-iyak."

"'Nay, si Omer, siya ang gumawa nito sa 'kin."

Biglang nagbago nag hilatsa ng mukha ng ginang. Napalitan iyon ng galit para sa lalaki.

"Sinampahan na siya ng kaso ng lalaking tumulong sa'yo. Kasalukuyan siyang nasa pagamutan at ililipat din sa kulangan."

Umigting ang ngipin niya. Inaalala ang kababuyan ng lalaki. Maya-maya pa'y nag-init ang sulok n kanyang mga mata.

Hinawakan ng ina ang kamay niya.

"Patawarin mo ako, anak. Hindi ko naman alam na gano'n ang gagawin sa'yo ni Omer. Sana noon pa lang ay hindi na ako nagtiwala sa lalaking iyon."

Ibinaling niya ang tingin sa ina, at pilit na ngumiti.

"Wala kayong dapat ihingi ng tawad, 'Nay. Pareho nating hindi alam ang totoong motibo ni Omer. Kahit ako na kasintahan niya sa loob ng anim na taon ay hindi ko pa pala kilala ang totoong siya. Mabuti na't alam na natin ngayon, at nagpapasalamat ako na hindi niya naituloy ang binabalak niyang masama laban sa akin."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now