Chapter 23

196 7 0
                                    

Walang nais gustohin si Veronica ng mga sandaling yaon kundi ang maka-alis sa lugar. After of few attempts she finally freed from the tie. May pagmamadaling lumabas siya, nang malapit na sa pinto. Sumilip muna siya roon, nang masiguro na walang tao. Humkbang siya palabas, ngunit bago pa man makalabas ang buong katawan niya. Isang putok ng baril ang nagpatigil sa kanya. Parang uminog ang mundo niya. Dinig na dinig niya ang sobrang lakas na kabog ng dibdib.

"Well! Well! Well! Sa tingin mo makakatakas ka? Think of it a million times!" Said the voice from behind. It was a woman voice yet it sounds so familiar but she couldn't remember where she heard it.

Lumingon siya. Muntikan na siyang masamid matapos makilala ang mukha ng babae. Kaya pala pamilyar ang tinig nito. Kilala niya ang babae, ito ang babaeng minsan niyang nakita sa mansyon. Nakangiti ito na parang isang kriminal. May hawak itong baril sa kaliwang kamay at natitiyak niyang iyon ang ipinutok nito.

"A-ano'ng kailangan mo sa'kin? Kung pera ang kailangan mo, wala akong maibibigay sa'yo."

Tumawa ulit ang babae. Lumapit ito na naiiling. Itinaas ang baril at nilaro ang ginatelyo. Napasinghap siya ng bigla na lang itutok nito ang baril sa direksyon niya.

Humalakhak ito nang makitang humakbang siya paatras.

"It's been a long time, how are you, April? Or..." humakbang ito palapit. Huminto lamang ito ilang dipa mula sa kanya. "Or should i call you ,Veronica?"

Nang hindi siya tuminag. Tumaas ang kaliwang labi nito. "Oh, I forgot! May amnesia ka nga pala. And because of that hindi mo kilala kung sino ka at ang totoo mong pamilya. And of course hindi mo rin ako matandaan. Poor you, girl. I pity you."

"Glaiza."

Napatitig sa kanya ang tinawag na Glaiza. Ngumiti ito.

"Good you remember me."

"Anong kailangan mo sa akin?"

"Hm, simple lang. Ang mawala ka sa landas ko. Ikaw lang naman ang malaking hadlang sa mga plano ko. Kaya ang dapat sa iyo ay mawala!"

Nangunot ang noo ni Veronica. Binalot ng kaba ang kanyang dibdib. May nagawa ba siyang kasalanan dito para gustuhin nitong kitilin ang buhay niya?

Sino ba talaga si Glaiza sa buhay niya? Anong koneksyon niya sa babae?

"Glaiza, baka pwedeng pag-usapan natin 'to. Kung anuman ang nagawa ko sayo, patawarin mo ako."

Humalakhak ito na parang baliw. Nag e-echo iyon sa loob ng bodega. Parang tinatambol ang dibdib niya sa takot. Nakatutok pa rin ang baril sa direksyon niya.

"Pag usapan? Nagpapatawa ka ba? Ever since i met Ivan, binuo ko na ang planong siya ang lalaking gusto kong makasama habang buhay, magkakaroon kami ng pamilya at tatanda ng sabay. Pero hindi natupad ang lahat ng iyon dahil s'yo!" napaatras si Veronica ng gigil na itutok ni Glaiza ang baril sa dereksyon niya. "Dapat noon ka pa namatay, pero ang swerte mo dahil pagkatapos mahulog sa bangin ng kotseng sinasakyan mo ay himalang nabuhay ka." tumawa ito na parang baliw. "I hate you! Inagaw mo ang kaisa-isahang lalaking mahal ko. Ang dapat sa'yo ay mamatay!" kitang-kita ni Veronica ang ginawang pagpitik ni Glaiza sa baril. Pumikit siya at hinintay na lamang ang pagtama ng bala sa katawan. Kasunod niyon ang umalingangaw na putok ng baril. Nag echo ang tawa ni Glaiza. Nagmulat si Veronica, halos mabingi siya sa lakas ng kabog ng dibdib. Ang buong akala niya ay katapusan na niya.

"You're not dead yet, not now but so soon. Before i kill you, may ipaparanas muna ako sa iyo at titiyakin ko na kahit nasa hukay kana, kakamuhian ka ni Ivan." Veronica shivered on the inside. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa pag alala para sa mag ama niya. Nag usal siya ng paulit ulit na panalangin na sana'y bigyan siya ng pagkakataon na makita at makasama ang mag ama niya.

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now