Chapter 1

456 26 1
                                    

"DADDY..."

Lumingon si Ivan sa pinanggalingan ng maliit na tinig.

Ngumiti siya rito at inilahad ang nakabukas na braso. Pumaloob ang anim na taong gulang na munting anghel nila ni Veronica.

Sa tuwing tinititigan niya ito ang mukha ng asawa ang nakikita. He badly misses her. So damn bad.

"DADDY... marami na po akong birthday, pero bakit wala pa rin si mommy?"

Tinakpan ni Ivan ang mga mata at kinusot. May patalim na tumusok sa kanyang dibdib sa nahihimigang lungkot at pangungulila sa boses ng anak.

It had been 6 years nang mangyari ang bangungot sa buhay nila. After the car exploded kung saan naroon si Veronica. Nagkaroon ng malawakang search operation para makita ang asawa. Nakahanda siyang ubusin lahat ng mayroon siya makita lamang muli si Veronica. Ligtas at buhay.

Ayaw niyang maniwala na tuluyan na silang iniwan nito. Oo nga't, nakita ng mga imbestigador ang wedding ring nitong suot. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay naroon pa rin ang pag-asa. Hindi siya naniniwala na nasunog ang katawan nito. Buhay si Veronica at hindi siya titigil na mahanap ito kahit anim na taon na ang nakaraan.

"When you grow up and become a big girl, you will understand everything."

"DADDY, I'm big girl na po." She was rubbing her chin on his shoulder.

"Okay-okay, big na kung big girl." Ngumiti siya sa anak at magaang binigyan ng halik sa noo.

"How have you been doing in school?"

"I was doing great, daddy. I got a prefect score kanina sa long quiz."

"That's my girl. I'm sure, sobrang proud si mommy sa'yo."

Tumingala ang anak sa kanya. Lukot na lukot ang mukha.

"Sabi ni Tita Glaiza, hindi na raw babalik si mommy at nasa heaven na." Tumiim ang kanyang bagang. "Is that true, daddy? 'Di ba, hindi naman? Babalik pa si mommy, I miss her kahit hindi ko pa siya nakasama. And every time I kept on looking at her on the picture, feeling ko kasama ko na rin si mommy."

That was the most painful words he heard from his daughter. Piniga ng husto ang puso niya. Kasalanan niya ang lahat, kung nasa bahay lang sana siya ng mga oras na iyon. Tiyak na hindi niya papayagang lumabas ang asawa na hindi siya kasama.

"Hon!"

Hindi siya natinag. Ano na naman kaya ang ginagawa ng babaeng iyon sa pamamahay niya. Pilit na ipinagsiksikan nito ang sarili sa kanya kahit ilang beses na niyang itinataboy.

Dahan-dahang kumalas ang anak.

"Go to your room, first. Kakausapin ko lang ang Tita Glaiza mo."

Masunuring tumango si Georgina. Ni hindi nito tinapunan ng tingin ang nakahalukipkip na babae sa daraanan. Parang hangin lang si Glaiza sa paningin ng bata.

Tiniyak ni Ivan na nakalayo na ang anak bago hinarap ang babae.

"What brings you here?"

Lumapit ito at ipinulupot sa kanyang leeg ang dalawang kamay.

Akmang hahalik ito ng iiwas niya ang mukha.

"What? Don't you miss me?" Lukot ang mukha ng babae.

Kinalas niya ang mga kamay nito sa leeg na tila isang sawa kung makakapit. He then, looked at her straight in the eye.

"Anong pinagsasabi mo sa anak ko?"

"What are you talking about? Wala akong sinasabi sa kanya maliban sa katotohanang hindi na babalik ang ina niya."

The Millionaire's First Love (BOOK2)Where stories live. Discover now