CHAPTER 79 - Hallow Vs Charmed

2.6K 124 3
                                    


**HALCUNERA**

Tinatangay ng hangin ang buhok at damit ko habang matiim kung tinitigan ang malaking energy ball. Malaya kung pinadaloy ang enerhiya sa sistema ko hanggang sa kamay ko na may hawak ng ispada. Lalong lumaki ang puting bumabalot rito. Malalim na hininga at nagngingitngit na kuryenteng nagbabangayan ang naririnig sa pagitan namin. Any moment magsasalubong ang mga ito kaya naman lalo kung pinagtibay ang enerhiyang binubuo ko.

Napaatras ang isa kung paa upang kumuha ng bwelo.

"AHHHHHHH!!!" sigaw ni hallow bago pinakawalan ang enerhiyang hawak nito. Inihanda ko ang sarili at pinakawalan ko narin ang talim ng sandata ko.

Booogggggggggggssssssssssss...........

Malakas na pagsabog at nilamon ng liwanag ang buong paligid. Kasabay nun malakas na enerhiya ang tumangay sa akin. Napapikit ako sa bilis ng pagtalsik ko. Hindi ko alam kung ilang sigundo bago ko naramdaman ang matigas na bagay.

Napangiwi ako dahil sa sakit na naramdaman sa likod ko. Natabunan ako ng malaking bato. Huminga ako upang sumagap ng hanging ngunit isang maling ginawa ko dahil natikman ko lang ang lupang tumabon sa akin.

Shit. Inipon ko ang lakas at tinulak ang tumabon na lupa at malalaking bato.

"Ahhhhhh!"

Habol ko ang aking hininga at napahawak ako sa aking kaliwang kamay. Ramdam ko ang sakit at ang dugong tumulo rito. Sa lakas ng enerhiyang nilabas ko dumugo ang aking kamay.

Nera. Okey ka lang ba? -alalang wika ni fero.

Nera. -wika rin ni elena, ajuha at aria. Bakas ang pag alala.

Okey lang ako. -napangiwi ako ng kumirot ang kaliwang kamay ko.

Sinubukan kong igalaw ang kaliwang kamay ko ngunit lalong kumirot ito.

Shit. Hindi ito maaari. Dahil sa sakit hindi ko naiwasang hindi magsalita sa isip ko kaya naman narinig ng apat ito.

Bakit anong nangyari sayo nera. -lalong nag alala si fero.

Wala ito. -napapikit ako dahil sa nararamdamang sakit.

Kunting tiis nalang nera. Nariyan na kami. -matigas na wika ni elena at bakas ang panggigil sa kaharap na kalaban.

Tumungo nalang ako kahit hindi nila ako nakikita. Huminga ako ng malalim at nagteleport ako sa himpapawid. Lumingon ako sa pinanggalingan ko at nanlaki ang aking mata dahil sa malaking butas at mga punong natumba. Halos ma wash out ang buong enchanted world. Napalingon ako kay hallow na lumitaw sa harap ko.

Bakas ko ang galos sa katawan nito. Napamura ako dahil galos lang ang natamo nito samantalang ako halos hindi ko na maigalaw ang kamay ko.

Haliwaw talaga ito. Tsss. Itinaas ko ang ispada at kita ko ang panginginig nito. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagngisi ni hallow. Tiniis ko ang sakit upang mai-angat lang ito.

Halcu.-bulong ko.

Ramdam ko ang malamig na enerhiyang dumaloy sa aking ugat patungo sa aking kaliwang kamay. Pansamantalang nawala ang kirot nito. Ng itangka kong igalaw muli ay naramdaman ko ang sakit.

Pasensya na nera ngunit hindi kinaya ang healing power ko ang natamo mong sugat. Malalim ito. -nag alalang wika ni halcu.

Okey lang halcu. Salamat. -huminga ako ng malalim.

THE CHARMED (HALCUNERA- the soul warrior) UNDER EDITINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon